JESSA POV Nang dumating si Nash galing sa banyo ay dumeretso na kami kay tita Janice. Excited na akong makilala ang asawa niya at mga anak. For sure kung maganda siya ay isang saksakan ng ka gwapuhan ang asawa niya. At ang mga anak nila ay cute. Baka nga mas magaling pa silang mag salita ng English kaysa sa akin eh. Baka mahirapan pa akong makipag usap nito sa kanila. Medyo marami pang lumalapit kay tita Janice na mala diyosa ang ganta. Parang kulay pearl ang kanyang kutis na kumikinang sa ganda dahil natatamaan ng ilaw ng chandelier. Ang kinis ng kutis niya, mas maganda pa sa kutis ko. At ang sarap niyang tingnan na ngumiti kasi ang puti ng mga ngipin niya. She is such a perfect girl. Nai insecure lang din ako sa kanya kahit na alam kong mali. Baka kasi kapag na reach ko ang edad niyan

