Jacob Kaleb Ferell
Buong byahe wala kaming imikan ni Kuya Eliot. Maybe he was thinking I need space. Sapul naman talaga hindi niya ako pinakeelaman. Pero ngayon kasi alam at ramdam ko na gusto niyang magtanong pero pinipigilan niya lang sarili niya. Hinatid nya lang ako sa bahay and umalis na din sya.
Pagpasok ko nakita ko si Aisha sa may sala nakaupo at halatang hinihintay ako. Dali dali syang lumapit sakin at niyakap ako.
"I was so worried to you last night. Saan ka ba nanggaling? Tawag ako ng tawag sayo." Sabi niya na malambing.
Anong nakain nito? Kagabe lang halos parang papatay na sya sa galit. Nagkasakitan pa kami dahil sa lakas ng topak niya.
"Kala Kuya Eliot." Tipid kong sagot. Wala akong panahon mag explain sa kanya.
"Look Jacob. I'm sorry about last night." Sabi niya. What's with her? She never apologized to me everytime na nagtatalo kaming dalawa.
That's why I'm not buying it. Kaya tinignan ko lang sya at akmang tataas na sa kwarto ng pigilan niya ako.
"Ralph called me kanina and saying na kay Nala yung bracelet pero siya ang nagbigay. He even said na pinatago nya sayo yon before nya ibigay kay Nala. Is that true? I'm really sorry. Nag isip agad ako sayo." Sabi niya na ikinagulat ko.
Si Ralph? He made a story? Para saan? Anong alam ng gago na yun?
Anong intensyon niya at gumawa siya ng kwento?
"He also said na di nya nasabi agad kasi di nya naman alam na paghihinalaan ko yon. I want to apologize to Nala also. Nagpadalos dalos ako at hindi manlang nag isip. Sorry talaga Hon." Sabi nya ulit pero di ko na sya pinakinggan at umakyat na ko sa taas at tsaka naligo at nagpalit ng damit.
Bumaba ako agad at balak kong pumunta kay Ralph para komprontahin sya. Alam kong may binabalak yung gago na yun at hindi ako papayag na magtagumpay siya.
"Saan ka pupunta? Kakauwi mo lang ah?" Sabi ni Aisha na sinalubong ako galing sa kusina. Hindi ko sya pinansin at tuloy tuloy akong lumabas ng pinto.
"Jacob!" Rinig kong pahabol na sigaw niya.
I started driving and made my way to Ralph's place. Kung ano man ang binabalak niya pipigilan ko kaagad siya. I know where he lives. Pagkarating nagdoor bell agad ako.
Good thing sya ang nagbukas. Mukhang alam ng gago na to na pupunta ako. Nakangisi pa siya na talagang kinainit ng ulo ko.
"Oh Jacob? Siguro nasabi na sayo ng asawa mo. Magaling ba akong gumawa ng kwento Mr. Ferell?" Pangbungad nya saken. Anong bang alam ng gago na to?
"Oh bakit di ka naimik? Let's just say na alam ko ang lahat. Kaya kung ako sayo mag iingat ako. You shouldn't put Theodore also in this situation." Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya. I grab his shirt at tsaka ko sya tinitigan sa mata.
"Anong alam mong gago ka?" Gigil kong sabi. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na huwag mag iskandalo dahil alam kong may mga paparazzi sa paligid.
"As I told you alam ko lahat. Kung ako sayo ipaubaya mo nalang sakin si Theodore. Nakuha mo na saakin si Aisha. Huwag ka namang madamot." Sabi niya tsaka tumawa. Nagpantig ang tenga ko kaya nasapak ko sya.
"Hindi mo makukuha sakin si Theodore. Katulad lang din ni Aisha. Ang akin, ay akin lang Ralph." Sabi ko sa kanya. Nagtatagis ang bagang ko sa sobrang inis.
"Really? Hindi ba talaga Ferell? Kaya ko. Kayang kaya ko. One snap of my fingers at mawawala sayo lahat. Pati na din si Aisha. Kaya ko kayong paglaruan lahat sa palad ko." Sabi niya at tumawa ulit siya na parang demonyo.
"Gago ka!" Sasapakin ko pa sana sya ng awatin na ako ng bodyguards nya at tsaka ako hinatak papunta sa kotse ko. Tinulak nila ako at iniwan don.
Nakita ko naman si Ralph na nginisian ako.
Tangina. Tangina talaga.
Napahilamos lang ako ng kamay ko sa muka ko at napasuntok sa manubela.
Shit!
Kailangan kong balaan agad si Theodore sa mga binabalak ni Ralph. Tuso ang gago na yon. Nagsisisi ako kung bakit ba nakipag kaibigan pa din ako sa kanya kahit na may gap na talaga kami sapul.
Noong nililigawan niya si Aisha, hindi siya sinagot nito at tsaka ako pumasok sa eksena. Doon kami nagkaroon ng tensyon sa isa't isa. But we both choose to be professionals kaya naman nag ayos kami at nag bati.
Pero ngayon iba ang balak niya. Kung si Aisha hindi niya nakuha, hindi din ako papayag na si Theodore makuha niya sakin kahit magkamatayan man kaming dalawa.
Theodore Herrera
Hindi ko pa nakakausap si Mr. Jacob simula nung dito sya natulog. Ilang araw nadelay ang shoot gawa nung gulo na nangyare sa set. Lahat kasi gulat pa din at nawindang sa naganap na pagsugod ni Aisha kay Nala.
At ano bang sinasabi niya? Mukhang nakakahalata na siya na may karelasyon na iba ang asawa niya. Hindi ko maiwasang hindi kabahan o makaramdam ng takot. Sa nakita ko palang na ginawa niya kay Nala parang umaakyat pataas sa sintido ko yung kilabot.
Ano na kayang nangyayare? Nagiging kumplikado na ang lahat. Parang unti unti na ata kaming mabubuko. O sadyang nag oover think lang ako gawa sa nangyari?
Nag ring yung phone ko and nakita kong si Mr. Jacob yung natawag kaya dali dali ko namang sinagot.
"Hello Mr. Jacob?"
[Hello baby. Miss na miss na kita.]
Napangiti ako sa boses nya. Napaka lambing talaga. Kahit na halata ang stress sa tono ng boses niya nandon pa din yung sweetness.
"I miss you too Mr. Jacob."
Sobrang miss. Kung pwede lang sana na hindi na siya mahiwalay sa tabi ko.
[Pasensya kana. Inaayos ko pa yung gulong ginawa ni Aisha nung nakaraang gabi sa set. Isang linggo na kita hindi nakikita Theo. Miss na kita.]
Parang gusto ko tuloy biglang puntahan siya at sunggabin ng halik at yakap.
"Ganun din naman ako Mr. Jacob. Sobrang miss na miss na kita. Ano na nga palang balita? Kelan mo ba balak sabihin kay Aisha ang totoo? Hindi ka ba natatakot na baka pag siya nakahuli satin mas malala yung gawin niya?" Nag aalalang sabi ko.
[Theo, wag muna ngayon. Ang complicated pa ng nangyayare eh. Huwag kang mag alala. I'll make sure na walang masamang mangyayari sayo. I will do my best para maitago to.]
Para naman akong nainis sa sinabi niya. Itago? Itatago niya lang talaga ako?
"Mr. Jacob, magkakalahating taon na tayong patagong nagmamahalan. Pano naman ako?"
Gusto ko nalang maiyak. Hanggang kailan ba ako maghihintay at magmamakaawa?
[Please give me more time to make a move. At please mag iingat ka kay Ralph. Ieexplain ko nalang sayo lahat kapag nagkita tayo. Anyways, nandito na ata si Aisha. I'll call you again. Bye. I love you.]
"I love----" Di pa ako tapos magsalita ay pinatayan nya na ako.
Napabuntong hininga nalang ako.
Nakakasawa naman yung ganito. Wala akong kalayaan na tawagan, itext o puntahan manlang siya.
Napansin kong may isang text message mula sa isang unknown number. Ng buksan ko to otomatikong nanlaki ang mata ko.
'I KNOW EVERYTHING SO BE CAREFUL'
Kinilabutan ako sa nabasa ko. Sino to? At anong alam nya?
Mabilis na lumipas ang panahon. Dumaan pa ang ilang linggo at wala namang kahit na anong ganap o gulo na nangyare.
Nabalitaan ko din na nag apologize si Aisha kay Nala sa nangyari. Pati na din ang paggawa ng kwento ni Ralph na naging sanhi ng pagsugod sa kanya ni Mr. Jacob. Magmula noon lalo kaming nawalan ng time sa isa't isa dahil na din sa nag iingat kami. Mahirap na baka tuluyan kaming mabuking.
Career naming dalawa ni Mr. Jacob ang nakasalalay dito kaya hanggat maaari ay pinipigilan muna namin ang mga sarili namin na huwag gagawa ng kahit na anong kilos na pwedeng paghinalaan.
Tapos na din ang shootings at natapos na ang paggawa ng movie. Sa loob ng ilang buwan na pagtatrabaho, malaking parte ng buhay ko ang naialay ko sa project na to. Pati na din yung malaking pagmamahal na binigay sakin nila Direk at ng mga staff.
Ngayon na din ang gabi ng ere ng pelikulang ginawa namin. Pinag reready na din kami for press conference at premiere night ng LOVE AFFAIR.
Yung pagbibigay sakin ni Mr. Ralph ng bulaklak eh natigil na. Tama nga si Mr. Jacob na may hidden agenda si Mr. Ralph sakin. Tsaka hindi nya na ako masyadong pinapansin. Hindi ko ba alam kung anong plano nya. Nasabi din sakin ni Mr. Jacob na si Mr. Ralph yung nagtext sakin nung pagbabanta.
Mamayang gabi na ang press conference at premiere night at medjo kinakabahan na ako.
Pinuntahan na din ako ni Landon at Kuya Dwight para i congrats at suportahan. Manonood daw sila ng premiere night pero baka daw hindi sila makalapit sakin dahil paniguradong crowded yung venue. Si Kuya naman ay sasama shempre dahil nandon din si Kuya Eliot at Kuya Liam na manager ko.
"Theo, are you ready?" Tanong sakin ni Kuya Liam na ang lawak ng ngiti. Mukhang mas excited pa siya sakin ah?
"Oo Kuya. Pero kinakabahan talaga ako sobra." Sagot ko sa kanya totoo naman eh. First time to. Hindi nga ako mapakali magmula kanina dahil di ko malaman kung excitement ba to o sobrang kaba?
Nakarating kami ng venue at nakita ko naman na nandon na si Mr. Jacob, Mr. Ralph, Nala, si Direk at mga staffs. Pati na din si Kuya Eliot si Kuya Garreth at si Aisha.
Isinantabi ko nalang muna yung selos ko dahil super sweet nung mag asawa. Shempre, may mga camera. Ano pa nga bang aasahan ko at aarte si Mr. Jacob na parang perpekto ang marriage life nila.
Bago pa kami makapunta sa upuan, hinawakan ako ni Mr. Ralph sa braso.
"Be ready." Bulong niya saken tsaka sya ngumiti ng makahulugan. Anong ibig sabihin nya don? Anong kelangan kong paghandaan? Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Ayokong maging nega. Isinantabi ko nalang yung sinabi niya.
Pinaupo na kami at nagstart na din ang press conference.
Nagbigay si Direk ng idea about sa movie and nag start na din magtanong ang pres ng mga hinanda nilang tanong.
"Mr. Jacob Ferell, how was the feeling na ang role mo ay isang kasal na lalake na nainlove sa isang lalaki din?" Tanong nung isang babae.
"At first, I was shock. Pero dahil trabaho ko to tinanggap ko din agad. Madali ko lang din naman nadevelop yung character na binigay sakin ni Direk. At magaling din mga kasama kong artista dito. Magaan silang katrabaho kaya naman hindi din ako nahirapan sa flow ng story." Confident niyang sagot. Ang gwapo niya talaga.
Nag taas naman ng kamay yung isa pang pres.
"Mr. Theodore Herrera, we find out na this is your first time to act? Pano mo nagawa ng maayos yung role mo?" Tanong naman nung lalaki na pres.
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. Dapat confident din ako no.
"Sa tulong ng mga kasamahan ko sa trabaho pati na nila Direk eh mas naging madali sakin ang trabaho ko kahit first time ko palang. Actually, di naman nalalayo yung role ni Singer sa totoong ako. I mean, I'm gay at lahat ng katrabaho ko alam yon. Kaya mas naging magaan sakin lahat." Sagot ko. At mukang hindi naman na sila nagulat doon.
May mga lumabas naman na kasing bali-balita about sa sexuality ko noon pa mang trainee ako. Lingid din naman sa kaalaman ng lahat, iniintay nalang din siguro talaga nila na saakin manggaling ang confirmation about my sexuality.
Nagtanong pa sila ng random questions and then nag cut na si Direk. Dahil baka malaki ang oras na makakain sa press conference. So we could proceed to the premiere night.
Nagpuntahan na din kami sa cinema kung san nandon lang din sa venue na ginanapan ng pres conference nakapwesto.
As everyone is gathered. Nag start na ang movie. Mixed emotion while watching. Iyak at sakit ang naramdaman ko. Ako at si Singer, wala kaming pinagkaiba. Parehas kaming nakiapid sa may asawa na. Iisa kami ng pinagdaanan. Si Singer ay ako sa totoong buhay. Nakakatawang isipin na bakit parang kwento ata ng buhay ko ngayon itong movie na to?
I cried a lot during the movie night. After it akala ko tapos na dahil nagpalakpakan na ang mga tao. Iyak pa din ako ng iyak habang isa isang niyayakap ang mga nakatrabaho ko at binabati ng congratulations ang isa't isa.
Pero biglang may umappear na random photos sa screen.
Si Aisha, she's kissing with another guy sa isang restaurant and hindi yon si Mr. Jacob. Nanlaki yung mata ko sa sumunod na picture.
It's me and Mr. Jacob, making out sa comfort room sa set.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Bago pa man ako makapag react, biglang may humablot sakin patayo at niyakap ako tsaka ako tinakluban ng coat. Sa amoy na to alam kong si Kuya Garreth ang nakayakap sakin ngayon habang inaalalayan ako na nanakbo.
I can hear voices na tinatawag ang pangalan ko. Narinig ko din ang boses ni Kuya Liam na nililead si Kuya Garreth kung saan mas mabilis ang daan para mailabas ako.
Camera's flashes at random questions ang naririnig ko. Boses ng nagkakagulong pres ang pilit na hinahabol ako para matanong.
Wala ng napasok sa isip ko kundi yung mga pictures kanina. Hindi ko namalayan na naisakay na pala ako ni Kuya Garreth sa kotse ni Kuya Liam at umalis na kami sa venue.
Tahimik lang kaming tatlo sa byahe. Walang gustong magsalita dahil pareparehas kaming mga nagulat sa nangyari.
Pagdating sa apartment ko. Nag umpisa na kong sabunin nung dalawa.
"Ano yon Theodore?! Ano yung picture na yon?" Sigaw ni Kuya Garreth na nag aalab ang mata sa galit.
"Theodore bakit hindi mo manlang sinabi samin?" Si Kuya Liam naman na kita kong pinipilit ang sarili niyang pakalmahin.
"All this time ikaw pala yung kabit ni Jacob Ferell? What the hell!" Sigaw ulit ni Kuya Garreth pero hindi pa din siya tapos.
"Tangina. Pinagmuka mo kaming tanga Theodore! Pinagmumuka mong tanga yang sarili mo! Pumatol ka sa may asawa?! Pumayag kang maging kirida?! Nasan ang utak mo?! My god!" Pasigaw na sermon niya saakin. Pero di ako naimik.
Ang sakit ng mga salitang lumalabas sa bibig niya.
"Ano?! Tatahimik ka lang jan?! Sagot! Bakit ka pumayag maging kabet?!" Sigaw ni Kuya.
"Kasi mahal ko sya Kuya! Mahal na mahal! Halos hindi ko na nga alam gagawin ko! Binigay ko lahat sa kanya. Puso ko. Katawan ko. Lahat! Kaya pumayag akong maging kahati ni Aisha sa kanya. Kasi sabi niya mahal nya rin ako. Sabi niya gagawan nya ng paraan." Umiiyak na ko. Ang bigat sa loob.
Bakit naman kung kelan nag uumpisa palang akong tuparin yung pangarap ko, nasira nalang ng isang iglap?
"Kailan pa Theodore?" Singit na tanong saakin ni Kuya Liam.
"Kailan pa kayo naging magkarelasyon?" Dagdag nya pa.
"7 months na." Sagot ko.
"Itigil mo yang kalokohan mo Theodore. Makipag hiwalay ka kay Jacob at putulin mo koneksyon mo sa kanya." Sabi ni Kuya Garreth. Tumingin ako sa kanya ng pagalit.
"Bakit Kuya?! Ikaw lang ba may karapatan magmahal?! Mahal ko si Mr. Jacob! At tsaka bakit?! Di mo ba nakita kanina?! May kabit din si Aisha kaya it's a tie! Ako kabet sya nangabet!" Sigaw ko. Sinampal naman ako ni Kuya Garreth na kinagulat ko.
"I didn't even think na hahantong ka sa ganito. Di ako makapaniwala sayo." After he said that umalis na sya at sinalampak ang pinto.
Umiyak lang ako ng umiyak. Di ko na alam gagawin ko o pano ko sisimulan yung buhay ko. Paniguradong kalat na kalat na yon sa balita.
Galit saakin ang lahat. Paano ako haharap sa mga tao? Paano ko idedepensa ang sarili ko?
Nagmahal lang naman ako.
Pero sa maling paraan.
---
Thanks for reading! ❤️