Chapter 8

2544 Words
Theodore Herrera Ganun pala yung nangyare sa Kuya ko. Ni hindi ko akalain na kaya akong patayin o ipapapatay ng sarili kong mga magulang. Sobrang saklap lang ng pinagdaanan niya kumpara sa mga hinanaing ko ng iwan nila ako dito at mag migrate sila sa US. Nangulila ako sa magulang. Namuhay ako ng mag isa at iniisip ko na maswerte pa din si Kuya Garreth dahil kasama siya nila Mom at Dad doon. Habang ako nandito lang mag isa. Umaasa na matutupad ko din balang araw yung pangarap ko. For me, napaka sakit ng pinag daan niya. I also don't have any idea na kagaya ko din pala ang Kuya ko na isang pusong babae. And take note, boyfriend niya lang naman yung gwapong manager ni Mr. Jacob. Nakakakilig at ang tragic ng love story nila at the same time. Ngayon, parehas na silang binigyan ng pagkakataon na ayusin yung naudlot nilang pagmamahalan dahil sa pagiging selfish ng parents namin. How I wish I will expirience that too. Iang araw ng nakakalipas simula nung bumalik si Kuya Garreth dito sa lugar namin. Dahil nga sa isang apartment condo type lang ako nakatira, nag insist agad si Kuya Eliot na sa kanya muna tumira si Kuya Garreth so they can both talk about their relationship. Inaaya nga nila akong dalawa kaso ayoko din naman. Kung sigurong bahay yon ng Kuya ko o-oo talaga ako. Kaso hindi eh. Naiinggit ako sa kanila ni Kuya Eliot. Masaya na sila ngayon na magkasama at malayang nagmamahalan. Kahit na ilang taon nawala si Kuya Garreth at hindi manlang nakapag paalam kay Kuya Eliot ng maayos, tinanggap niya pa rin yung Kuya ko. Ako? Ilang araw na kaming di nakakapag usap at nagkakasama ni Mr. Jacob. Namimiss ko na sya. Simula ng umuwi si Aisha. Ni hindi ko sya matext manlang o matawagan. Sa set? Hindi manlang kami makapag lambingan kahit pabiro dahil halos araw araw nandon si Aisha at daig pang body guard ni Mr. Jacob. Naiinis na ako. Mababaliw na ko kakaisip kung anong gagawin ko. Nagulat ako ng biglang magtext sakin si Mr. Jacob sakin. Walang mapaglagyan yung saya at excitement ko. 'Meet me at the hotel. Same time. Same room. May ipapadeliver akong box jan sa apartment mo. Wear that before pumunta don. And make sure no one would recognize you. I'll wait for you there baby. See you! I love you so much. Wag kang magrereply ha.' After ko mabasa mga 30 minutes may kumatok sa pinto ko. Pag bukas ko yung delivery man. "Sir. Delivery po." Sabay abot niya sakin nung kahon. "Papirma nalang po dito sir." Tsaka abot sakin nung tablet niya. "Salamat po Kuya." Sabi ko sabay pasok na sa loob. Walang nakalagay na pangalan sa nagdeliver kaya di din malalaman na si Mr. Jacob ang nagpadala. Pagbukas ko ng kahon I saw a beautiful floral white dress na off shoulder at hanggang ibabaw lang ng tuhod ang haba. High heels na white at wig na mahaba. Babaeng babae naman ang datingan ko dito. Pero balewala lang sakin yun. Ilang beses na akong nag crossed dressed everytime na nagkikita kami ni Mr. Jacob. Pero kapag nasa hotel na kami tsaka niya lang ako pinagbibihis na typical na itchura ko kasi mas gusto niya daw yung itchura ko kesa sa mukhang babae. Shempre hindi ako dito sa apartment ko nag ayos. Nagpunta ako sa isang private comfort room sa isang gasolinahan na nakawig na at naka sumbrero tsaka nagpalit ng damit at nag ayos. Bumalik ako sa kotse ko tsaka nag make up. Goodthing wala namang nakahalata at nakakilala sakin. I'm always making sure na okay ang lahat. Nagdrive na ko papunta sa hotel na sinabi ni Mr. Jacob at lumapit ako sa info desk. Sinabi ko lang yung name ni Mr. Jacob at binigay na sakin nung babae yung room key. Actually, the first time we go here tinatapunan kami ng mga tingin na kakaiba ng mga receptionist dahil narerecognized ata nila si Mr. Jacob. Pero dahil matalino si Mr. Jacob, he was acting like I'm just his PA at may imi-meet lang siya dito. Bahala na sila kung maniniwala sila o hindi. Pagdating sa kwarto, parang wala ata si Mr. Jacob sa loob. Naupo muna ako sa kama. Nakita kong lumabas sya ng bathroom at nakatapis lang ng tuwalya ang pang ibabang parte ng katawan nya. "Looks hot." Sabi ko na nakangisi. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Sabay hinalikan sya sa labi. "I missed you." Sabi ko between our kisses. But our kisses became deeper. And that kiss became wild. Sa sobrang sabik naming dalawa sa isa't isa may nangyare nanaman samin. Ganito nalang ata talaga kami palagi kapag nasasabik sa isa't isa. We are now laying on thd bed parehas hubo't hubad at nakakumot lang. Nakaunan ako sa braso nya. "Namiss kita." Sabi niya sabay halik sa ulo ko. "Namiss din kita. Ang hirap naman ng ganito. Hanggang kelan ba tayo di na magtatago Mr. Jacob?" Tanong ko sa kanya. "Nahihirapan na kasi ako. Hindi manlang kita malambing sa public." Dagdag ko naman. "Baby, konting tiis pa. Naghahanap pa ako ng paraan." Sagot nya naman habang nilalaro yung buhok ko. "Ilang buwan na tayong ganto. Baka abutin na tayo ng taon tinatago mo padin ako." Masyado na ba akong nagiging demanding? "Ayaw mo na ba?" Tanong nya. Umiling lang ako. "Hindi. Napapagod lang na ko. Nahihirapan na kasi ako eh." Sabi ko sabay himas dibdib nya. "Pero di naman ako susuko. Mahal na mahal kita." Dagdag ko pa. Tumingin ako sa kanya at nakatitig din pala sya sakin. He kissed me again tsaka tumayo. "May ibibigay nga pala ako sayo." Inabot nya sakin yung maliit na kahon. Pagbukas ko silver bracelet. "Pangbawi ko na din sayo kasi ilang araw kitang di nalambing." Sabi niya tsaka sinuot sakin to. "Salamat." Nakangiti kong sabi. After an hour ay nauna na din akong umalis sa kanya. May shoot pa kame 2 hours nalang. Pagdating ko sa set nandon na sila Nala at Mr. Ralph. Binati ko lang muna sila tsaka ako dumaretcho sa tent namin ni Mr. Jacob. Mukhang malelate siya ng dating. Kakamadali ko dahil sila nga pala ang kaeksena ko ay nakalimutan kong suot ko yung bracelet na bigay ni Mr. Jacob at sumabit sa kung saan at nahulog. Di ko na namalayan na nawala pala. Aisha Mojica Simula ng bumalik ako galing sa world tour ko. Napansin kong malaki yung pinagbago ni Jacob. He was always going home late. Madalas di na nga umuuwi. Hindi siya ganito. Hindi na din sya malambing. Wala na din syang time sakin. I'll tried to seduce him pero lagi nya akong nirereject. May pakiramdam talaga ako na may babae to eh. Di ko lang talaga alam kung sino. Sa sobrang curious ko, pumunta ako sa garahe at naghalungkat sa kotse nya. Alam kong may makikita ako dito. Una kong chineck yung loob pero wala akong nakita. Kaya naman tinignan ko yung likod ng kotse nya. May napansin akong box na maliit na nasa gilid. Ng buksan ko bracelet. Pangbabae na bracelet. Narinig ko naman yung boses nya na hinahanap ako kaya dali dali ko tong binalik sa dating pwesto tsaka sinara at bumalik sa loob ng bahay. Nagpaalam sya na aalis muna sya dahil may meeting daw sa company nila. Totoo naman yon dahil nabasa ko yung text message sa kanya ni Manager Eliot. I decided to come to his shoot everyday. Kaya this time kasama nya ulit ako. Habang nasa set at nasa loob ng tent nila ni Theodore. May pumasok na babae. Eto yung kasama nila sa movie. I remember her name was Nala. She's pretty and young. Same age as Theodore. And same lang din na rookie actress. Nginitian niya muna ako tsaka dumaretcho sa kukuhain niya. Hinayaan ko nalang siya sa ginawa niya. Palabas na sana sya ng mapansin ko yung bracelet sa kamay nya. That's the bracelet I saw earlier. Kaya naman bago sya makalabas pinigilan ko sya. "Miss? Sayo ba yang bracelet na suot mo?" I asked her. Tinignan nya muna to tsaka ngumiti sakin bago tumango. Nandilim ang paningin ko at nasampal ko sya. "Malandi! Kirida!" Sinigaw sigawan ko sya at sinabunutan. Nagtakbuhan na yung ibang mga tao sa tent dahil nagkakagulo na kami. Naramdaman kong may humablot sakin. "Aisha what the hell are you doing?!" Sigaw sakin ni Jacob. Nasampal ko siya dahil sa sobrang galit ko. Now I know! Totoo nga ang hinala ko na may babae siya. "Ang gago mo! Manloloko ka!" Sigaw ko sa kanya. Yung mukha nya parang wala syang maintindihan sa nangyayare. "Ano mag mamaang maangan ka pa ha?! Ayan na yung ebidensya! Yan ang kirida mo!" Sigaw ko sa kanya. Sobrang nang gigigil na ako. Jacob Kaleb Ferell Ano bang sinasabi nitong asawa ko? "Ano?! Ayan oh! Yung bracelet! Nakita ko yan sa likod ng kotse mo! Ano ha?!" Sigaw nya. Kaya napatingin ako kay Nala na naiyak habang inaayos ng mga staff. Nandito na din sa eksena sila Thedore. Napatingin ako sa kanya mukang gulat na gulat sya sa nangyayare. "Ano sumagot ka?!!!" Sinampal ulit ako ni Aisha. Kaya naman uminit yung ulo ko at nasampal ko din sya. "Wag mo kong ipapahiya sa harap ng ibang tao! Nababaliw kana ba ha?!" Sigaw ko sa kanya at sya naman gulat na gulat sa ginawa ko tsaka ko sya hinatak paalis ng set. Kinaladkad ko sya papunta sa kotse at pinaharurot ko to pauwi. Pagdating sa bahay nagdabog pa sya. "How dare you to slapped me!!!" Sigaw niya pa. "Hindi ka matigil! Ano bang problema mo ha?!" Sigaw ko sa kanya pabalik. "Manloloko ka!!" Pinalo palo sa dibdib. Hinawakan ko yung mga braso nya. "Nasasaktan ako. Wala akong dapat ipaliwanag sayo. Magpalamig ka muna ng ulo." Sabi ko tsaka sya binitawan at umalis ako ng kwarto. "Jacob saan ka pupunta?! Sige puntahan mo yung kirida mo!" Sigaw nya pero di ko sya pinansin. Nagdrive ako papuntang bar. Gusto kong maglasing. Diko alam ano pa bang iisipin ko. Pano kung kay Theodore nangyare yon? Di ko mapapatawad sarili ko. Nag inom ako ng nag inom. Hindi ko pinapansin yung tumatawag sakin. Si Aisha at Kuya Eliot lang yan. Hindi ko na din namalayan na sa sobrang lasing nakatulog na ko sa lamesa. Theodore Herrera Tawag na ko ng tawag kay Mr. Jacob pero di nya sinasagot. Nag aalala na ko. Sobrang nagulat ako sa nangyare kanina sa set. Bakit nangyaring napunta kay Nala yung bracelet ko? Napasampal nalang ako sa noo ko. Ang careless ko talaga minsan. Nagka issue pa tuloy. I called Mr. Jacob again and this time sumagot na sya. "Hello Mr. Jacob?" [Hello po Ma'am. Kayo po ba asawa ng may ari ng phone na to? Nandito po kasi si Sir sa bar namin sa Club Ford lasing na lasing na po sya at nakatulog na. Okay lang po ba na sunduin nyo sya dito?] Ano daw?! Lasing si Mr. Jacob?! "A-Ah okay sige. Papunta na ko jan." Pinatay ko agad yung tawag. I grab 2 jackets 2 caps at shades na rin tsaka nanakbo palabas. Goodthing may dumaan agad na taxi. Nagpahatid ako don sa nasabing bar at nagpahintay na rin ako sa driver. Pagpasok ko ng bar umalingawngaw ang ingay ng music. Ang daming tao sa loob at hirap akong hanapin siya. "Excuse me. Nandito ba yung lalaki na lasing na lasing daw? May sumagot kasi sa tawag ko kanina." Tanong ko sa nasalubong kong waiter. "Kayo po ba yun? Nandoon po siya sa may taas Maam." Sabay turo sa 2nd floor tsaka ko natanaw yung bulto niya na nakasubsob sa lamesa. Nanakbo na ako pataas. s**t naman. Ano ba to? Lumapit kaagad ako sa kanya at ginising siya. "Mr. Jacob, iuuwi na kita. Eto mag jacket at cap ka." Sabi ko sa kanya. Pero pupungas lang syang tumingin saken. "Jacob, bilisan mo na. Baka may makakilala pa satin dito." Hindi padin sya nakinig. Kaya naman tumawag na ko ng waiter at nagpatulong. Good thing naka cap at hoodie ako. Wala naman sigurong nakakita samin. Sumakay na kami ng taxi at nakauwi ng ligtas. "Mr. Jacob magpagaan ka naman. Baka mahulog tayo sa hagdan." Sabi ko habang inaalalayan sya. Nagpagaan naman sya katulad ng sabi ko. Pagpasok sa loob dineretcho ko sya sa kama ko tsaka inihiga ng ayos. Pumunta ako sa kitchen at kumuha ng tubig na medjo malamig at nilagay ko sa palangganang maliit saka kumuha ng towel at bumalik sa kanya. Buti nalang at may naiwan syang boxer shorts at tshirt dito nung time na lagi syang natutulog dito at nasa world tour si Aisha. Pinunasan ko sya at pinalitan ng damit. "Mngh. Theo.... Baby..." Narinig kong ungol nya. "Mr. Jacob?" Nilapit ko yung muka ko sa muka nya pero nakapikit lang sya. Tinuloy ko na yung pagpunas sa braso at leeg nya. "Theodore... Mahal na mahal kita." Ungot nya ulit. Napatingin ako sa kanya. "Mahal na mahal din kita Mr. Jacob." Sabi ko. Ewan ko. Kahit nakaramdam ako ng takot sa ginawa ni Aisha kay Nala kanina eh hindi padin maiaalis sakin na di ko titigilan ang sarili kong mahalin si Mr. Jacob. Pagkatapos ko syang linisan ay nag ayos na din ako at tumabi sa kanya. Hinalikan ko sya sa labi at natulog. Naalimpungatan nalang ako ng may kumatok sa pinto. Tumayo ako at dere deretchong binuksan to dahil antok pa ko. Umaga na pala? Pagbukas ko si Kuya Garreth at si Kuya Eliot mga nakangiti. "Princess, I bought food for you!" Masayang bati sakin ni Kuya. "Theodore?" Nanlamig ang buong katawan ko ng marinig ang boses ni Mr. Jacob. Nakalimutan kong nandito nga pala sya. Napasilip agad yung dalawa sa loob at nanlalaki ang mga mata. "JK?" Sabi ni Kuya Eliot na halatang nagulat. Pinapasok ko na muna silang dalawa. Dahil ayokong dito pa sila sa labas mag enterogate saming dalawa. Marinig pa ng mga kapitbahay. "Anong ginagawa mo dito JK?" Takang tanong ni Kuya Eliot ng makapasok at makaupo sa sofa. "Ah eh Kuya. Lasing na lasing kasi kagabe tong si Mr. Jacob eh tinawagan nya ako at nagpasundo sa bar kaya ayan. Jan sya natulog sa kama tas ako naman sa sofa." Salo ko kagad. Obvious ba ako? Pero yung itchura nila nagtataka padin. Pumunta si Kuya sa kusina at tinawag ako. Biglang kumabog ng malakas agad yung dibdib ko. "Theodore mag uusap tayo mamaya." Sabi niya sakin ng seryoso. And I know I'm in trouble. Kumain kaming apat ng umagahan ng sabay sabay. Ang awkward. Kasi alam kong gustong iopen ni Kuya Eliot yung nangyare kahapon sa shoot kaso mukhang alam niya din na ayaw ni Mr. Jacob na pag usapan yun. Mukhang nawalan sila ng gana ngayong araw kaya pagkatapos namin kumain nagpaalam na si Kuya Eliot na ihahatid si Mr. Jacob sa kanila. Naiwan kami ni Kuya Garreth dito sa apartment ko. "Theodore may hindi ka sinasabi saken. Matagal ko na tong napapansin eh. Pero di lang ako nagtatanong sayo." Kinabahan naman ako sa sinabi ni Kuya. Masyado na ba akong halata? "Theo, tell me the truth. Tinutulungan mo ba si Jacob mangbabae?" Sabi niya na halos masamid ako sa laway ko. "What the f**k Kuya?! Ano ba yang sinasabi mo?!" Gulat na sabi ko sa kanya. Di ako makapaniwala. Akala ko naman kung ano itatanong niya. "Sabi nila close na close kayo kaya naisip ko baka may alam ka sa nangyare kagabe na gulo. Na baka alam mong may babae si Jacob." Sabi pa niya. Jusko. Ako'y mawawalan ng bait dito sa Kuya ko "Kuya hindi ako tanga. Di ako para gumawa ng bagay na ikasisira ng relasyon ng iba." Sabi ko. Wow came from me? Saakin pa talaga nanggaling yon ha? Hiyang hiya naman ako. "Tinulungan ko lang si Mr. Jacob kagabi dahil magkaibigan kame." Dagdag ko pa. Sobra sobrang kasalanan na talaga nagagawa ko. Di na nagtanong pa si Kuya dahil alam siguro nya na di ko magagawa yon. After that sinundo na sya ni Kuya Eliot at umalis na. That was close!!!! --- Thanks for reading! ❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD