JESSA POV Tinulungan naman ako ng boyfriend ko na umakyat sa van at ako na mismo ang naglagay ng seatbelt sa baiwang ko. Diretso lang ang tingin sa aking harapan, nakasimangot habang nakapalupot ang mga kamay ko sa dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ako makikipag usap sa malibog na lalaki na ito ng walang kabang nararamdaman. Kahit tingnan ko pa lang siya, nanginginig na ang katawan ko eh! Isa isa na silang nag sipag pasukan dito sa loob ng sasakyan at si Nash ang huling sumakay. Sa likod siya nakaupong mag isa kahit na kasya silang apat sa second row. Kinuha ko ang phone ko sa pouch ko at na chat ako sa kanya. "Ayos ka lang ba jan babe?" "Yes, masakit din kasi ang paa ko kaya dito muna ako sa likod." Bakit feeling ko ay ayaw niya lang na nakaupo ako sa unahan. Sana kasi ay magka

