CHAPTER 33

1009 Words

NASH POV "Kuya Nash, okay ka lang po ba? Mukhang ang lalim ng iniisip mo ha?" Nginisian ko siya, "Hehehe, wala ito, pagod lang din siguro ako." "Kung pagod ka, sana ay nagpahinga ka muna. I chat mo lang si ate, maiintindihan ka naman nun eh." "Sanay naman ako na ganito palagi eh. Para sa akin, hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko nakikita ang mukha ng ate mo." "Bakit kasi ayaw mo pang pakasalan si ate para araw araw mo na siyang makikita? Mas okay na ito sa akin para masolo ko yung kwarto ko at makapagdala ako ng babae doon." Loko loko talaga itong si Jonathan. "Kasal? Marami pang mga responsibilidad ang ate mo sa pamilya mo kaya malabo pang mangyari ang sinasabi mo. Ako, may ipon din pero tagilid pa sa buhay. Parang ang hirap mapasubo sa isang sitwasyon na wala nang labasan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD