JESSA POV Ang laki ng salapit na binigay ni Ninong kay papa. As in, parang ganito rin kalaki ang nahuthot ko mula sa kanya. Sabi na eh, barya lang ang kinuha kong pera sa lalaking 'yun at hindi kawalan sa kanya. "Akin na yan!" sambit ng mama na hinablot yung pera. Si papa naman, inagaw ulit ang pera sa kamay ni mama. "Sa akin ito binigay ni Calvin kaya ako ang hahawak nito. Kung gusto mong bigyan ka niya, dapat magkasakit ka muna!" "Hoy! Ang galing mo ha? Sino ba ang nagbabayad ng mga bills natin sa bahay? Hindi ba't ako? Kaya natural lang na ak ang humawak ng pera. Alalahanin mo, matagal ka nang walang ambag sa pamilyang ito at ako ang nagpapakahirap sa lahat!" Grabe! Parang ako yata ang dapat na magsabi nito kay mama eh! Nag agawan sila sa sobre at nakita ko yung ibang mga tao

