NASH POV "Babe, saan ka galing? Halika, kain ka, libre ng kapatid mong nanalo sa bilyaran." Kahit na halatang puyat ang girlfriend ko at namumuo na yung eyebags sa ilalim ng kanyang mga mata, ang ganda niya pa rin sa paningin ko. Malakas ang dating katulad noong unang beses kaming magkita. "Galing lang ako sa birthday party ng ka work ko. Umabsent pala ako kanina kasi 2 pm na kami nakarating sa bahay. Sumaglit lang ako dahil sa baka magtampo sa akin yung friend ko." Bumba ang tingin ko sa kanyang leeg at napansin ko na namumula ito, para bang mayroong kumagat sa kanya. "Babe, ano yang nasa leeg mo ha? Parang kagat yan ha?" Ayaw ko sanang isipin na kagat ng tao ang nakita ko pero ganito lang ang pwedeng mangyari eh. Napahawak siya sa kanyang leeg. "Ah eto? Wala yan, kagalat lang n

