CALVIN POV Wala na akong nagawa pa. Literal na nilunok ko ang pride ko alang alang sa aking mga anak. Mahal ko sila Vincent at Billy so kaylangan kong magpanggap na binalikan ko ang asawa ko kahit na pagod na ako sa araw araw naming pagtatalo. And right now I am here sa party, nakasuot ng puti na coat nat nakatingin sa salamin sa cr. Kahit na maga pa ang labi ko dahil sa suntok ng lalaking guard ng manlaban ako, I still forced myself to smile. Marami kaming mga bisita dito. Janice forced me na ngumiti at all times dahil sa marami kaming mga paparating na mga bisita. Halos marami raw siyang mga kamag anak na inimbitihan. Wala akong ibang choice, she is trying to do something against my will dahil alam niya kung gaano ko kamahal ang mga anak ko. Pero matapos lang ang malaking kalokohan

