Chapter 1

2538 Words
Jacob Kaleb Ferell Inagahan ko talaga ng gising para maabutan si Aisha to tell her about sa offer saken na project. And di nga ako nagkamali. Nag aayos na sya para pumasok sa work. "Babe, goodmorning." Bati ko sa kanya. She looked at me and smile. "Hi babe. Aga mo ata?" Tanong niya habang abala sa pag aayos ng make up niya. "Gusto kasi kita maabutan. I want to tell you something." Napalingon sya ulit saken at tinitigan lang ako. Waiting kung anong sasabihin ko sa kanya. "Uhm. Tumawag manager ko kanina. Sabi nya the management offers him for a new project. So sabi ko papaalam ko muna sayo." I said. Ngumiti sya then lumapit sakin sabay umupo sa tapat ko sa kama din. She hold my face and ngumiti. "Bakit kelangan mo pa magpaalam saken? It's your passion and career no need for my permission babe. Go grab it. Sayang ang oppurtunity." Sabi nya. Tumango lang ako bilang sagot. "Say yes babe. Sayang naman yon. Eh ano daw bang movie yung gagawin nyo?" Tumayo na ulit sya at bumalik sa pwesto niya kanina tsaka pinagpatuloy yung pag aayos. "Di pa namen alam. Actually, pupunta kami sa company later for the meeting." I said at tumayo na din. Magpe-prepared na din ako para mamaya. Panigurado kasing hindi naman nakapag handa ng breakfast tong asawa ko dahil sa pagmamadali. Well, I'm used to it na. Nasanay nalang din ako wala naman akong magagawa. "Ah okay sige. Just tell me nalang pag nasa company kana and balitaan mo nalang ako. I have to go babe." She said. Tumayo na siya at lumapit sakin tsaka ako hinalikan sa labi at umalis na. I grabbed my phone and send a message to Kuya Eliot na, ‘Go for a meeting and meet me at the company at 9.” So I started na asikasuhin na sarili ko. Nag ayos na ako, kumain ng breakfast. I grab my wallet and carkeys at tsaka pumunta sa kotse ko at umalis na. Saktong 9AM nakarating ako sa company. I texted Kuya Eliot na nasa lobby na ko and after a couple of minutes lumitaw na din sya. "Jacob, sorry. Tinawag ako ng kalikasan so nag cr muna ako while waiting sayo. So tara na?” Sabi nya at naglakad na kaming dalawa. "Kuya, nanjan na din ba mga makakasama kong ibang artista?" I asked him. He just shrugged. "I don’t know. Let's just see nalang." He said. Minsan talaga iniisip ko tinatamad tong si Kuya Eliot sa trabaho niya eh. Pero sobrang sipag ng tao na to. Di mapagkakaila. May times lang talaga na di ko malaman kung anong tumatakbo sa isip niya kahit halos isang dekada na kaming magkaibigan. Tsaka ko lang naalala na sinabi nga pala ni Aisha na imessage ko siya once na nasa company na ako. ‘Babe, nandito na ko sa company. I will call you after the meeting. Ingat sa work! I love you.’ After I texted her binalik ko na yung phone ko sa bulsa ko. Paglabas namin ng elevator dumeretcho agad kami sa meeting room. Pagpasok namin marami rami na ding tao na nasa loob. Siguro sila yung mga makakatrabaho ko na mga staff. Some of them are familiar sakin. Kuya Eliot and I greeted them ‘Goodmorning.’ "Goodmorning everyone, this is Jacob Kaleb Ferell also known as Jacob Ferell." Sabay turo nya sa gawi ko. I smiled and I introduce myself again. "Hi everyone. I'm Jacob. Nice to meet you all." Sabi ko habang nakangiti. "Hi Mr. Ferell, I'm Director Rob and this are my team. The writers, producers, and editors. Nice to meet you too." Sabi nung lalaking nasa 40's ang edad at tumayo sya and inabot nya yung kamay nya saken. Tinanggap ko naman yung kamay nya for shake hands. Pagpapakita na din na may galang ako sa mga makakatrabaho ko. "Have a seat." Sabi nya. Umupo kami ni Kuya Eliot katapat nila. Napansin ko na parang may hinihintay pa kame. Baka yung mga makakasama ko sa movie. Pero bakit wala pa din sila? 30 minutes have passed, di pa din kami nag i-start and umiinit na din yung ulo ko. What the hell?! "Wala pa ba yung yung ibang cast? Humanap nalang kaya kayo ng i—.” Before I could finished my sentence biglang nagbukas yung pinto. Pumasok yung dalawang lalake. I know him. Manager sya sa isang training company. Si Liam Pineda. May kasama syang mukhang teenage boy and I think nasa 20 plus years old lang. Nakatago sya sa likod ni Kuya Liam na parang nahihiya. "I'm sorry nalate kame. Sorry po talaga." Sabi ni Kuya Liam while bowing at nahingi ng pasensya. "Uh. Oo nga po pala. This is Theodore Herrera, trainee sa company namin for almost 3 months now and as you guys wanted wala pa syang expirience na maisalang sa isang project." He said and hinatak nya ng malumanay yung bata sa likod nya. Mukang nahihiya. Nung humarap sya samen, nagulat ako. Muka syang babae. Blonde yung buhok niya na hindi ganun kahabaan pero may bangs siya. Yung parang sa mga Koreans na buhok at may maputi siyang balat. Makinis na mukha. Pointed nose. Maninipis na labi at maliit na bibig. Maliit lang din ang mukha niya kaya aakalain mong babae siya sa unang tingin. Hindi tipikal na itsura ng isang lalaki. Kung titigan maigi masasabi mong para siyang nasa ikatlong kasarian. "H-Hello po. I'm Theodore Herrera, Theo for short. 23 years old from All Star Company. Nice to meet you all." Sabi nya and then he smiled. He was so angelic. Ang peaceful tignan ng mukha niya na tipong wala siyang dinadalang mabigat na problema sa buhay. Napailing ako ng mahina dahil kung ano ano napupuna ko e oras ng trabaho. Na pati physical appearance niya nadescribe ko na hindi ko naman ugali talaga at nagagawa sa ibang nakatrabaho ko na. Pinaupo na sila ni Director Rob. And Theodore sat beside me, habang si Kuya Liam naman sa kabilang side nya. "Eto yung mga example scripts nyo. Please read it first and kung may complain kayo makikisabi agad. The genre of this movie is about having an affair. Affair of a married man sa isang binatang lalake na nagtatrabaho sa isang bar as a bartender. As you can see, iba ang genre ng movie na to dahil ang main character ay maiinlove sa kapwa lalaki." Sabi nya. Nanlaki yung mata ko nung marinig ko yon. What?! Did I heard it clear? Diko pa nababasa yung script nawindang agad ako. This is the first time na gagawa ako ng gantong movie. "I know, nashock kayong dalawa. Alam ko rin na first time mo gumanap sa ganitong genre ng movie Mr. Ferell. And ikaw naman Theodore, alam kong first time mong sumabak sa totoong aktingan at eto agad ang role mo. Kaso kasi alam kong capable kayong gawin to. And I have a big trust to the both of you na magagawa niyo to ng maayos." Sabi pa niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "So you guys in?" Tanong nya ulit. Tinignan nya kaming dalawa ni Theodore. Napatingin ako sa katabi ko kasi curious din ako sa isasagot niya. The younger boy nods saying na deal sya to act this. The hell? First time niya to pero umu-o agad siya sa tanong ni Direk ng di manlang siya napaisip kung bakit ganito yung genre ng movie. Which is wala namang problema sakin. Talagang nagulat lang din ako. "How about you Mr. Ferell?” Baling sakin ni Direk na naghihintay ng sagot ko. Wala naman sigurong masamang itry. After all first time ko din tong gawin na role. And mas maganda kung mag explore ako hindi ba? "I'm in." I said and smiled. "Good." Sabi nya at pumalakpak. "So kayong dalawa ang main cast of this movie. May dalawa pang cast na darating next meeting. Ngayon kasi busy sila at may mga inaasikaso na mga appointments. Kaya hindi na din muna natin pahahabain tong usapan. Kasi mas maganda kung kumpleto kayo diba? So I can explain everything and hindi ko na kelangan pang ulitin sa dalawang artista na darating pa. Ayaw ko din kasi na through phone ko sasabihin sa kanila. Like the both of you gusto ko din mashock sila." Dagdag ni Direk sabay tawa. Kuya Liam raised his right hand na parang may sasabihin sya. Kaya naman lahat ng atensyon napunta sa kanya. "Direk, pwede po bang next week nalang yung second meeting? This week kasi yung task nila Theodore and mukang mahihirapan sya sa schedule. Kung okay lang naman." Sabi nya. Tumingin sa kanya si Direk at ngumiti as assurance. "Yeah sure. Para din makapag ready sya and makundisyon sarili nya. Just call the management pag ready na kayo for the second meeting." Sabi ni Direk. Tumayo na si Direk and pumalakpak sya ng isa parang signal na tumayo na din yung team nya. "So this is all for today. See you guys sa susunod na meeting and expect na nandito na din yung dalawang cast. Thank you all so much. Have a great day!" Sabi niya at nag bow. Tumayo din kami at nagbow tsaka nagpasalamat. Lumabas na silang lahat kaya naiwan nalang kameng apat ni Kuya Eliot, Kuya Liam at Theodore. This is kind of awkward... Theodore Herrera Nagpapractice kami ngayon para sa nalalapit na weekly task for trainees ng biglang nanakbo papalapit saken si Kuya Liam. "Theo! Theo! Magpalit ka ng damit. Bilisan mo. Urgent meeting for the movie na gaganapan mo. My god! Bakit ba kasi late nila akong tinawagan." Sabi nya na super aligaga. Ha? "May dala ka bang desenteng damit? Lagi nalang ba silang ganito?" Hindi mag sink in sakin sinasabi niya. Natulala lang ako at di nakapag kilos agad. Ngayon na talaga? Bakit di manlang sila tumawag ng mas maaga tsk. "What are you waiting for?! Go go! Magbihis kana! Batang to tumunganga pa!" Bumalik ako sa realidad ng paluin niya ako sa braso. Kaya naman dali dali akong pumunta sa changing room. Good thing desenteng damit nadala ko bukod sa pamalit after practice dahil sa napaka arte ko din sa katawan. Konting mapawisan lang ako gusto ko may pamalit agad akong damit. Pagkatapos ko magpalit dali dali akong hinatak ni Kuya Liam habang binilin naman yung ibang trainees sa ibang manager. "s**t nakakahiya. Late na tayo. Nandon na daw yung makakasama mo sa movie." Sabi nya habang nagdadrive. "Kuya kalma. Kinakabahan din ako eh." Sabi ko naman. Totoo kinakabahan talaga ako. Biglaan naman kase. Walang manlang pasabe. Sana tumawag sila kahapon para nakapag ready ako. Hays. Nakarating kami sa company 9:30 AM na. Nakabog yung dibdib ko ng sobrang lakas na parang lalabas na ata sa dibdib ko. Ang totoo niyan natutuwa talaga ako ngayon kasi first time kong nakapasok sa company na to. ‘Black Screen Company’ And I never expected na sobrang laki niya pala. Na dito ko pala matutupad yung matagal ko ng pangarap. Habang nasa loob ng elevator hindi ko maiwasang mapaisip kung sino bang makakasama ko. Wala din pa ako idea about sa movie or even sa makakasama ko. Pumasok kami ng di manlang nakakatok si Kuya Liam dahil sa pagmamadali. Tumago ako sa likod nya. Narinig ko syang humingi ng sorry kasi nalate kame. And he even introduce me sa mga taong nandito sa loob. Madami dami din sila kaya naman parang mas binalot ako ng hiya.Hinatak nya ko ng slight para makita ako ng mga tao dito sa loob. Paano kasi sa sobrang hiya ko napatago ako sa likod niya. I introduce myself and ganon nalang din yung gulat ko ng makita si Mr. Jacob Ferell. Nakaupo siya sa tapat ni Direk and mukhang naiinip na siya. He was my idol in acting. Bukod sa gwapo, magaling pa umarte. Pinaupo na kami nung Director and he even explain yung about sa movie at nagulat talaga ako sa genre. He also even said na kaming dalawa ni Mr. Jacob yung main cast. So ibig sabihin nga ako yung lalaking nagwowork sa bar as bartender na magiging affair ni Mr. Jacob sa movie? Alangan naman kasing si Mr. Jacob yung teenage boy, jusko! Nagdadalawang isip ako at first pero dahil nga gusto ko matupad tong pangarap ko umu-o ako. Maganda din sigurong ganito na agad yung role na pasukin ko. After some talks pa nagpaalam na din si Direk. Kaya naman kaming apat nalang natira dito sa meeting room. I took all my courage para lumapit kay Mr. Jacob at magpakilala sa kanya ng ayos. "H-Hello po Mr. Jacob. Ako po si Theodore. Fan nyo po ako. N-Nice to meet you po." Sabi ko and I bow. I'm shaking at kinakabahan talaga ako. Ang isang Jacob Kaleb na kinababaliwan ng lahat dahil sa angking kagwapuhan at kagalingan sa pag arte. Makisig din ang katawan niya at matangkad pa. "Hi. Nice to meet you too. Next time wag kang dadating na late. Have a consideration." Medjo masungit na sabi nya. Napatungo ako dahil sa hiya. Good thing kami apat lang nandito sa loob. Kung hindi baka lumubog na ako dito sa kinatatayuan ko. "Ah. Mr. Ferell, pasensya na kung nalate kame. Yung management nyo kase tumawag sila medjo late na rin. Nasa rehearsal for their task na kasi si Theo kanina nung tumawag sila kaya I need to excuse him pa para makapunta dito." Sinalo agad ako ni Kuya Liam. Alam na alam nyang ayaw kong napapahiya ako. Kasi I'll always did my best sa lahat ng ginagawa ko. Muka namang natauhan si Mr. Jacob at lumambot yung expression ng muka nya. "Ah ganun ba. Pasensya na di ko din alam. Ayoko lang kasing nasasayang ang oras lalo na pagdating sa trabaho. I'm really sorry for being rude." Sabi nya at ngumiti saken. Shet ang gwapo! Pero bago pa man ako makapag salita ulit, nagsalita si Kuya Eliot. Yung manager nya. Gwapo din tong si Kuya Eliot at sikat din. Well, brother and father figure kasi sya dito kay Mr. Jacob. Muka pading bata kahit 29 years old na. Kaedaran ng Kuya ko. Si Kuya Liam naman 28 years old na. "Ah excuse me. JK but we have to go. May pupuntahan pa tayo. Kausapin ka pa ng management naten." tapos tumingin sya samen. "Nice to meet you Theodore. You remind me of someone. And sayo din Liam, nice to meet you again." Sabi nya at ngumiti na labas ang dimple. Napaisip naman ako sa sinabi nya. Remind him of someone? Sino naman kaya yon? Naalimpungatan nalang ako nakalabas na sila ng meeting room Hindi manlang ako nakapag paalam ng maayos kay Mr. Jacob. Pero okay na din yun, kasi magkikita pa naman ulit kami. Inaya na din ako ni Kuya Liam bumalik sa company para sa rehearsal. "So Theo, anong pakiramdam mo ngayon?" Nakangiting sabi niya habang nagdadrive ng kotse. "Hindi ko mapaliwanag Kuya eh. Para akong nalipad sa alapaap sa sobrang saya." Hindi ko maiwasang mapangiti ng malapad habang iniisip na mag aartista na talaga ako at bonus pang si Mr. Jacob ang katambal ko. Parang may kung ano sa loob ko na di ko maintindihan eh. Parang yung espiritu ng pagiging bakla ko nabubuhay. Pero kelangan kong labanan to dahil baka ito rin maging dahilan ng pagbagsak ko. How I wish na kasing lakas ng loob ni Landon yung loob ko para mag come out. Kaso may pangarap akong pinang hahawakan na ayokong masira lang. "I know what your thinking. Stop making scenarios on your brain kiddo. Magiging successful to ako na nagsasabi sayo." Sabi ni Kuya Liam. Napangiti nalang ako. So this is it. Matutupad na din yung pangarap ko maging artista. And I think dito na magsisimula yung magandang takbo ng buhay ko kahit na iniisip ko na napakamalas kong tao. -- Hooray for first chapter! Sana po nagustuhan niyo. :) Please support my story. <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD