3

2131 Words
Sumama ang loob ko sa nangyari. Who wouldn't be? Pakiramdam ko na-reject na kaagad ako kahit na hindi pa naman ako umaamin. Gano'n ba talaga yon? Kasi professor siya at estudyante naman ako? Naiintindihan ko naman na bawal ang ganito. Pero sana di'ba? Kasi professor siya so dapat alam niya kung paano magdahan-dahan sa feelings ng isang tao... Lalo na sa feelings ng isang estudyante. Alam mong sanay talaga siyang manakit ng pakiramdam ng isang estudyante. Sa dami ng mga nagpapapansin sa kanya, ni isa wala pang nakakalusot. Ewan ko nga ba kung anong kagagahan na naman ang ginawa ko. Dahil parang baliw na bumubuntot ako sa lahat ng ginagawa niya. I was observing him the whole time. Kaya naman nagtataka na talaga sina Carren kung ano na naman ang ginagawa ko. Hindi naman siguro obvious na sinusubukan kong alamin lahat ng transaksyon niya? Sa tingin ko hindi naman kasi parang ewan din naman sina Jewel at sinabing ini-stalk ko iyong bagong captain ng basketball team. Napapangiwi na lang ako... Lalo na do'n sa biglang pagpapa-cute no'ng lalaking yon. Hindi ko nga alam kung anong pangalan niya pagkatapos sa isang iglap naging tampulan na lang kami ng mga tukso. Naging campus loveteam! Nakakasuka para sa akin 'yon kaya todo ang iwas ko para lang hindi ma-link sa kanya kaso mas lalo pang lumala. At mas lumala pa no'ng naging most hate ako ng mga babae! Nababaliw na ako! Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin lalo na sa sobrang kulit niya. Kahit sa boarding house e sinusundan ako na parang linta lang na gustong sumipsip. Gusto kong maiyak sa inis, akala kasi ng lahat basta't gwapo at sikat, okay lang! Hindi naman lahat ng babae ay gugustuhing maging sikat! Tawang-tawa si Kris at Ate Yela ng Sabado ng umaga ay nakita niyang maraming tsokolate at bulaklak ang nakalagay sa sala ng boarding house. Hindi ko alam kung mababadtrip ako o pipiliting matuwa sa mga materyal na bagay na natanggap. Sinabi ko naman na ayaw ko ng manliligaw. Hindi ba klaro iyon? "Umagang-umaga, badtrip kaagad Nic?" tukso ni Ate Yela at kumuha ng hershey para tumikim. "Aba, kung ako lang naman ang may manliligaw na ganito. Matutuwa pa ako, e." Umiling ako sa huling sinabi ni Kris. Hindi na talaga ko natutuwa e... hindi ko naman maibalik sa kanya ang mga 'to dahil walang pasok at lalong wala naman akong balak na bumalik sa University. Mas lalo lang masisira ang araw ko kapag ginawa ko 'yon. "Hi NIc," bati ni Prof Flora nang datnan ko siya sa kusina. Nahihiyang sinuklay ko naman ang buhok ko at naupo sa harap niya. "Good Morning po Prof Flora." Ngumiti siya bago nagdugtong, "Pwede namang 'Ate' na lang 'pag nandito lang tayo, Nic." Tumango ako bilang pagsang-ayon at naglagay ng peanut butter sa tinapay bago kumuha ng mainit na tubig sa dispenser. Magkaharapan naman kaming nagkakape sa umagang 'yon. Nag-usap-usap lang ng kung ano-ano hanggang sa kumalabog sa pintuan. Pareho pa kaming napalingon ni Ate Flora at nalaglag ang panga ko nang makita si Prof Kent na halatang kakagising lang at magulong-magulo ang buhok. Napalunok ako at napakagat sa labi bago yumuko at natatarantang uminom ng kape. Kaso napasigaw ako nang napaso. "Nic!" pati si Ate Flora ay nabigla sa pagkakataranta ko at napatayo na rin. Tumungo ako sa dispenser at kumuha ng malamig na tubig bago hinahapong napaharap sa sink. Maubo-ubo naman ako lalo na ro'n sa paglapit nang natural na bango ni Prof Kent. Mas lalo ko naramdaman ang pagkakapaso dahil sa ginawa niya. Kinilabutan ako sa paghagod ng magaspang at mainit niyang palad mula sa likod ko. Ramdam ko 'yon dahil nga manipis na sando lamang ang sout ko. Ewan ko pero na-wiwiwi ako sa ginagawa niya. Putik! Ang libog ko! Nanigas ako at nanindig ang mga balahibo. Patay ako kay Papa... "Okay ka na?" tanong ni Prof Kent at pinisil ang baba ko na parang normal na bagay lang na laging ginagawa niya 'yon. Napatitig ako sa labi niya, sa bagong gising na labi niya. Na namumula pa sa tagal ng itinulog niya. Napapikit ako ng mariin at tumingkayad nang kaonti bago nilapat ang labi ko sa labi niya. Natigilan ang lahat, parang umihip pa ng malakas. Ako nama'y pikit na pikit at hindi na nakakilos sa bigla... nanigas na ako nang tuluyan kahit nakalapat pa iyong labi ko sa kanya. "Nic..." narinig ko na sabi ni Ate Flora. Parang nagising ako sa nakakahiyang panaginip na iyon. Napakurap-kurap pa ako sa lalim ng mga mata ni Prof Kent. Seryoso lamang ang pagkakatitig niya sa akin, na parang inaalam niya kung bakit ginawa ko 'yon. Napahiwalay ako at namumulang lumayo. Si Ate Flora naman ay halata ang pagkakabigla. Natulala ito sandali at parang siya pa ang nahiya na nag-excuse na lalabas lang sandali. Tuloy, mas lalong naging awkward para sa akin. Ayaw ko pa ring maniwala na ginawa ko yon. Walang imikan, walang nagsasalita... Walang nagbabalak na kumilos kahit isa mula sa amin. Lumingon siya sa labas, sa hallway na patungo sa CR. Ewan ko nga rin kung bakit napatitig din ako sa pintuan hanggang sa hinila niya ako patungo sa CR. Napapikit na lang ako sa takot. Mukhang mapapagalitan na nga talaga ako. Kasi tinalo ko ang isang ma-prinsipyong propesor. Ang malala pa ay may witness sa nangyari, sa kagagahan ko. Ano nang gagawin ko? "Bakit mo yon ginawa, Nichole?" tanong niya sa malumanay na boses. Napadilat ako sa lambing ng boses niya. Napaawang lang ang labi ko sa gulat. Akala ko talaga pagtataasan niya ako ng boses. Pero hindi naman nangyari. Parang inaalo niya pa ako at mukhang seryoso siyang malaman kung bakit ko nga ba ginawa 'yon. "S-sorry..." nahihiyang napayuko ako. "Hm?" nagdududang sabi niya at itinaas ang baba ko para matitigan siya. Mas lalo akong nailang. "Do you wanna kiss me again?" Gulat na gulat ako nang nagtanong siya no'n. Hindi kaagad ako nakaimik at napatitig muli sa labi niya. "Or you want me to kiss you?" ngisi niya ng bahagya bago nagseryoso. Napasinghap na lang ako nang nakadilat ang mga mata niyang tinikman-tikman ang labi ko. Pa-tuka-tuka kaya hindi ako nakahulma. Parang ang init ng klasi ng pagkakahalik niya...malandi. Putik! Ang landi ng halik niya! Parang nanunukso, nang paunti-unti at tumutunaw ng pagkatao. Inaantok kaagad ako pero sinubukan ko na pigilan ang sarili at gusto ko siyang titigan, na malalim ang pagkakatitig sa akin. Ayaw niyang pumikit...Hindi ko ineexpect na ganito, akala ko kasi pumipikit talaga kapag naghahalikan. Pero bakit kakaiba ang sa kanya. Napaatras ako at napasinghap sa gulat nang dinilaan niya ang pang-ibabang labi ko. Nangangatog na talaga ang kalamnan ko sa kilabot. Para akong nalulusaw habang nag-iinit sa klasi ng mga halik niya. Mapanukso... mababaw, pero nakakaakit. "This is how you kiss, Nic." Sabi niya at pwersahang hinila ang batok ko para mapalapit sa kanya. Nilapat ko naman ang mga palad ko sa dibdib niya. Gusto ko siyang pigilan kasi para akong nanghihina. Nangangatog na talaga ako, e. "Hm?" nagtatakang sabi niya. Hinaplos niya pa ang braso ko kaya nanghina iyon at tuluyan niya na akong kinabig. Naramdaman ko kaagad na bumuka ang bibig niya at buong-buong kinain niya ang labi ko na siyang dahilan kung bakit singhap ako nang singhap habang mariin niya akong hinahalikan. Parang gusto niya akong kainin ng buo. Iyong buong-buo na wala nang matitira kasi kahit yong loob ng bibig ko ay ginalugad niya kaagad. Ang lagkit. Ang lagkit ng lahat. Napanganga na lang ako at sinubukan na sumabay sa kanya. Kaso lagi akong nahuhuli. Pareho na kaming hinihingal at parang hinahapo. Hindi dahil sa nalalagutan na kami ng hininga, kundi parang pareho pa kaming nag-iinit. Ang lagkit talaga e, putik! Ang init! Pinisil ko ang matigas niyang braso habang umuungol sa ilalim ng mga halik niya. Nanginginig ako... "Damn! We're dead!" tawa niya at sinungkit ang labi ko bago tuluyang humiwalay sa akin. "We're really dead... You're damn hot, Nic." Sabi niya. At pinisil ang braso ko. Nakaawang pa rin ang labi ko sa hingal. Namumula na yata ang pisngi ko sa sobrang init ng ginawa niyang paghalik sa akin. Kung mamamatay man kami sa kasalanan na 'to! Putik! Ayaw kong pumayag dahil sinabi ko naman di'ba wala naman sa rules ng Diyos na bawal ang estudyante't guro... Gawa-gawa lamang ito ng tao, kaya kahit sabihin niyang patay kami... Pasensya na pero hindi ako makakapayag. Ang saya kaya nito. "You're hella hot, Nic. But this is all wrong." Iling niya. Gusto kong matawa pero sa sitwasyon namin ngayon, nagiging seryoso ako at ayaw pa rin humupa nang nararamdaman ko. Parang gusto ko pang sabihin na gusto ko pa ng isa, iyong mas malalim pa sa pagbuka ng bibig niya at sa malanding pagkalikot ng dila niya sa loob ng bibig ko. Gusto ko pa, gusto ko pa ng mas higit pa ro'n. I'm feeling all hot, literal na nag-iinit. Namumungay na nga ang mga mata ko sa liyo. "You okay?" haplos niya sa batok ko na natatakpan ng mahaba kong buhok. Umiling ako na siyang dahilan kung bakit natigilan siya. Hindi ako sigurado pero parang may dumaan na guilt sa mga mata niya. Napaawang tuloy ang labi ko. "N-not the way you think it was, Pro---- Kuya Kent. A-ano..." napakamot ako sa noo at tumitig sa kusina. Bigla akong kinabahan na baka hindi lang si Ate Flora ang makakakita sa amin.Gusto ko siyang kausapin sa mas pribadong lugar. "Pwede ho ba sa itaas? Sa kwarto ko?" nahihiyang sabi ko. Napaawang bahagya ang mga labi niya sa gulat. Ako nga rin at nagulat sa paanyaya ko. Kaso iyon lang natatanging pribadong lugar na pwede kong pagdalhan sa kanya. Unless, gusto niya rin sa kwarto niya kami mag-usap. Sa ganitong sitwasyon, parang imposible sa'kin na wag pag-usapan 'to. Buti sana kung aksidenteng halikan lang ang nangyari at pwede naming baliwalain. But it was more than that of an accident kissed. Sinadya iyon... sobrang sinadya na kahit ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang nararamdaman ko sa intense nang ginawa niyang paghalik. Parang mahirap kalimutan... kaya hindi pwedeng baliwalain ko na lang 'to. Tumango siya at hinila ako paakyat sa ikalawang palapag. Walang tao pero narinig ko si Kuya Joe na nakikipagtawanan sa isa sa mga boarders at mukhang naglalakad papasok ng sala. Hindi naman kami nahuli ninuman kasi mabilis din si Kuya Kent at tumakbo papasok sa... kwarto niya? Kinabahan naman ako lalo na no'ng tuluyan nang nabuksan ang kwarto niyang mas malinis pa yata sa kwarto ko. Napaawang labi ko sa dami ng mga librong nando'n. Hindi na nagkasya pa kasi yong iba nilagay nalang sa baba ng study table niya. It feels weird being inside a man's room. Napaupo na lang ako sa kama niya nang nakita siyang lumayo at may kinuha sa cabinet. Napaiwas na lang ako no'ng naghubad siya at nagflex ang likod niyang may muscles din pala. Bigla akong nainitan sa liit ng room niya... "Mainit ba?" tanong niya at hinaplos ang batok ko kaya napatitig ako sa kanya na nakaupo na sa tabi ko. Umiling ako bilang pagsisinungaling. Ngunit ramdam ko ang pagbuo ng pawis sa likod at noo ko. Mainit na nga, mas lalo pang nag-init dahil sa mga paghaplos niya. Hindi lang kasi batok ko ang hinahaplos niya kundi pati na rin ang hita ko. Hindi ko nga alam kung aangal ako o hindi gayong nagugustuhan ko naman. Pakiramdam ko ang weirdo ko dahil sa nararamdaman. "Hindi ba talaga mainit, Nic?" tanong niya. Napasinghap ako ng pumikit siya sa gilid ko at humalik sa leeg ko. Nanigas na ako ng tuluyan at pumikit ng mariin. Sabi ko mag-uusap kami kaso parang baliw din 'tong katawan ko at mas inuna ang sensasyon nararamdaman. Napatitig na nga ako sa salamin habang tinititigan ang paghalik niya. Putik! Kiliting-kiliti na ako at kanina pa ako hindi mapakali. I wanted more... kaso hindi ko alam kung anong 'more' iyong naiisip ko. Basta gusto ko pa. Ang gaspang ng palad niya pero mainit. Ang lamig ng halik niya ngunit gumagapang ang kilabot sa bou kong katawan. Para talaga akong dinuduyan. At mas lalo pang dinuduyan nang naramdaman ko ang kamay niyang gumagapang... patungo sa pinakaloob ng mga hita ko. Tumigil lang sa singit ng sout kong shorts. At ang gaga ko kasi binuka ko iyong hita ko na naging dahilan kong bakit natigil siya sa paghalik sa leeg ko. "Damn... this is really wrong. Damn!" Natigilan ako sa pagmura niya. Putik nga naman! Sino ba yong kahalikan ko kanina at mukhang tuluyan nang humiwalay sa katawan ni Kuya Kent? Hinawakan ko nga ang braso niya at hinila ito palapit sa akin... palapit sa singit ng dalawang magkahugpong kong mga hita. "Nic..." namumulang sabi niya kaya natigilan ako. Parang nagising ako sa makamundong gawain. Tumayo ako at nag-excuse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD