Chapter 10

2513 Words
Jacob Kaleb Ferell Nagulat ako sa mga nangyare. Sinong may pakana ng lahat ng to?! Hindi ako aware na may tatraydor sakin pero isa lang ang alam ko at kutob ko na nasa likod ng gulong to. Hinanap ko kagad si Theodore. Nakita ko syang inaalalayan ng Kuya Garreth nya palabas habang pinagkakaguluhan ng mga pres. Tatakbo sana ako sa kanila pero pinigilan ako ni Kuya Eliot kaya napalingon ako sa kanya. "JK huwag. Unahin mo si Aisha. She's still your wife." Sabi niya saken. Tumingin ako sa katabi kong parang naestatwa sa nakita at napanood niya. Hinawakan ko sya sa kamay at hinatak sa mas malapit na exit bago kami mapansin ng pres at habulin din kami. Good thing mabilis ang mga staff at naharangan sila at tuluyan kaming nakalabas ng venue. Pinaharurot ko ang kotse ko pauwi ng bahay. Halo halong emosyon yung nararamdaman ko. Halos hindi mag function sa utak ko yung nangyayare. Halo halo na. Si Theodore ano kayang nararamdaman nya ngayon? At tong kasama ko? Kelan pa nya ko ginagago? Pagkapark hinatak ko kaagad sya papasok sa loob at tsaka iniharap saken. "Kelan mo pa ko ginagago?" Seryosong tanong ko sa kanya. Tulala lang sya at di naimik. "Kelan mo pa ko ginagago?!" Sigaw ko sa kanya at napapitlag sya sa gulat. "T-That's not what you think Jacob." Nauutal nyang sabe. "Bobo ba ko ha?! Tingin mo?! Dalawang taon tayo! Yung picture na yon kakakasal lang naten non hindi ba?!" Sigaw ko ulit sa kanya. Napahilamos nalang ako ng kamay sa mukha. Tangina. Akala ko, akala ko ako ang nagloloko. Puta mas nauna pa pala akong iputan sa ulo ng asawa ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o kung anong dapat kong maging reaksyon. "Bakit ba ako ang ini-enterogate mo ha?! Ikaw?! Ano yung picture na naghahalikan kayo ni Theodore?! All this time bakla pala kabit mo?! s**t Jacob!! Mas matatanggap ko pa sana kung babae eh. Kaso bakla?!" Sigaw nya pabalik. "Wag mong ibalik saken ang tanong ko sayo Aisha!! Bullshit!!" Sa sobrang inis ko napasabunot nalang ako sa buhok ko. Nakakafrustrate na sobra. Napahawak ako sa maliit na vase na malapit sa hagdan at tsaka ko binato sa pader malapit sa kinatatayuan ni Aisha. "Answer me Aisha! Kailan mo pa ako ginagago?!" Sigaw ko ulit sa kanya. Nag umpisa na siyang umiyak. Tangina wag mo kong artihan! Ayoko sa lahat yung ganito. Masyadong madrama. "N-Nung bago tayo i-ikasal, m-may nangyare samin ni Manager Sev. T-Tapos ayaw nyang bumitaw sakin. He even treated me na pag hindi na ako nakipag kita sa kanya sisirain nya career nating dalawa." Sabi niya habang umiiyak. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Whole the time iniiputan nya lang ako sa ulo? Huh! Akala ko ako lang ang makasalanan. Mas makasalanan pa pala tong kaharap ko. Ang kapal ng pagmumukha nitong lumapit saakin sa pagtulog ayun pala may ibang lalaki siyang sinisipingan. Biglang tumunog yung phone ko. Pag open ko, MMS. Picture ni Aisha at Manager Sev na magkasama, masaya silang dalawa. Mukang walang pamimilit na nangyare sa itchura ni Aisha dito. Mas mukha pa nga silang mag asawa kung titignan. Para pating ang gagara ng mga date na ibinibigay sa kanya ng lalaki niya. Madaming pictures. At sa panghuli may message pa. 'DID YOU LIKE IT FERELL? NICE SHOW ISN'T IT?' Fuck! Tama nga ang hinala kong si Ralph ang may kagagawan nito. Gago ka Ralph. Lintik na ang walang ganti. Tumingin ako sa kaharap ko hawak nya din pala yung phone nya. Paniguradong yung samin naman ni Theodore na mga pictures ang nakikita niya. She's still crying. "7 months na kami. Mahal ko si Theodore higit pa sa inaakala mo. Kaya pala hindi manlang ako makaramdam ng guilt dahil nagloloko ako kasi mas nauna ka palang nang gago. Ngayon quits na tayo." Sabi ko pa bago nya pa ko tanungin kung gaano na kami katagal ni Theodore. Dahil doon din naman punta ng itatanong niya. "I want a divorce Aisha. So we can live freely. Ikaw kasama ni Manager Sev. At ako kasama si Theodore." Sabi ko ulit. Di sya naimik pero nung marinig nya yung divorce napatingin sya saken. "No! No! Please Jacob let's fix this." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Mabilis kong inalis yung pagkakahawak niya sa kamay ko. "Wala ng aayusin. We both messed up. Nauna ka nga lang." Lalabas na sana ako pero tumigil ako at lumingon sa kanya. "Pagbalik ko wala ka na dapat gamit dito. Expect to recieve a divorce paper right away." Sabi ko tsaka lumabas at sinalampak ang pinto. Hindi ko padin maiwasan isipin na masakit. Matagal na pala akong niloloko. Whole the time nag iisip ako na ayoko syang masaktan kahit na nanggago ako. Yun pala ako na ang ginago at worst matagal na. Tagal ko din namang iningatan yung pagmamahal na binigay niya sakin. I admitted to myself na mahal ko ang asawa ko. At first gusto kong itigil ginagawa ko dahil binabalot ako ng guilt. Pero habang tumatagal parang meron sa loob ko na nagpupush sakin na ituloy ko lang to. Tangina. Nakaka stressed! Gusto kong makita si Theodore. Garreth Herrera Hindi ako makapaniwala. Bakit naging ganito yung kapatid ko? Sana pala talaga di na ako umalis at iniwan sya. Para nagabayan ko syang maigi. Akala ko hindi siya gagawa ng bagay na ikakasira ng pangarap o kahit pangalan manlang niya. Malaking kahihiyan to. Lalo na at kakalat pa to sa balita. Career nilang dalawa ni Jacob ang nakasalalay sa ginagawa nilang dalawa. Naiiyak nalang ako sa sobrang inis. "Bes, kasalanan ko to. Hindi ko nabantayan ng ayos si Theodore. Sorry." Sabi ni Liam. Nandito sya ngayon sa bahay ni Eliot kung san ako tumutuloy. "Hindi mo kasalanan yon bes. Dapat nga sarili ko sisihin ko eh. Kasi kung di ko sya iniwan may gagabay sana sa kanya. Sana pala talaga nagmatigas nalang din ako kala Mom at Dad." Sagot ko naman. Pero naaawa ako sa kapatid ko. He doesn't deserve na maging kabit lang. He's so precious. He's fragile. Akala ko malakas sya pero mahina pala sya pagdating sa pagmamahal. "Anong plano mo?" Tanong ni Eliot na lumapit na samin na may dalang pitchel na may tubig at baso. "Isasama ko sya sa States pagbalik ko don. Ayun nalang talaga yung naiisip ko na paraan eh." Napatingin sakin si Liam. "Hindi sya papayag jan sa plano mo bes. Matigas ulo ng kapatid mo." Sabi niya. "No. Pipilitin ko sya. I have to do this. Kahit magalit pa siya sakin." Sabi ko. Hindi ko din naman gustong gawin to. But I think I really have to. At kung yun lang din naman ang tanging paraan para maiiwas ko siya sa malaking skandalo na ginawa niya. Kung noon hindi ko siya nagabayan, pwes ngayon hindi na ako papayag. "Babalik ka ulit sa States love?" Tanong sakin ni Eliot. Tumingin ako sa kanya. Alam kong masakit para dito sa boyfriend ko na magkakalayo ulit kaming dalawa. "I'm sorry love. You know how much I love Theodore. Siya nalang ang meron ako bukod sayo. Ayokong tuluyang masira ang buhay niya." Sagot ko sa tanong niya. Oo ang layo ng sagot ko. Pero sana maintindihan niya. "If that's what you want hahayaan kita. Kung sa ikabubuti din naman ni Theodore. Kakausapin ko nalang din si Jacob sa abot ng makakaya ko." "Huwag na love. Ako na ang bahala. Salamat ha?" Sabay halik ko sa labi niya. Mas matanda pa din ako kay Theodore at mas kailangan niya pa din yung gabay ko. Kung sapilitan ang kelangan yun ang gagawin ko. Kapag hindi siya pumayag si Jacob na mismo ang kakausapin ko. Kung talagang mahal niya ang kapatid ko isipin niya rin ang magiging future niya. Ang sasabihin ng mga tao kay Theo pati na din ang magiging tingin nila sa kapatid ko. Naiiyak nalang ako habang iniisip si Theodore. Naaawa ako sa kanya. Gusto ko siyang puntahan kaso hindi nanaman kami magkakaintindihan. Masama pa ang loob niya sakin alam mo. Sana maintindihan niyang kapakanan niya lang ang iniisip ko. Theodore Herrera Halos magdamag na kong nag iiyak ng nag iiyak. Pugto at pulang pula na mga mata ko. Tinawagan ko si Landon kanina at sinabi ko yung nangyare. He said kalat na nga daw yung issue sa balita and even sa social media. Wala akong lakas ng loob tignan at baka lalo akong mag breakdown. Ayokong mabasa yung masasakit na salitang ibabato sakin ng mga tao. Hindi nila alam ang buong kwento. Makikisawsaw lang sila sa buhay ko. Bigla kong narinig na may kumatok. Sino naman kayang pupunta ng dis oras ng gabi dito? Kung mga pres man yan at nalaman nila kung saan ako nakatira pwes wala silang mapupurat sakin. Nakailang ulit pa ng doorbell yung tao sa labas. Nainis na ako at lumapit sa pinto. Binuksan ko to ng maliit para silipin. "Theo, ako to." Nagulat ako sa boses niya. "M-Mr. Jacob?" Binuksan ko ng malaki yung pintuan at tsaka ko sya pinapasok. Naka hoodie siya at sunglasses pati na din cap. Niyakap nya ko ng mahigpit. "Mr. Jacob, anong nangyare? Tsaka saan ka galing?" Tanong ko sa kanya. Nag aalala din ako sa nangyari sa kanya. Na baka mamaya nagkasakitan sila ni Aisha. "Theodore. Mahal na mahal kita." Yun lang yung sinabi niya pero matagal syang nakayakap sakin. Ni isa sa tanong ko wala siyang sinagot. "Mr. Jacob. Maupo na muna tayo. Anong nangyare sa inyo ni Aisha?" Tanong ko ulit sa kanya. "Matagal nya na pala akong ginagago. Dipa kami kasal may relasyon na sila nung Manager nya. And worst, hanggang ngayon. Una naguguilty ako kasi gumawa ako ng kasalanan sa kanya yun pala ako pala yung ginagago. Matagal na." Sabi niya. Nagulat naman ako. I didn't expect na may ganito pala. Sa pagkakaalam ko sobrang bait at hinhin ni Aisha. Pero nasa loob pala ang kulo niya. "I told her makikipag hiwalay na ko sa kanya and magfafile na ko ng divorce." Humarap sya sakin at hinawakan ako sa mukha. "So I can be with you freely." Ngumiti siya. "P-Pero Mr. Jacob kalat na yung nangyare. Nasa balita na tayo pati sa social media." Sabi ko. Hindi ko maiwasan mabahala. "Tsaka paano kung hindi siya pumayag? Parang ang hirap ng sitwasyon natin. Nababasa mo ba mga sinasabi ng tao tungkol sating dalawa?" Naiiyak nanaman ako. "Gagawan ko yan ng paraan. Sasabihin ko sa kanilang lahat mga nangyare. At ang totoo. Huwag kang papaapekto sa sinasabi nila. Trust me Theodore. Basta wag mo kong iiwan." Sabi niya at tumango naman ako. "I love you." Sabay halik niya sakin. "I love you too." I will take a risk para sa kanya. Masama man pakinggan pero natutuwa ako. Natutuwa ako sa wakas magiging malaya na kaming dalawa. At madidivorce na sila ni Aisha. Impokrito man para sa iba pero hindi ko din pwedeng lokohin ang sarili ko. Kung magiging malaya na kami sa pagmamahalan namin, edi maganda. Hindi ko din naman pinilit si Mr. Jacob na gawin to. Parang tadhana na rin ang sadyang gumawa. Ilang araw din ang lumipas hindi padin humuhupa yung issue about samin. Kinausap ako ng management ng company nila Mr. Jacob and nagsabi na magpapa pres con sila for clearing the issue. Kung baga, para malaman din ng mga tao ang side ng bawat isa. Nasabi din nila saakin na haharap din sa media si Aisha para linisin din ang pangalan niya. Well, I don't care. Kinunsulta ko muna si Mr. Jacob at ang sabi niya na sya ang nag request non. Siguro nga tamang oras na para magsalita na ko. Hindi ko na din kasi gusto yung mga nababasa ko sa social media. 'Ay malanding bakla.' 'Pati pala mga bakla home wrecker na?' 'Jusko! Ang bata naman pala nyan. Pumatol siya sa may edad na at may asawa na? Bakla na nga wala pang delekadesa. Pwe!' 'Grabe yung iba jan kung makahusga akala mo ang lilinis! Bago kayo umusap jan alamin niyo muna yung totoong kwento.' 'Nakakatawa naman yung lalaki. Pero hindi din siya masisisi dahil ang ganda naman nung bakla kumpara sa asawa niya.' 'Baka kasi mas magaling yung bakla kesa sa asawa niya kaya kinabet. Hahahahahaha.' Hindi ko alam pero masakit sakin yung mga salitang nababasa ko mula sa mga tao. Gusto kong pumatol pero hindi kasi ako mababang klase ng tao. May mga nag pa-private message pa nga sakin, masasakit na mga salita ang tinatapon nila sakin. Hindi ko nalang pinapatulan. May mga nababasa din naman akong dinedepensa ako. Most of them mga fans ko. Pati yung mga naka grupo ko sa training minemessage ako at sinusuportahan. Umalis na din ako sa company dahil ayokong maging maliit lang ang mundo namin ni Aisha knowing na tuloy padin ang relasyon namin ni Mr. Jacob pati na din ang buhay mag asawa nila dahil hindi pa sila divorce. Wala naman syang ginagawa 'pa' saken pero nagreready na din ako. Lalaban ako kung kinakailangan. I was staring blank at the ceiling ng mag ring ang phone ko. Si Kuya Garreth tumatawag. The last time we talk yung gabi ng incident na yon. Yung gabing nasampal nya ko. "Hello?" [Theo. I know your mad. I'm sorry sa nagawa ko that night. I didn't mean to slap you.] Rinig ko yung mapagkumbabang boses ni Kuya. Alam kong nasaktan ko siya sa ginawa ko. Hindi ko din naman akalain na hahantong sa ganito. Pero kilala niya ako. Lahat ng gusto o gugustuhin ko pinaninindigan ko. "Okay lang Kuya. I deserve it. Actually, kulang pa nga yon dahil sa nagawa ko." Totoo naman. Kung sampal lang kulang na kulang pa yun. [No don't say that. But Theodore, I have an offer.] "Ano yon Kuya?" Iba ata yung kutob ko. [Sumama kana sakin sa States. Doon kana sakin tumira. We can live together doon ng tahimik. I have my own business. We can share it and I can help you. Mom and Dad don't even care naman eh. Please Theo.] Parang nabingi ako sa sinabi niya. Sabi ko na nga ba iba ang kutob ko eh. Akala ko matatanggap nya yung desisyon ko? "No Kuya. Ayoko." [Tae---] I cut him. "Kuya sinabi ko na sayo mahal ko si Mr. Jacob! Paglalaban ko sya. Hindi ako sasama sayo." Pagmamatigas ko. [Theodore! Stop being stubborn! Kung noon hinayaan kita sa desisyon mo pwes ngayon hindi! Sisirain mo ba ng tuluyan yang buhay mo ha?!] Nag umpisa ng magpatakan ang mga luha ko sa mga mata ko. "Kuya please. Suportahan mo naman ako oh. Mahal ko si Mr. Jacob. I can't live without him." [Nakaya mo ngang mabuhay ng tatlong taon na wala kami nila Mom at Dad hindi ba?! Dahil laang sa lalaking may asawa na magkakaganyan ka?!] "Hindi mo ako naiintindihan!!! Sa loob ng tatlong taon na wala kayo ngayon lang ako nakaramdam ng pagmamahal Kuya!!" [Hindi kita kayang suportahan jan sa gusto mo Theodore. You're being unfair! Hindi pagmamahal yan! Masyado kang selfish! Hindi para sa sarili ko itong ginagawa ko! Para rin to sayo!] Tumataas na yung boses niya. "Ikaw ang unfair! Wala kang pinagkaiba kay Mom at Dad! Gusto nyong kuhain sakin lahat ng kasiyahan ko! Hindi ako sasama sayo and that's final. Aamin kami ni Mr. Jacob sa public at paninindigan namin ang pagmamahalan namen. Walang makakapigil saken. Even you. Kahit kalimutan mo pang kapatid mo ko." I hang up. This time napahagulgol ako ng iyak. Ang sakit sa dibdib. All of the people bakit Kuya ko pa yung hindi sumosuporta saken? I cried a lot again this time. Nagmahal lang naman ako hindi ba? Mali ba talaga ako kapag pinaglaban ko pa to? Hindi naman siguro. Ako na ang mahal ni Mr. Jacob. Kahit buong mundo pa ang tumutol saamin, ipaglalaban ko kung anong meron kami. --- Thanks for reading! ❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD