CHAPTER 6

1033 Words
JESSA POV "Puro naman kayo palagi ang inuuna ko. Ngunit ang pakiusap ko lang sana sayo ay wag mong bastusin ang boyfriend ko pa. Baka magtampo na kasi nito ang boyfriend ko." "Eh anong gusto mo? Hayaan kita na buntisin na lang niya? Kung ikaw ang pagsabihan ko, baka balewalain mo lang ito." "Kasi pa, paulit ulit kayo. Nakaka inis na, kapag nagtampo talaga sa akin ang boyfriend ko, wag na kayong umasa na papasinin ko pa kayo." "Anong gulo yan?" tanong ni mama bigla na pababa na sa hagdan. Mas lalo akong nainis sa nangyari. Pagbaba niya ng hagdan, tinitigan pa ako nito ng malala. "Oh bakit madaling araw ka na umuwi ha? Alam mo bang delikado sa labas?" "Ma! Wala pong mangyayaring masama sa akin kasi siga po ako sa daan. Matutulog na po ako." Hinawakan niya ako sa aking braso ng akmang paakyat na ako. "Saglit lang! Bago ka maupo, mag usap muna tayo saglit ha!" Mas lalo pang humigpit ang pagkaka hawak niya sa aking braso. Naupo na lang kami sa sofa, nagtabi sila ni papa. Gigisahin niya ba ako nito? "Jessa, alam mo bang nag punta kagabi dito ang boyfriend mo?" "Kakauwi lang niya ma. Hinantay niya talaga ako eh. Ano po bang problema ha?" "Napapadalas na kasi siya dito sa bahay natin. Sana ay wag siyang masyadong mag punta rito. Nakakahiya, minsan ay nadadatnan niyang madumi ang bahay natin. Ayaw kong magsabi kasi bigla na lang nitong masamain. Pero ikaw yung girlfriend. Sabihan mo lang siya ng maayos para wala tayong problema. Kasi minsan, wala rin kaming panahon na intindihin ang boyfriend mo. Kagabi nga, imbes na makipag usap ako sa kanya ay tinulugan ko na lang." Wala raw time pero kapag umuuwi ako, madalas ko lang siyang nadadatnan sa labas at nakikipag chismisan sa ibang mga tao. Subalit kapag sa boyfriend ko ay walang oras? Ine entertain niya lang ito kapag maraming dala. Ngunit kapag wala, hindi niya ito papansin. Sabagay, ako nga na anak niya ay ginaganito niya rin. Magtataka pa ba ako? Investment lang ang tingin nila sa akin, at tingin nila ay nagtatae ako ng pera." "Sasabihan ko na lang siya para wag nang pumunta rito ng madalas. Kung wala na pala kayong sasabihin, matutulog na po ako." "Isa pa pala, Jessa! Sa Sunday ay aalis tayong buong pamilya. Dadalo tayo sa birthday party ng ninang Janice mo. Nakapagsabi na ako na lahat tayo ay dadalo. Gaganapin ito sa SMX sa pasay. Dapat lahat tayo ay handa." "SMX? Ang mahal po yata doon ha? Ang sosyal kaya ng lugar na yun!" "Aba!" sambit ni papa, "Ang yaman na ng tita Janice mo kasi lumago ang negosyo nila. Napag iwanan na nga tayong lahat. Buti pa sila, yumaman na subalit tayo, nandito pa rin at nangungupahan. Umattend ka ha? Kahit na isama mo ang boyfriend mo. Dapat ay magbihis tayo ng elegante upang maayos tayong tingnan doon. Isang regalo lang ang dadalhin natin, alam naman ng tita mo ang sitwasyon natin kaya wala raw problema sa kanya." Nakikita ko yung lungkot sa mga mata ni papa. Ang hirap nga lang din pala na napapagiwanan na kami. Kaso lang, tanggap ko na yung katotohanan na walang yumayaman na empleyado kahit na ilang overtime pa ang gawin ko. Buti na lang at may extra work ako para masustentohan ko ang sarili ko. Tutal wala nang mawawala pa sa akin, mas maigi pa na dalasan ko ang pagiging parausan ko sa bar. At kapag nakita ko ulit si Sir Calvin dito, titiyakin ko sa kanya na siya ulit ang kukuhain ko. Nag enjoy naman siya sa nangyari sa amin, galante siyang tao. Mas gagalingan ko yung performance ko sa kanya next time kahit na malaki yung sa kanya. "Ako na po yung sasagot ng regalo na bibilhin natin. Pati ang susuotin niyo, ako na rin ang bibili para walang problema." "Basta anak, iba pa rin dapat yung ibibigay mo sa amin ha? Sana nga ay maambunan din tayo ng pera. May mga pa games pa sila doon na may mga prizes. Dapat ay sumali ka para manalo tayo." "Depende po sa magiging palaro nila. Paano na lang kung kabastusan pala yung laro? Ano ang gagawin ko?" "Walang ganun! Matanda na ang tita mo, sa tingin mo ba ay magpapalaro sila ng may kabastusan? Sige na, wala na kaming ibang sasabihin pa. 10 am ang party subalit mas maganda kung 8 pm pa lang ng umaga ay nandoon na tayo para mas maka kwentuhan natin siya ng mas matagal." Gusto ko na sanang iabot yung perang kinita ko sa kanila pero ayaw nilang manghingi sa akin. Isasabay ko na lang din siguro ito sa sahod ko. Inakyat ko yung flowers at chocolate na bigay sa akin ng boyfriend ko. Sinarado ko yung pintuan at inamoy ko yung roses, ang bango bango nito at sariwa pa. Subalit yung bulaklak ko, nadiligan na ng ibang lalaki. Nagi guilty ako sa sitwasyon ko. Nilapag ko yung bulaklak sa mesa at kinain ko yung chocolate. Nang buksan ko ang phone ko habang nakahiga sa kama, may message pa akong natanggap sa kanya. "Babe, i check out ko na itong cream para matanggal yung pantal mo sa leeg. Ipa ship ko na lang sa bahay mo. Ano nga ulit ang address jan." Ewan ko pero bigla na lang din pumatak ang luha sa aking mga mata nang mabasa ko ang message niyang ito. Mahal na mahal ako ng boyfriend ko, parang nakokonsenya na ako na pumasok ulit sa bar. Kahit na instant money ito, ang hirap pa rin kung mayroon akong nasasaktan na tao. May iba pa kaya akong makikitang sideline sa bar? Kahit sana yung pagiging waitress lang? Ayos lang sa akin kung hindi instant money, ang mahalaga ay mayroon akong extra job na pinagkakakitaan. Kesa sa ibenta ko ang laman loob ko. Siguro naman ay sisikip pa itong sa akin kapag hindi ko na ginamit. Hindi naman siguro mahahalata ng boyfriend ko ito kapag may nangyari na sa amin. Chinat ko yung address ng bahay namin at nag heart react lang siya dito. Ilalapag ko na sana yung phone ko sa lamesa at matutulog ng may pahabol pa siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD