JESSA POV Para bang naaapura na si Nash na maikasal kaming dalawa. Kahit ako, nagulat sa sinabi kong 10 years. Ang oa na masyado kung sampong taon na ngunit mag jowa pa rin kaming dalawa. Kaya normal lang din siguro yung naging reaksyon niya. "Hahaha! Ano ka ba Nash? Kahit ako, ayaw ko rin na paabutin pa ng ganit katagal bago tayo maikasal. Gusto ko rin na maikasal sayo sa lalong madaling panahon kaya maraming salamat din sa pagtitiyaga mo at pag intindi sa sitwasyon ko." "Wala yun, pero aaminin ko sayo na dapat ay maikasal na rin tayo. Handa naman kitang itaguyod kasi stable na ang income ko. Magiging houswife lang kita at aalagaan mo ang mga anak natin." "Ang advance mong mag isip. Pero sorry, tutol kasi ako kung isa lang ang magtatrabaho sa mag asawa. Sa hirap ng buhay ngayon, dapa

