Chapter 3

2864 Words
Jacob Kaleb Ferell Today is the second day na magmimeeting kami about sa project. So I'm expecting na mamimeet ko na din yung ibang cast. And also I’m expecting na mga beteranong aktor at aktres din ang makakasama namin. As usual maaga nanamang umalis ang asawa ko dahil mag aasikaso daw sila ng mga schedule for fan meetings and concerts. Usual na ginagawa niya. Masyado siyang attached sa mga fans niya kaya naman madaming nagmamahal sa kanya. Nag prepared na din ako para umalis. Sa cafe nalang ako katabi ng company dadaan to buy breakfast. Wala na din ako sa mood magluto dahil parang mas type kong magkape nalang muna. Before driving nagtext na ko kay Kuya Eliot na papunta na ko sa company. 9AM ang start ng meeting pero 8:30AM palang on the way na ko. 15 minutes travel lang from home to work lang ako. Di din naman ako kaskasero mag drive dahil mahal ko ang buhay ko. Pagdating ko sa company at pagka park ko I recieved a text from Kuya na ako nalang ang hinihintay. Huh? Ang aga naman ata nila? Nandon na sila agad lahat? Hindi ba sila masyadong mga excited? Pero maigi na din yan kesa ako nanaman ang maghintay ng pagkatagal tagal. Dumaan na muna ako sa cafe and nag take out ng Americano. Pagkakuha ko ng order ko umalis na din ako kaagad at bumalik sa company. Nakakahiya kung maghihintay sila ng matagal. Pagdating ko sa meeting room nandon na nga silang lahat. Including Theodore and his manager. Wow aga nila. Himala ata. I greeted them ‘goodmorning’ at naupo na. Nagsimula na din umusap si Direk. "Okay so kumpleto na tayo. Mr. Ferell, I know you know him already this is Mr. Ralph Valderama. And this girl her name is Nala Clauson same as Theodore eh baguhan din sya sa acting field." Sabi ni Direk at tumango lang ako. "Mr. Ralph will be your rival kay Theodore in this story. And as you can see Ms. Nala will be your wife. Uunahan ko na kayo. May mga scenes na mabibigat dito. If you guys wanted, pwede niyo namang basahin ang mga sample scripts. I recommend to Theodore na manood ng mga gay movies so you could pick an idea kahit papaano.” Dagdag pa niya. Nakikinig lang kaming lahat. And of course pag may itatanong need pang itaas yung kamay. Parang classroom lang. "So Mr. Ferell, your character name will be Jayson. Theodore, will take the character name of Sam. Ms. Nala as Natashia and Mr. Ralph as Mark." He said.  “How about the kissing scenes? Meron ba?” Curious kong tanong. “Of course Mr. Ferell! Mawawala ba yun? May problema ba if ever may kissing scenes?” Tanong ni Direk pabalik sakin. “Wala naman. Saakin wala. How about to Theodore?” Tanong ko habang nakatingin sa binata. Nakita kong parang nagulat siya sa tanong ko at nahihiyang napatingin sakin. “A-Ah eh trabaho ko naman po yun kaya okay lang po sakin.” Nahihiya niyang sabi. “Well, that’s a good answer! So wala na ba tayong problema?” Nagtanguan kaming lahat bilang sagot. "That's all for today. Be ready for tomorrow dahil bukas na din ang first shoot naten. Sa private bar so wag kayong mag alala." Tumingin sya saken. "Mr. Ferell, can I ask a favor? Can you teach Mr. Herrera ng mga techniques sa acting para magka idea na rin sya? Mas better kasi kung beterano ang magtuturo sa kanya.” He said.  Tumango ako at ngumiti. May point si Direk. Para na din di ako mahirapan sa katrabaho ko. Pumalakpak ulit sya ng isa. "Mauna na kame ng team dahil aayusin pa namin ang set up ng pagsu-shootingan, so I'm expecting all of you will be there tomorrow on time. Thank you so much everyone." Sabi nya ulit at tumayo na. Nagpasalamat at nakipag kamay ang ginawa namin bago sila naglabasan. Bukod sa mga cast and managers na naiwan dito sa loob. Lumapit naman agad sakin si Ralph at nakipag bro hug. "Wassup Mr. Ferell, nagkita tayong muli." Sabi nya. I smiled. "Oo nga Mr. Valderama, parang ikaw lang den yung kasama ko sa last project ko. Mabenta talaga mga gwapo." Pabiro kong sabi at nagtawanan kame. "Maigi na din na di baguhan lahat makakasama ko. I'm not getting paid para lang magturo." Sabi ko at tumawa. Saka ko lang narealize na nandito pa pala si Theodore at Nala. Napatingin ako sa kanila. Mukang nahiya at na awkward sila sa sinabi ko. "I'm sorry. I'm just kidding here." Sabi ko sa kanila at ngumiti naman yung dalawa na nahihiya. "Oo nga pala. Theodore. You can come to my house para maabot ko din sayo yung notes ko." Sabi ko and napatingin sya saken na parang gulat na gulat. "P-Po? Sa inyo po Mr. Jacob?" "Yup. You can come with Manager Pineda para naman may kasama ka din." Sabi ko. Maganda na din na maimbita ko sila para kung sakaling maagang makauwi ang asawa ko at maipakilala ko makakatrabaho ko. Well, ayun naman palagi kong ginagawa. "So see you guys. Mauna na kame. Mr. Ralph and Ms. Nala nice to meet you." Sabi ko ulit at umalis na kami ni Kuya Eliot. "Kuya you want to come over too? I'll cook a dinner for us." Sabi ko sa kanya. Kuya Eliot is like a big brother to me. All the time sya lang nanjan para saakin. Nung nawala yung parents ko dahil sa isang aksidente 10 years ago, nakita ako ni Kuya Eliot na pagala gala sa kalsada sya yung kumupkop saken and nagdala saken dito sa posisyon ko. Kasabay ko siyang nangarap. Binuo at tinupad niya ang pangarap ko. I'm thankful to him every now and then. "Ay nako Jacob. May gagawin pa ako eh. Alam mo na. Ayusin ko pa schedule mo tsaka may pinapagawa pa saken sa company. Next time nalang ako. Say Hi to Aisha for me." Sabi nya at ngumiti. He patted my shoulder. "Mauna na ko ah. Punta na ko sa office. Ingat ka pag uwi." Dagdag nya pa. Umalis na sya. Minsan ang weird din neto. Actually wala akong alam kung may girlfriend na ba to. Masyado ding masikreto kahit ilang taon na kaming magkaibigan. All I know nabroken hearted to di ko naman alam kung kanino. Umalis na din ako para makapag prepared para mamaya. Dumaan na din muna ako sa grocery store to buy my needs. As usual di maiiwasan may makakilala sakin at magpapicture. Di din naman ako ganon kasuplado. Pero may times na pag ayaw ko, ayaw ko talaga. Shempre gusto ko din ng privacy. Hindi porket artista ako gugustuhin ko ng atensyon ng madaming tao. Ayoko ng ganun. Umuwi na din ako agad and I want to take a nap for a while. Bago pa man ako magprepared ng dinner. Pasta and steak.  My favorite. 7PM I heard my doorbell rang. I expected si Theodore na yan and si Kuya Liam. Pagbukas ko ng pinto tumambad sakin ang isang mukang anghel na muka na nakangiti. Naka casual clothes lang sya. Fitted jeans, tshirt na may nakapatong na jacket and converse shoes. Naka cap din sya. Tinanggal nya yung cap nya and ngumiti. "G-Goodevening Mr. Jacob." Bati niya sakin. I was looking behind him dahil pansin kong solo lang sya. And mukang napansin nya din na may hinahanap ako. "A-Ah. Hinahanap nyo po ba si Kuya Liam? Hinatid nya lang ako kasi busy daw sya sa paggawa ng schedule ko. Kaya hindi na po siya nakasama.” Sabi nya agad. "Ganun ba. Pasok ka." Tsaka ko binuksan ng maluwag ang pinto and I lead him muna sa salas para naman makapahinga muna sya saglit habang pineprepared ko yung dinner na ginawa ko. Good thing hindi ganun kadame. I looked at him and nakita kong nililibot nya yung paningin nya sa buong paligid. Until I saw his eyes got widen. Siguro nakita nya na yung malaking frame sa wall malapit sa hagdanan. It's me and Aisha’s wedding photo. "S-Si M-Miss. Aisha..?" Nauutal nyang sabe. Natawa naman ako ng mahina at lumapit sa kanya. Tinignan ko din yung picture namin ng asawa ko. "Yup. She's my wife." Sabi ko. Bago pa sya makapagtanong ulit inaya ko na sya kumain. "Let's eat dinner first. Nagprepared ako ng dinner cause I was expecting na dadating kayo ni Manager Pineda but it end up ikaw lang." Sabi ko. Ngumiti naman sya tsaka kami nagpunta sa dining area at naupo na siya katapat ko. Hindi naman din ganun kalakihan ang dining table ko dahil dadalawa lang naman kami ni Aisha dito sa bahay. “Favorite ko to. My mom taught me how to cook this when I was younger pa. Nanonood ako sa kanya iprepared to kasi favorite ko nga to." Madaldal kong sabi sa kanya. I don't know but, ang gaan ng loob ko sa kanya. At pakikipag kwentuhan ang naisip kong paraan para mas makilala namin ang isa’t isa. Mahirap makipagtrabaho sa taong di mo kilala kahit katiting manlang. Hindi kasi talaga ako typically nakikipag usap ng ganito sa kung sino lalo na sa kakakilala ko lang. Sa kanya kasi magaan ang loob ko. Ewan ko ba kung dahil mukha siyang anghel? Para siyang nanghihipnotismo. Ng ibaling ko yung tingin ko sa kanya. He was looking at the food with sparkling eyes. Ang cute nya. Wait---- what?! I shake my thoughts and nag start na din kaming kumain. I started to ask him a few question. "So Theodore, paano mo nalaman yung about sa project?" Tanong ko. "Um kasi po Mr. Jacob, yung management nyo po tumawag kay Kuya Liam and asked him na maghanap ng gustong mag artista na wala pang expirience sa acting. Eh sakto naman po na trainee ako sa company nila. Kaya sinabihan nya ako agad. Kasi eversince alam nyang pangarap ko yon." Sabi nya while twirling the fork sa pasta na kinakain nya. "You seem very close to Manager Pineda. I mean, he's treating you like his youngest brother." Sabi ko. And tumingin ako sa kanya. Nakatungo padin sya habang nakain. "Yung Kuya ko po kasi tsaka si Kuya Liam mag childhood bestfriend sila. Kaya po ganun nalang din ako alagaan ni Kuya Liam." Sabi nya ng nakangiti pero di nakatingin saken. Hindi ko alam kung naawkward ba siya? Pero mukhang hindi naman.  "Um. I know this is too personal to ask pero nasan ang parents mo? I mean where do they live? Kasama mo ba sila?” Tanong ko pa ulit. Ewan ko naku-curious ako sa kanya. Natahimik sya saglit. May nasabi ata akong hindi maganda. Tahimik lang sya at di sinagot yung tanong ko. Naging awkward tuloy. "Um. Nasa States po sila Mr. Jacob. My parents don't want me to pursue my dreams. Ayaw nilang maging artista ako. Gusto nila na maging katulad ako ng Kuya ko na may knowledge sa business. So I could manage their business soon. But I refuse. Kaya iniwan nila ako dito sa Pilipinas and nagmigrate sila sa States with my Kuya." Tumigil sya saglit at huminga ng malalim. Mukang nagiging emotional sya. But he still manage to continue his story. "Iniwan nila ako dito ng walang wala. They even cut my credit cards. Di nila binayaran yung tuition ko sa Univesity na pinapasukan ko kaya ang ending nag drop ako sa school. I worked to feed myself. Binuhay ko sarili ko for almost 3 years now. Si Kuya Liam, yung bestfriend ko at yung pinsan ko lang yung mga taong nandyan sa tabi ko." Sabi nya. Tumingin sya saken at tsaka siya ngumiti. Yung kaninang awa na nararamdaman ko sa kanya napalitan ng kakaibang pakiramdam. Yung mga ngiti niya napa pleasant. Hindi mo aakalain na ang mga katulad niyang may magandang ngiti ay may dinadala palang mabigat at pangit na pinagdaanan sa buhay. "Pero okay na ko Mr. Jacob. Lalo na ngayon mag aartista na ko. May mapapatunayan na ko sa kanila." Sabi nya ulit. Malungkot ang kwento nya compare saken. Ang mga magulang niya nandyan nga pero parang wala din naman. Ako naman parents ko wala na talaga. They are now in God's hand. "Nako. Wag na natin pag usapan yan Theodore." Tumayo ako and kumuha ng isang bote ng wine. "Do you drink?" Tanong ko sa kanya.  Tumango lang sya. Kumuha ako ng wine glass sa cabinet sa kitchen and nilagyan ko to sabay inabot sa kanya. "Let's just think na small celebration naten to for the project and for you na makakamit mo na pangarap mo." Sabi ko sabay taas ng wine glass and offer him a toast. Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Mas naging komportable kami sa isa’t isa. Hindi na siguro kami mahihirapan pag nagshoot na. Hindi na namin namalayan ang oras 10PM na pala, lasing na din tong si Theodore. Nakarami din pala kame ng wine. 2 bottles?! Wala pa din si Aisha at late nanaman atang uuwi. Hindi na niya kami naabutan na nagcecelebrate. Pero paano ko kaya mahahatid tong si Theodore e lasing na lasing na siya. "Theodore, kaya mo pa ba umuwi?" Tanong ko habang inaalalayan siya. "Yes po Mr. Jacob.” Sabi nya na pabulong na at pupungas pungas. "You could sleep here if you want." Offer ko pero umiling sya. Before he could step one more natumba sya. Good thing nasalo ko agad. Di naman sya mabigat kaya binuhat ko na papunta sa couch. Nakatulog na sa sobrang kalasingan. Umakyat ako sa guest room at kumuha ng spare blanket and pillows tsaka bumaba ulit at inayos sya ng pwesto. Habang nilalagyan ko sya ng kumot napatingin ako sa muka nya. Napaka ganda talaga ng mukha neto na makukumpara mo talaga sa babae. Small face. Pointed nose. Small lips. Long lashes. Makinis pati ang balat. Super feminine kung titignan. Mas nilapit ko pa yung mukha ko sa mukha nya. I don't know what's on my mind this time. Pero yung tama siguro ng alak dumadaloy na sa sistema ko. I was about to kiss his cherry lips when I heard the door locked clicked. Napabalik ako sa ulirat at napatayo ng wala sa oras. Then I heard Aisha’s voice. "Babe—-“ sabi nya at parang natigilan. Nakatingin sya sa natutulog na si Theodore. Buti nalang bago siya makapasok nakatayo agad ako ng nakaayos ng pwesto. "Um babe. This is Theodore. I invited him at tsaka yung manager nya for dinner. Pero nauna ng umuwi yung manager nya. Tas eto nalasing si Mr. Herrera at nakatulog. I offer them a little celebration at hinintay ka pa nga namin kaso nalate ka na." Sabi ko na medjo kinakabahan. Am I too being obvious? Ang dami ko agad sinabi sa kanya. "Ah. I see. Good thing na din dito sya inabot ng antok. Baka mapahamak pa sya sa labas. Sayang naman at di ko kayo naabutan na nagcecelebrate." Sabi nya at lumapit sakin para humalik. Iniwas ko yung mukha ko na kinagulat nya. Nagulat din ako sa ginawa ko. "Uh... I'm sorry babe. Amoy alak kasi ako." Palusot ko nalang. "Tara na. Inaantok na din ako." Sabi ko sabay nilagpasan sya at umakyat sa taas. What is wrong with me? Theodore Herrera Nagising ako na medjo masakit ang ulo. Shet! Nalasing ako kagabe?! Paano ako nakauwi?! Minulat ko yung mata ko at nilibot ang paningin ko sa paligid. Napalikwas ako ng bangon at napa upo ng makita kong nasa salas ako ng bahay ni Mr. Jacob. Habang hindi pa din makapaniwala sa nangyayare narinig ko yung boses ng isang babae. "Finally, your awake." Sabi niya. Napalingon ako kung san nanggaling yung boses. I saw Ms. Aisha standing behind me nakangiti. Mukhang galing siya sa kusina. Naka apron pa siya. "M-Ms A-Aisha." Nauutal utal kong sabi. Eh bakit baga ako kinakabahan? Tss. Wala naman akong ginawang masama kagabi hindi ba? Wala naman. Wala akong maalala s**t! "How was your sleep? Sayang di ako nakaabot kagabi sa little celebration nyo." Sabi nya ulit. Napaka ganda talaga niya at bagay na bagay sila ni Mr. Jacob. Couple goals ika nga ng iba. "Ah. S-Sorry po. Pasensya na po at dito pa ako nakatulog. Nakakahiya." Napatungo ako at pabulong ko nalang na nasabi yung last word. Natawa siya ng mahina. "It's okay. Kesa naman mapahamak ka pa kagabe. I cooked breakfast. Kain ka na." Pag aya nya saken. Pero dahil sa sobrang hiya. Tumanggi ako. "Um. Pasensya na po Ms. Aisha. I don't want to be rude po pero kailangan ko na din pong umalis. May shoot pa kasi kami mamayang gabi. Pasensya na po talaga." Sabi ko na nakatungo. "Oh oo nga pala. No, it's okay. Maybe some other time makasama na ko sa gatherings nyo." Sabi nya na suot ang maganda niyang ngiti. Nakakahiya talaga grabe ka Theodore!! "Pasensya na po talaga and thank you din po for making me stay here for a night." Ngumiti ako sa kanya na nahihiya. "Mauna na po ako." Bago pa ako makaalis pinigilan nya ako. "Ah teka Theodore. Sabi ni Jacob abot ko daw sayo ito pag nagising kana." Inabot nya sakin yung isang notebook. Baka ito yung sinabi sakin ni Mr. Jacob na papahiram nya sakin. "Ah salamat po. Nasaan nga po pala si Mr. Jacob?” Tanong ko. "He's still asleep." Sagot naman nya. "Ganun po ba. Thank you po ulit. Pasabi din po kay Mr. Jacob maraming salamat po. Mauna na po ako.” I bow to her tsaka lumabas ng bahay nila. Habang naglalakad napahilamos nalang ako ng kamay ko sa mukha ko. Grabe nakakahiyaaaaa. Bigla akong nagulat ng mag ring phone ko. Shet naman na malagkita! Aatakihin ata ako sa puso. [Theodore Herrera where are you?!] "Kuya Liam.... I'm on my way home." [What?! Saan kaba nanggaling bata ka ha?! Bakit wala ka dito sa apartment mo?! Kanina pa ako katok ng katok! Saan kaba nag sususuot?!] "I'll explain later nalang Kuya." Bago pa nya ko masermunan pinatay ko na agad yung tawag. Nasakit ulo ko sa nangyayare. Nakakaloka. --- Thank you po sa pagbabasa! <3 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD