Chapter 2

2409 Words
Theodore Herrera Ngayong araw na yung weekly task namin. Nandito na ko sa backstage waiting for my turn. Pero habang naghihintay biglang dumaan si Ms. Aisha Mojica. Binati ko naman sya and she greeted me back naman bago nya ko lagpasan. Isa siya sa magiging judge ngayon dahil sa pagkakaalam ko bukod sa pagkanta e magaling din sa pag arte si Ms. Aisha at talaga namang hahangaan mo din siya dahil ang dami niyang talents. Ang ganda nya sobra. At ang bait bait pa. Bali balita ko den na kasal na sya. Pero masyado syang private na y Hindi din naman ako chismosa para mang ungkat ng personal life ng ibang tao. Kaya diko alam kung sino bang maswerteng lalake yung napakasalan neto ni Ms. Aisha. Kumanta muna siya as opening prod, magandang panimula ng programa dahil nakaka kaba. Kahit naman magkakaron na ako ng project at ako pa ang main lead, ayoko pa din namang magpaka kampante. Kailangan ko pa ding gawin yung best ko sa task na to. Shempre, ginawa ko yung best ko sa pagperform. Hindi ko ba alam kung saan ako humugot ng emosyon at mabilis pumatak ang luha ko sa mga linyahang binigkas ko. Masakit. Tagos sa puso. Kahit na wala pa akong karanasan sa pagmamahal, hindi naman ako bato na hindi nakaramdam ng paghanga sa iba kahit na palihim lang. Mas masakit yon. After the performance naghintay kaming mga trainees ng result. Nagulat ako ng banggitin ang pangalan ko. “Theodore Herrera, your acting skills is improving a lot. I’m so proud to be one of your mentors.” Sabi ni Ms. Gia na isa sa mga mentor ng trainees dito sa All Star Company. Nakakataba ng puso yung papuri niya. Nakita ko namang nakangiti ng maganda si Ms. Aisha kaya mas lalong gumaan ang pakiramdam ko. After ng performance ko, nagpaalam na din ako sa mga kasamahan ko. Maaga pa naman kaya parang gusto kong magpahinga nalang. Hinatid na ko ni Kuya Liam at pagod na din ako. Gusto ko ng mahiga. Ilang araw na kong puro rehearsal. 8 hours straight na practice tapos 2 hours sleep lang. Paano ba naman ako makakatulog ng maayos? Iniisip ko kasi yung about sa movie. Ugali ko talagang mag imagine ng kung ano ano kaya ayon di na ako nakakatulog ng maayos. Baliw lang. Pagkauwi umalis na din agad si Kuya Liam para bumalik sa company. Namimiss ko na bestfriend ko ah. Pati na din yung Kuya ko at pinsan ko. Kaya imbis na magpahinga naisip ko na papuntahin nalang si Landon at Kuya Dwight dito. Tutal, miss ko na silang kabonding at maiinip lang ako dito sa bahay. Bago pa ko magdial ng number ng bestfriend ko, tumunog agad yung phone ko at nag appear yung pangalan ni bitchesa. Landon b***h Calling ... "Hello?" [Bessyyyyy!!! Ano kumusta?! Gaga ka. Wala ka manlang paramdam. Napanood ko yung pag iyak iyak mo kanina. Hahaha. Kaloka girl, ang lakas maka-maarte ng pag iyak mo siz!] Ang hyper? To the highest level ang pagkabiritera ni mamang! "Teka. Kalma. Isa isa naman ang usap at tanong bes! Mauubusan? Walangya talaga yang bibig mo no? Buti tinagalan ka ng pinsan ko." Pinipigilan kong matawa kasi naiimagine ko yung mata niyang umiikot ikot nanaman sa inis. [Wow naman bes. Teka, eh ano bang bago sayo bukod sa busy ka sa pagiging trainee mo?] "Um. Bes, ano, mag aartista na ko." Sabi ko na parang kinikilig kilig. [HA?!!! Hoy tangina bes! Hindi nga?! Teka teka details!!! Baka naman eme lang yan ha?!] Kelan kaya siya hindi sisigaw? Nakakainis na yung bunganga niya laging naka high notes! "Landon, pwede ba yang bunganga mo makikihinaan? Sasampalin na talaga kita." [Sorry naman.] Huminga muna ako ng malalim. Hindi ko ba alam kung sa excitement ba to kung bakit ako kinakabahan na sabihin sa kanya? Pero parang ganun na nga. "Oo, mag aartista na ko. At alam mo ba? Si Mr. Jacob Ferell yung magiging kasama ko." [HAAAAA?!] Inilayo ko yung cellphone ko sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw niya. Piste naman talaga oh oh! "Potah teka wag ka nga sumigaw! Pumunta ka nalang dito. Dala ka pagkain at inumin. Sama mo na din si Kuya Dwight. Miss ko na kayo! Tawagan ko na din si Kuya Liam para bumalik dito. See you! Bye!" Bago pa sya makapag salita pinatayan ko na sya ng phone. Potah ang ingay ni bakla. Yeah right. Si Landon ay bestfriend ko since birth. Sabay kaming lumaki kaya sabay din kaming naging sirena. Open closet gay siya at long time boyfriend nya yung pinsan kong si Kuya Dwight. Mag lilimang taon na din sila dahil maagang bumukaka este lumandi yung bestfriend ko sa pinsan ko kahit medjo malaki ang age gap nila. Ako? Eto patago tago lang sa cabinet. The only persons na nakakaalam ng sikreto ko ay si Landon, Kuya Dwight, Kuya Liam at kapatid kong si Kuya Garreth. Parents ko? Wala silang alam. Wala din naman silang pake. Actually, natuwa talaga ako sa magiging role ko kasi di ako mahihirapan kaso baka don din lumantad yung pagkatao ko. Na siyang malaking kinakatakot ko. Paano ko ba sasabihin kung ano talaga ako? Matatanggap kaya ako sa lipunan na to kagay ni Landon? Nawala nalang ako sa pagmumuni muni ng may kumatok. Sila Bessy na yan for sure. Ang bilis talaga ng gaga pag sa ganitong usapan eh. Pagbukas ko ng pinto bumungad sakin ang mga nakangiting loko bukod sa pinsan kong naka poker face. May dala silang mga paper bags at box. For sure pagkain at alak yan. Bigla naman akong sinunggab ni Bes ng yakap at parang babaeng tumitili at sinasabing namiss nya ko. Mag isang buwan na din kaming di nagkita. "Pumasok na kayo bago pa kayo mabalabag ng nasa kabilang unit." Sabi ko at binuksan ng maluwag na maluwag ang pinto tsaka pumasok na sila. Nag prepared na ko ng dala nilang foods and drinks at nilahad sa mesa. Shempre palibot kaming apat at nag start ng tumibag. Ganito talaga mga tipikal na gawain naming apat simula’t sapul. Dahil nga silang tatlo lang din naman ang meron ako . "Bes, ano nga ulit yung sabi mo kanina? Mag aartista kana?" Pag open up ni Landon sa topic. “Oo bes. Si Mr. Jacob Ferell yung magiging partner ko." Pag ulit ko. "WAAAAAH----" Naputol yung sigaw nya nung sungalngalin sya ni Kuya Dwight ng fried chicken at muntik pang mabilaukan si gaga. Tinignan nya ng masama yung jowa nyang di malaman kung tatawa ba o ano. “Wag ka sabing sigaw ng sigaw. Ang ingay mo.” Sabi ng pinsan kong nagpipigil ng tawa. Kinurot naman siya ni Landon sa tagiliran. “Aray naman babe!” Reklamo ni Kuya Dwight habang kinakamot yung kinurot ni Landon. "Huy Kuya bad ka!!! Muntik ng mabilaukan jowa mo. Pero good thing. Salamat at maagap ka." Natatawa kong sabi. "Actually, saken tumawag yung management ng Black Screen Company and nagpapahanap sila ng artista na wala pang expirience na magkaron ng project. Shempre, alam ko namang tong si Theo matagal nya ng pangarap yon tsaka buti nalang trainee na siya kaya sinabihan ko sya kaagad.” Salo naman agad ni Kuya Liam sa usapan. “Thanks to you Kuya.” Sincere na sabi ko sa kanya. “Sus. Small thing bunso! You know how much I love you. Mas mahal pa nga kita kesa sa Kuya Garreth mong baliw.” Natatawa niyang sabi. "Ay nako ang dadrama mga teh! Eh ano ba daw movie yan bes?" Kalmadong sabi ni Landon. Natakot na ata masungalngal. Hahahaha "About sa affair e. Sabi yung ganap ko daw is teenage boy na nagwowork sa bar as bartender tas magkakaron kame ng secret affair ng isang married man which is si Mr. Jacob ang gaganap." Sabi ko na halos hingalin. "Kaloka beessss!" Sabay palo sakin sa braso. "Gwapo nya bes sa personal. Ang yummy pa." Sabi ko naman na parang nagde-day dream. "Gaga!! May asawa na yon ah?" Binatukan niya ako. "Alam ko. Crush lang naman eh." Binelatan ko sya. "Eh alam na ba yan ng Kuya mo?" Sabat naman bigla ni Kuya Dwight. "Hindi pa nga eh." Sabi ko. "Nako Theodore. Magagalit yon sayo panigurado. Di mo manlang pinaalam sa kanya agad." Biglang sabat ni Kuya Liam. He’s right. Si Kuya Garreth ang number one fan ko at siya talaga ang kauna-unahang tao na gusto kong nakakaalam sa mga achievements ko. Si Kuya Liam at yung Kuya ko naman ang mag bestfriend simula pagkabata until now. Kaya nga alaga ako neto. "I'll just call him later nalang Kuya." Sabi ko. "Teka kayo naman ang kumusta? Busy na busy ata kayong love birds kayo?” Baling ko kay Landon. “Okay naman kami as always.” Tipid na sagot ni Kuya Dwight. “Sus. Baka naman nang bababae kay Dwight? Naku Landon, pag nangbabae to sabihin mo sakin ha? Ako unang sasapak jan.” Sabat ni Kuya Liam. Natawa naman ako. “Ako Kuya Liam? Hindi mo ba ako tatanungin kung kelan ako mag bo-boyfriend?” Pabiro kong tanong sa kanya. Tumingin siya sakin ng seryoso. “Ang tanong, may nanliligaw ba sayo?” Tapos bigla siyang tumawa ng malakas kasunod ng pagtawa nung mag syotang may sapak din sa ulo. “Wow realtalk!” Sabi ni Landon. “Wow din ang saya niyo naman!” Sabay irap ko sa kanila. “Oh pikon ka naman agad. Alam mo Theo, tsaka mo nalang isipin yan. Mag focus ka nalang muna sa kung anong goal mo ngayon. Patunayan mo kay Tito at Tita na tama yung pinili mong landas.” Seryosong sabi ni Kuya Dwight. He makes sense. Yun dapat talaga patunayan ko. Na natupad ko yung pangarap ko without their help. Na kinaya ko kahit wala sila. Aaminin kong masakit para sakin dahil walang suporta ang mga magulang ko sa gusto ko. Ipinipilit nila ang mga bagay na hindi ko gusto. Kaya ang ending iniwan nila ako na parang isang tuta. “Ay nako. Change topic!” Biglang sigaw ni Landon kaya nagulat kami. Narinig naming nagbeep yung phone ni Kuya Liam kaya naman chineck niya. “Si Direk. May meeting daw sa isang araw Theo.” Sabi niya sakin. Tumango lang ako. Nagkwentuhan at nagharutan lang kaming apat habang nag iinom. Namiss ko to. Silang tatlo lang din nagpapasaya saken. Buti nalang talaga wala akong gagawin bukas. Yes! Knock out na yung tatlo sa sahig at mga humihilik na. Naisipan ko na din tawagan si Kuya. For sure gising naman yon. Nakailang ring na pero di sya nasagot. Baka busy sa family business. Bukas nalang ulit. Pumasok sa isip ko yung imahe ng mukha ni Mr. Jacob. Napaka perfect niyang tao kung titignan siya. Perfect jaw line. Button nose. Maganda din mga ngiti niya na makalaglag panty. Makisig siya at halatang batak ang katawan niya sa paggi-gym. May mole siya sa ilalim ng labi niya na mas lalong nakapag pasexy sa mga ngiti niya. Hindi siya sobrang puti, sapat lang. Mga katulad niya ang masasabi kong dream guy ko. Pero di na pwede dahil may asawa na siya. ‘At asa ka namang patulan ka niya.’ Sabat ng isang parte ng isip ko. Oo na! Hindi ako kapatol at walang magkakagusto sa katulad ko! Tanggap ko na! Tss. Pinilit ko ng makatulog. Kahit na nakapikit ako parang gising ang diwa ko. Hanggang sa hindi na din kinaya ng katawan ko at kusang nag shut down. Jacob Kaleb Ferell Nanonood ako ng TV sa salas ng marinig kong nagbukas ang pinto. "Hey babe." Narinig ko yung boses ni Aisha na kakapasok lang. "Hi. Aga mo ata?" Lumapit sya saken at hinalikan ako sa labi tsaka naupo sa tabi ko. "Oo, sabi ko kasi maaga ako uuwi. Kapagod eh. How was your day? How's the meeting?" She asked. "Okay naman. Na meet ko na din yung Director, Writers, Producers even my co-actor. Theodore Herrera ang name nya, a trainee from All Star Company. The blonde hair boy.” Sabi ko. "Ooh yung bumati saken kanina." Sabi nya naman. Oo nga pala. Nag judge siya kanina sa weekly task ng mga trainees doon. “So kumusta naman yung pagpunta mo doon kanina?” Tanong ko sa kanya at niyakap siya. Sinandal niya naman yung ulo niya sa balikat ko. “Magagaling halos lahat sila. Pero si Theodore ang mas angat ang performance. Ang bilis pumatak ng luha niya and the way he acts, ramdam na ramdam mo yung emosyon. Na parang siya talaga yung nasa sitwasyon.” Kwento niya sakin. So he’s like that. Kelangan ko na bang maging kampante? O hindi? Kasi hanggat hindi ko nakikita ang pag arte niya hindi ko pwedeng sabihin na magaling nga siya. Judgemental man pakinggan pero that’s me. Yes that’s me. Siya naman yung nagtanong sakin about sa magiging bago kong project. "So ano daw yung movie na gagawin nyo?" "Hmm. A married man na magkakaron ng affair sa isang teenage boy na nagwowork as bartender sa isang bar." Sabi ko while still looking at the TV at yakap yakap pa din siya. "What?! You mean it is a gay movie?" Sabi nya na parang gulat. Napaangat pa siya sa pagkakasandal sakin. Tumingin ako sa kanya tsaka tumango. "Yeah. Is there anything wrong? Ako din nagulat. Pero sayang naman if I refuse." Sabi ko. Mukang di padin sya makapaniwala. Kasi kahit ako di talaga nung una. Siya pa kayang asawa ko? "Tatanggi ako if you want babe." Sabi ko ulit. Ngumiti sya at hinawakan yung kamay ko. "Nope no need babe. Nagulat lang ako. It's your first time na gumanap as gay sa isang project. Pero okay na din yan. Part ng trabaho mo yan eh." Sabi nya with understanding. Ngumiti ako. Napaka bait talaga ng asawa ko. Hindi ako nagsisisi na minahal ko tong babae na to. "Have you eaten yet?" I asked her. Umiling siya. “Nope. But I'm full. Gusto ko ng matulog. Maaga pa ako bukas. Ikaw ba dipa matutulog?" She asked me back. "Aakyat na din ako after." Sabi ko sa kanya and she smiled at kiniss ako sa lips before umakyat sa taas. I texted my manager kung kelan ang next meeting for the project and sabi nya 2 days from now. Okay. So I need to prepared myself more. After that I decided to sleep na din. Kinabukasan, nag isip ako ng pwede kong gawin kasi bukas pa naman yung meeting para sa movie. Naisip kong manood ng mga gay movies para kahit papaano may idea ako kung ano bang dapat kong gawin para hindi maging awkward yung role ko. I decided to watch ‘Call me by my name.’ mukhang patok siya at maraming nanonood. Nagsearch kasi ako ng most watched gay movies and this movie is one of the most popular among people. Kahit sa mga straight. The whole time na pinapanood ko siya iba ibang emosyon din naramdaman ko. May saya, may lungkot. Pati na rin yung pag come out ni Elio sa parents na, pakiramdam ko ang hirap hirap. Shempre doon mo maiisip na anong magiging reaksyon ng magulang mo pag nalaman nilang bakla ka. Pagkatapos kong manood hindi ko alam kung bakit kung ano anong mga bagay pumapasok sa isip ko. Nagka ideya na din ako ng mga pwede kong gawin at kung paano ako sasabay sa flow ng story ng movie namin. Sana lang maging successful to. Kahit na first time ko. --- Please keep supporting my story po. :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD