2

2012 Words
Crush ko nga yata yong tao pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nakakaramdam ako ng pagnanasa sa katawan niya. That feels weird! Hindi naman ako manyakis at lalong hindi ko naman iniisip ang mga makamundong bagay noon. Pagkatapos sinabi niya pang nalilibugan ako o nagnanasa sa kanya. Does that mean he can read me? Obvious ba sa mukha ko iyon? Parang obvious nga talaga basi sa naalala ko. As much as I wanted to forget it... I can't tell. Kaya parang baliw na umiiwas ako, inaalala ko ang mga oras na nagkatagpo kami ng dalawang beses. I did a mental note. Nakakahiya naman talaga ang ginawa ko. Nabasa pa niya ang tumatakbo sa isipan ko. On Monday, I prepared myself. Mabuti na lang at tanghali ang klasi kundi mababaliw na naman ako sa hiya pag nakasabayan ko siya sa CR lalo naman sa hapag. Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya kayang harapin. Baka malusaw lang ako sa hiya pag nangyari yon. Di ko kakayanin! Saka na, pag humupa na rin itong nararamdaman ko. Sa unang araw ng pasukan may mga nakilala naman akong mga ka-blockmate. Yong iba mababait, pero may ilan ding halata na ayaw sa akin kahit na wala pa naman kong ginagawa. Iniintindi ko na lang, baka nga may pinagdadaanan. Kaso habang tumatagal mas lalo kong napapansin ang pagdami ng mga babaeng ayaw pumansin sa akin. Sinubukan ko naman na pangunahan sila kaso parang hito na ang dulas-dulas nilang paamuhin. Hindi ko naman maintindihan kung bakit gano'n, wala naman akong ginawang mali. At nalaman-laman ko na pinagchichismisan na pala ako ng mga 'putik' at kung ano-ano na ang mga sinabi sa ibang department! Badmood ako boung Linggo, hindi ako makaagapay sa pag-intindi sa mga ugali nila. Parang may mga sakit kasi... at ginawang puhunan ang paninirang puri sa akin. "They were jealous of you, Nic. Obvious kasi na hindi sila pinapansin ng mga ka-blockmates nating mga lalaki." Irap ni Jewel, isa sa mga kaklasi kong naging kasundo ko. Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi niya at uminom ng tubig bago tumayo. Kaso natigilan ako ng makita si Kuya Kent. "Putik." Tumalikod kaagad ako at sumunod si Jewel na bahagyang nagtataka sa ginawa kong pagtalikod. "Nic, okay ka lang?" nagtatakang tanon niya bago lumingon sa likod. Sumilip na rin ako kaya lang agad akong napaiwas sa hiya. "May ex ka ba diyan?" nagdududang tanong niya. Nilunok ko muna ang kaba at lumiko sa kabilang hallway. "Wala... wala akong ex diyan. Hindi pa ako nagkakaboyfriend." "Totoo?!" gulat na wika niya. Napatitig ako kay Liezl at sa kasama nitong mga kaibigan, bago nalipat ang titig ko kay Noel na parang baliw na ngumiti ng mag-isa. Umiwas lang ito nang nakita niya akong nakatitig sa kanya. "Totoo..." Kinurot naman niya ang tagiliran ko kaya kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginawa iyon. Hindi lang naman siguro ako ang hindi pa nakakapagboyfriend sa mundo para ikabigla niya iyon. "Yong mukha mo parang tabas ng isang playgirl, pero totoo hindi ka pa talaga nakakapagboyfriend?" Umiling na ako at kumunot ang noo. Nakita ko naman si Tristan na ngumiti noong nakita ako kaya binalik ko naman ang ngiti niya bago nilingon si Jewel. "Hmm, di pa nga nagkakaboyfriend pero nagbibigay na nang false hope sa mga lalaki." Natawa ako sa sinabi niya. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang pinoy mahilig gumawa ng issue. At lahat na lang ng bagay ay ginagawan ng meaning. "Priority ko ang pag-aaral, Wel... Saka kailangan kong magconcentrate do'n para kay Papa." Ngumisi lang siya sa paliwanag ko bago kumain ng lumpia na binili niya kanina sa canteen. Hindi naman tabain si Jewel kahit mahilig itong kumain, maliit na babae kaya nagmumukha akong dambuhala sa tabi niya. Thought slim at curvy naman ako. Sadyang malayo lang ang agwat ng 4'11 niyang height sa 5'8 kung taas. "Nic..." unlike kay Carren na may taas na 5'6. Hindi kami nagkakalayo. Kaya nga pag dumating na 'to si Carren ay bigla na lang napapasimangot si Jewel. Mas lalo raw siyang nagiging kawawa dahil sa layo ng height niya sa amin. Parang bata pa naman pag nagtatampo. Akala mo e inagawan ng candy. "Magheels ka ng mga 6 inch para tumangkad ka kahit konti." Bully ni Carren. Nagkurutan naman silang dalawa kaya tawang-tawa ako at aksidenteng napatitig sa bulletin board. Natigilan ako sandali at tumitig sa picture ni Kuya Kent na may kasamang nasa 16 years old na babae. It looked like they won in a competition. "Oy, si Prof Kent!" nabigla naman ako kay Carren at napalingon sa paligid. Kaya lang napagtanto ko na ang tinutukoy pala nito ay ang picture na nasa harapan namin. "Ang hot..." tukso ni Jewel at kinudlit ang picture nito sa salamin at pabirong dinilaan ang daliri. "Eh?" ngumiwi ako. Tumawa lang ito gano'n din si Carren na nakititig din sa picture. "Bucket list 1, bago ako gumraduate ng College. Gusto ko siyang maka-one night stand." Hindi ako nakahulma sa sinabi ni Carren. At mas lalo akong hindi na nakakilos ng makita ko si Kuya Kent na nasa likod niya at natawa lang sa sinabi nito. Natawa na rin si Carren ng malingunan siya at nagpeace sign. Na parang humihingi ng pasensya. Ako naman ay nakatitig sa kanya na ang liwa-liwanag ng tawa... yong ngipin pa niya ay ang puti-puti at mamula-mula pa ang labi niya. Halatang alaga talaga e. Ang linis pa ng mukha, halatang shaved lagi. "Against sa school rules iyang gusto mo. Hindi mo naman siguro gugustuhing ma-expel ako dahil lang sa makamundong bagay, di'ba?" pabirong sabi niya. Ngumisi lang si Carren at tumango. Lumunok ako at tinitigan si Jewel na nakatulala rin pala kay Kuya Kent. Binalik ko ang mga mata sa kanya at nakita ko siyang nakatitig sa picture bago ako nilingon. Kaya naubo ako at tumitig din sa salamin. "O siya, wala ba kayong klasi ngayon?" "s**t!" sigaw ni Jewel ng sumilip siya sa orasan. Nanlaki rin ang mga mata ko at nagpaalam na kay Kuya Kent bago kami tumakbo paakyat sa ikalawang palapag. Alas siete ng gabi ng natapos ang klasi namin. Sabay kaming umuwi ni Carren na walking distance lang din ang tinutuluyan na bahay. Medyo mas malayo iyong akin kesa sa kanila kaya mag-isa na lang akong naglalakad sa kalsada. Sanay naman na ako na laging ganito kaya di na bago sa akin kung gabihin man ako sa daan. Saka safe naman dito sa dami ng mga parentahang apartment. Tumitig ako sa kabilang bahay, sa bahay ng Landlady bago tinulak ang tarangkahan. May mga tao na siguro sa loob basi sa ilaw ng mga bintana sa ikalawang palapag. Maaga yata ang uwian ng mga empleyado kaya nanibago ako. "Magandang gabi, Nichole." Napatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa likod ko. Ngunit ang gulat na yon ay napalitan ng hiya at ilang. "Good evening, Kuya Kent." Bahagyang ngiti ko. Ngumiti siya at kinuha ang bagay na nasa itaas ng pintuan. Tinitigan ko naman iyon at nakitang parang lalagyan iyon na pangbabae. Kumunot tuloy ang noo ko. "Ang mga batang ito, Oo. Alam na ngang bawal e tuloy pa rin ang pagpapadala ng mga kung ano-ano." Nagtaka naman ako sa sinabi niya at sinilip ang pagbubukas niya sa lalagyan. Namilog ang bibig ko nang makitang mga tsokolate iyon. Nakita ko siyang umiling, "Student and teacher affairs are forbidden." Sabi niya. Napalunok ako at naguilty sa pagkakagusto ko sa kanya. Naisip ko na pinagnasaan ko pala yong katawan niyang batak sa maskels. Para pa naman siyang barumbado pero sa narinig ko mula sa kanya. Mukhang maprinsipyo at sumusunod talaga ito sa rules. Napakadugmental ko. Pinilit ko na lang ang sariling maging casual sa kanya. Kailangan kong pigilan ito kundi ako rin naman ang magkakaproblema sa huli. At isa pa, Prof siya sa University na pinapasukan ko. Kaya di malayong magkakaproblema pa rin ako kapag inalagaan ko 'tong nararamdaman ko. Siguro naninibago lang ako sa isang lalaki. Lalo na sa isang lalaking katulad ni Kuya Kent---- Prof Kent. Tama... kailangan kong alisin itong nararamdaman ko. Lalo na do'n sa imaheng huli kong nakita. Katawan lang iyon... nawawalan din ng saysay habang tumatanda ang tao. "Si Nichole, bago nating boarder. Actually three weeks na siyang nakatira dito. Mostly kasi sa'tin e laging busy kaya hindi niyo pa siya kilala." Ngumiti naman ako ng ipinakilala ako ni Kris sa lahat. Mga nasa anim kaming lahat. Ako lang ang estudyante. Lahat sila ay may mga trabaho na. Si Kris ay nagtatrabaho sa isang law firm bilang practice lawyer. Si Kuya Joe naman ay isang Accountant sa isang malaking company na isang byahe pa ang layo mula rito. Si Ate Yela naman ay nurse sa isang hospital, kaya siguro sa kanya ako laging nakikipag-usap dahil gusto kong matuto pa since nursing din naman ang kinuha ko. At si Prof Flora naman ay ikinabigla ko nang nalaman na nagtuturo rin pala ito sa FEU. Nagkagulatan pa kami ng naalala ko siyang naging Prof ko sa isang subject. Tawang-tawa siya kasi nasa iisang boarding house lang pala kami. Ngayon lang din namin nalaman. At syempre ang huli, si Prof Kent. I should start addressing him as 'Professor' at mahirap na matawag ko siyang 'Kuya' sa University. At tulad ni Prof Flora ay nagtuturo rin sa University. "Ang ganda ni Nichole, ano?" pagmamayabang ni Kris habang iniikot ako sa harap ng mga kasama namin. Nahihiyang umiwas ako sa kanya at tumabi ng Ate Yela. Na natatawa sa ginagawa ni Kris. "Para talagang bata..." bulong ni Ate Yela habang nakatitig kay Kris. Ngumiti naman ako ng tipid at lumingon kina Kuya Joe at Prof Flora na kausap si Prof Kent na nasa kabilang set ng mga upuan. Nawala ang ngiti ko nang nakita silang seryoso na nag-uusap. Matured at very professional ang mga ginagawa nila. Kaya medyo nakaramdam ako ng inggit. Na dapat hindi. Nakita ko pang tumayo si Prof Kent at kumuha ng kaha sa itaas ng isang naka-off na tv at nagpaalam sandali para lumikod. Napatingala ako ng dumaan siya sa likod ng sofa namin. Tinitigan ko ang mga tao at nakitang abala sila. May nanonood ng tv, at may ibang abala sa cellphone. Tumayo naman ako at tinitigan si Ate Yela, nagpaalam ako sandali at dumaan sa likod. Nakita ko si Prof Kent na nakatingala sa langit habang naninigarilyo. Medyo napaatras ako nang naamoy ang usok nito. Kaso tinuloy ko naman kaagad ang paglapit ko. Kaya napasinghap siya ng makita ko. "Gusto mo?" aya niya. Napaawang ang labi ko sa gulat. Hindi ko alam kung nakita niya iyon pero parang natigilan naman siya kaagad. "Hindi nga pala pwede sa'yo 'to." Iling niya at humithit muli bago bumuga sa kabila. Inupos niya muna ang dulo sa ashtray saka tumigil na sa paninigarilyo. Nakakaturn off naman, but I don't feel like I am turned off. Hindi naman sa hot titigan pag naninigarilyo pero parang normal na lang na bagay iyon. "Bakit ka sumunod?" tanong niya na naging dahilan ng paninigas ko. "A-ah... ah. A-ano... gusto ko lang ng sariwang hangin." Dahilan ko. "It looks like it wasn't the main reason." Sabi niya na naging dahilan kung bakit napipilan ako. Hindi ko rin naman alam kung ano ang dahilan kung bakit sumunod ako gayong dapat umiiwas na ako sa nararamdaman ko. Parang feelings ko kasi ang gumagawa kaya nandito ako sa tabi niya ngayon. Alam ko na mali 'to pero crush ko talaga siya, e! Wala namang masama do'n di'ba? As long as wala akong napapahamak. "I am a Prof, Nic. Gusto mo ba ako?" "H-ha? Ka—kapal naman ng apog mo!" natatawang sabi ko. Kahit na kinakabahan na ako ng matindi. "You like me? Or you lust me?" Tukso niya. Napipilan na ako ng tuluyan at tinitigan siya. Grabi! Bakit naman napaka-straight forward niya?! "Nic, hindi pwede." Sabi niya bago tumayo kaya nanliit ang mga mata ko habang sinusundan ang pag-alis niya. Nanliit ako bigla... Minsan na nga lang ako magkakagusto do'n pa sa bawal... do'n pa sa takot sumubok ng bawal. Para ba namang forbidden 'to sa mata ng Diyos!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD