4

2091 Words
Maaga pa lang ay gising na ako para maghanda sa pagsisimba. Isasama ako nina Ate Yela, Ate Flora at Kris. Hindi ko nga alam kung paano mag-a-act sa harap ni Ate Flora na siyang nakasaksi sa kagagahan ko kahapon. Parang normal naman ang pakikitungo niya sa akin kaso kung hindi ko lang din alam iisipin kong wala talaga siyang alam. Kaya maingat na maingat ako sa takot na baka mabuksan ang usapan na 'yon. Hindi ko alam kung paano ang depensang gagawin ko kapag nangyari 'yon. Pagkatapos ng simba nag-aya naman si Kris na mag-mall. Para sa arcade. Nakangiwi na nga ako habang nakakatitig kay Kris na tuwang-tuwa sa baril-barilan niya kaya natatawa na rin sina Ate Yela at Ate lalo na sa reakyon ko. Ang tingin ko kay Kris, parang bata na hindi mo mapagkakamalang magiging Attorney na. Siya lang yong nakikita kong hindi nagmamatured. Kaya asar din ako sa kanya dahil sa sobrang kulit niya. Pati ako ay kinukulit niya. "Rate!" sabi niya sabay turo do'n sa Koreanong pumasok sa isang restaurant. Sinipat ko naman ang kamay niya at dahan-dahang ibinaba. "Zero..." Napalingon sa akin sina Ate Yela na nagtataka at natawa na lang din sa huli. "Iba kasi type mo, Nic... Ano bang type mo sa isang lalaki?" Napaubo naman si Ate Flora sa tanong ni Ate Yela at kunwaring uminom na lang ng tubig. Napalunok nga rin ako at matagal bago nakasagot. "Simple... walang basihan." Kinakabahang sabi ko at bahagyang lumingon kay Ate Flora na nakalingon sa labas. "Sa pisikal, wala ba?" parehong nagtataka na sina Ate Yela at Kris. Napaiwas ako no'ng lumingon si Ate Flora at mariing nakikinig. "W-wala..." "Weird." Bulong ni Kris. Hindi na lang ako nagsalita dahil totoo namang wala akong type kung sa pisikal lang naman. Iyong kay Prof Kent, it just happened. Naging type ko siya nang walang basihan. Wala naman akong standard noon. Kung sobra-sobra si Prof Kent para sa pisikal na aspeto... hindi ko naman siguro kasalanan iyon? Alas tres nang umuwi kami sa boarding house. Napagod ako pero masaya kasi may nakakausap na ako at higit pa na mas matanda sa akin. Atleast may nakakausap na akong matured mag-isip. At may nag-aadvise sa akin sa mga bagay-bagay. Pakiramdam ko nahanap ko iyong mga ate sa pagkatao ng tatlo. Malungkot kasi na nabubuhay na mag-isa. Lalo na at pabalik-balik si Papa sa Dubai. Nadatnan namin sila Prof Kent at Kuya Joe na nanonood ng basketball. Natigilan ako sandali at nagdiretso sa hagdan. Nagkatitigan pa nga kami ni Ate Flora na kanina pa pala ino-obsebaran ang reaksyon ko. Bigla akong nahiya ngunit napalitan ng kaginhawaan iyon nang ngumiti siya sa akin at ti-nap ang balikat ko. "Normal lang iyan, Nic. Wag mo lang masyadong seryosohin at baka ikaw ang lugi sa huli." Yon lang siguro ang hinihintay ko para wag ng kabahan kay Ate Flora. Professor na professor ang dating niya sa pag-intindi sa akin. Parang siya lang yata ang tamang makakapagbigay sa akin ng advise sa nangyayari. Gusto ko pa sana siyang makausap ng mag-alas sinco, kaya lang nang bumaba ako ay nadatnan ko siyang nakaayos at sinundo ng isang lalaki. Na ipinakilala niya pa sa akin bilang boyfriend niya. Bigla akong nahiya at nag-excuse na tutungo lang sa kusina. Yong frustration ko ay ikinain ko na lang ng tinapay. Wala na naman akong makausap, siguradong umalis na naman ang mga tao sa boarding house. May kanya-kanya na naman sigurong lakad. Nakakaboring. Inaral ko na nga lang yong notes ko no'ng Friday nang umakyat ako sa kwarto ko. Kinausap ko rin sandali si Papa na kakauwi lang galing sa Sunday OT. Nalulungkot nga ako habang nakikita si Papa na malungkot at mukhang pagod. Alam ko na gusto niya nang umuwi dito kaya lang pinipigilan pa kami ng pagkakataon. Kung sana mayaman lang kami hindi ko na sana nakikita si Papa na malungkot sa ibang bansa. Kailangan ko talagang makapagtapos ng walang 'distraksyon' kundi mas lalo ko pang makikita ang lungkot sa mga mata ni Papa. Bata pa si Papa pero pakiramdam ko tumanda siya dahil sa malaking responsibilidad niya sa akin. Kailangang-kailangan kong makapagtapos. Kailangan ko ring pigilan 'tong nararamdaman ko kay Prof Kent. Tama... kailangan ko ring maging pormal sa kanya. Kung gusto ko nang walang distraksyon, kailangan kong maging pormal talaga. "Good morning po, Kuya Kent." Gulat na lumingon siya sa akin na umiinom na ngayon ng kape. Ngumiti siya at ti-nap ang upuan na nasa tabi niya. Biglang nangasim ang panga ko pero sinubukan ko na maupo sa tabi niya. Hindi ko alam kung bakit ngunit sinubukan ko pa rin. Baka lang kasi maging pormal na kami ng tuluyan kahit na kinakabahan pa rin ako. "Good morning, Nic." Sabi niya nang nakangiti ng bahagya bago nagtimpla ng kape sa isang cup at saka nilapit sa akin. "Thank you..." tumango siya at tinulak sa akin ang pandesal na siguro binili niya kanina sa labas. Yong huling silip ko sa cabinet ay wala pa nito. Ako pa naman ang suki ng tinapay. Lagi akong naghahanap no'n kapag ginugutom ako. "I'm sorry for what happened." Napaubo ako sa sinabi niya at lumingon sa pintuan. Alas sais na nang umaga, maaga lang akong nagising ngayon dahil sa mga iniisip ko kagabi. Tanghali pa naman ang pasok ko kaya okay lang siguro kung matagalan man ako dito. Ang tanong, okay lang din kaya sa kanya? May klasi siya di'ba? Napatitig ako sa gilid ng leeg niya, medyo kumunot ang noo ko bago tumitig sa mukha niya. Ang ganda ng pagkakalagay ng maliit na nunal na 'yon. Mas lalo siyang gumwapo at lumakas ang appeal. Kaso ang dapat kong pagtuunan nang pansin ngayon ay ang sinabi niya. Kinakabahan man ako ay dapat baliwalain ko na yon. Tama, dapat pigilan ko na 'tong mga iniisip ko. Dahil hindi nga kasi talaga tama. Kahit saan tingnan, mali lahat ng pagkakataon. Mali sa school rules, mali sa mata ng Diyos, at mali sa mata ni Papa. Si Papa na lang dapat muna. "Okay lang, Kuya. Pero pwede bang kalimutan na lang natin 'yon?" nakangiting sabi ko at uminom ng kape. Tumitig siya nang malalim sa akin bago ngumiti at tumango. Napahinga ako nang malalim. Sakto namang nagpaalam na siya at kailangan niya na raw maligo. Tumitig na lang ako sa likod niya bago napahinga ng malalim at inubos ang kape bago naglinis at umakyat muli sa itaas ng kwarto ko. Pumikit ako at humiga. Saka muli akong naupo at sinilip ang cellphone. May text galing kay Jewel at nagtatanong sa isang case na hindi niya maintindihan. Kailangan ko tuloy siyang tawagan at sabihing ibibigay ko na lang ang handouts mamaya. Saka ako humiga ulit kaso napatayo na naman ako at tumitig sa pintuan ko. Lunok ako nang lunok, saka pumikit at umupo sa kama. Putik nga naman! Ano ba 'tong nararamdaman ko?! Nagmamadali akong napadaan sa quadrangle, sabi ni Jewel na dito na lang daw kami magkita. Dito rin kasi ang tungo ni Carren na dumaan pa sa Engineering Department para ibigay ang allowance ng kuya niya. "Saviour!" hinahapong sabi ni Jewel at niyakap ng mahigpit ang inabot kong handouts sa kanya. Natawa na lang ako at tumitig sa pedestrian lane na nasa dulo ng quadrangle. Napalunok ako nang makita si Prof Kent na may katawanan na isang Prof din. Napaiwas ako at tinitigan na lang ang ginagawang pag-copy ni Jewel. Kaso sumakit ang lalamunan ko sa kakalunok at sinubukan na tumitig ulit do'n, at wala na akong nadatnan pa. Isang buwan... isang buwan na ang usap-usapan tungkol kay Prof Kent at kay Prof Grace. At isang buwan na rin akong laging badtrip. Binasted ko na rin ang Captain ng Basketball team na nanligaw sa akin noon. Nadidistract ako e! Kahit anong pilit ko na tama iyong ginawa ko, parang naging mali. Distracted na distracted ako habang nakapangalumbaba sa ilalim ng punong Acacia. Gusto kong punitin 'tong nakuha kong score sa isang subject. Hindi naman bagsak pero ang baba. Gusto kong maiyak ngunit pakiramdam ko hindi tama iyon. Tumayo na lang ako at nag-ayos habang nakatitig sa ilaw na nasa poste. Ilang minuto pa ay naglakad na ako patungo sa gate. Nilakad ko lang din ang pauwi sa boarding house. Sa labas pa lang parang napaatras na ako no'ng narinig na maingay sa loob. May narinig pa akong hindi pamilyar na boses. Pero kilala ko kasi naging prof namin ito no'ng isang araw nang nag-on leave ang isang prof. Kilala ko dahil siya lang naman si Prof Grace. "Nic!" sigaw ni Ate Yela at niyakap ako bago hinila sa tabi nila. Napatitig ako kay Prof Grace na ngumiti sa akin. Plastic siguro ang pagkakangiti ko kasi hindi ko mabanat ng mabuti iyong labi ko. Wala si Prof Kent. Siguro umakyat pa sandali. Inisip ko ang nakuha kong score kanina at biglang nabadtrip na naman ako. Gusto kong kumawala, ayaw ko nito. Ayaw ko sa Prof na 'to. "Nic, dito ka muna..." sabi ni Kris. "Magbibihis lang ako." Simangot ko. Natawa si Ate Flora, "Hayaan mo na Kris." Nagmamadali akong umakyat sa ikalawang palapag at tumitig muna sa silid ni Kuya Kent bago tinulak ang pintuan kaso natigilan naman ako. Ibinalik ko naman ang mga mata ko do'n. Naglakad ako palapit sa pintuan niya at kagat labing kumatok. Walang nagbubukas kaya kinatok ko muli. "Gra---" Napasimangot ako. Obvious na si Prof Grace ang gusto nitong sambitin kaso natigilan nang nakita ako. "Do you like her?" Gulat na napatitig siya sa akin nang matagal. Nang tumango siya ay napairap ako at tumalikod. "Nic! Wait!" "Crush kita, Kuya Kent..." lakas na loob na sabi ko nang lumingon ako sa kanya. Natigilan siya sa pag-abot sa akin. Nando'n na ang kamay niya, parang gusto niyang ilapat sa balikat ko. Kaso dahil sa sinabi ko ay tuluyan na siyang natigilan. "Gusto kita... at ayaw ko sa mga naririnig ko." Kagat labing sabi ko. Hindi pa rin siya nagsasalita. Akala ko nga e tuluyan na siyang nanigas do'n kung hindi ko lang napansin ang paglunok niya. Yong ilang ulit niyang paglunok. "Gets mo ba?" nangangasim na tanong ko. Tumango siya at bumuntong hininga. Kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko. Wala... talo talaga. Mas maganda naman ako do'n sa Prof na yon, mas bata... pero mukhang iba talaga ang type niya. "Alam mong mali di'ba?" Kumunot ang noo ko. Alam ko, hindi naman siguro ako aamin nang ganito kung maling-mali talaga 'to. Mali lang kasi bawal sa University. "Alam ko... pero mas mali kung bumagsak ako ngayong Semester. I'm so distracted." Iling ko. "Ha?" "Distracted ako, Kuya! Kasi gusto kita at narinig ko pa na may something sa inyo ni Prof Grace." Tumalikod na ako ng tuluyan at pinihit ang pintuan. Akala ko titigil na lang sa ganito pero sumunod siya sa loob kaya laking gulat ko nang ni-lock niya iyon. "I like Grace." Naningkit ang mga mata ko. Kailangan bang paulit-ulit na malaman ko iyon? Para ano? Alam ko na mali nga ang makaramdam ng kahit na ano lalo na sa isang nagtuturo, pero ang ipamukha sa akin 'to? "Okay? Anong gusto mong gawin ko?" "Burahin mo'ko diyan." Gusto kong matawa, parang nakakatawa kasi. Umamin lang naman ako. Hindi ko naman sinabing panagutan niya ang nararamdaman ko. Alam ko na nadala lang siya sa naramdaman niya noon kaya hinalikan niya ako. Magkaiba naman 'to sa noon at sa ngayon. "Paano kong ayaw ko?" nagmamatigas na sabi ko. Natigilan siya. Hindi nakapagsalita. "Magbibihis na ako..." irap ko nang nakatalikod sa kanya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero alam kong nandiyan pa siya. Nilingon ko nga at nakitang nakaupo na siya sa kama ko ngayon. Nakatitig siya sigurado sa likod ko. "Tititigan mo ba ako habang nagbibihis?" "I like Grace because I had to." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit parang napilitan pa siyang gustuhin ang Prof na yon? "You're damn hot, Nic... and I don't even like you romantically." Kunot na kunot na ang noo ko at medyo lumapit sa kanya. Ano na naman ba itong sinasabi niya? Sabi niya burahin ko siya sa isipan at sa nararamdaman ko. Pero bakit parang iba naman ang ibig sabihin niyang mga sinasabi niya. Pagkatapos sinabi niyang hindi niya ko gusto tulad nang pagkakagusto ko sa kanya? Gusto niya ba akong saktan? "Iba ang gusto ko mula sa'yo, Nic." Iling niya at tumayo. Mas lalo akong nagtaka. Gusto ko pang magtanong kaso umali na ito nang tuluyan. Na para bang nagmamadali. Hindi niya ako gusto bilang isang babae pero iba naman ang gusto niya mula sa akin? Nakakabaliw mag-isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD