Chapter 16

2535 Words
Jacob Kaleb Ferell Umuwi kaming mag ama at ako parang nalugi. Hindi din namin na enjoy ang father and daughter day naming dalawa. Inilapag ko na si Ayesha sa higaan niya at pinapalitan ko na ng damit sa yaya niya. Kinontak ko agad si Landon para ipaalam yung nakita ko. O baka may alam na din sila. Dahil siguro naman sila ang unang pupuntahan o kokontakin ni Theo pag nakabalik na siya. Tatlong rings tsaka sumagot si Landon. [Hello Mr. Jacob?] "Landon. Pwede ba kayo pumunta dito sa bahay? May sasabihin lang ako. Tawagan mo na din si Kuya Liam. Ako na bahala kay Kuya Eliot." Hindi na din sila naiiba sakin. Sa lahat ng pinagdaanan ko nandyan silang lahat para damayan ako. [Okay sige. Just wait us there.] Tapos pinatay na niya yung tawag. After that si Kuya Eliot naman ang tinawagan ko. I told him to come here also. After an hour nagdatingan na nga sila. Maaagap talaga ang mga ito. "Anong meron pre?" Sabi ni Kuya Dwight pagkaka upo nila. "Kanina kasi nagpunta kami sa mall ni Ayesha. Tapos nung nagwiwithdraw ako ng cash bigla syang nawala. Nakita ko siya sa office ng mga guard dahil nakita siya nung isang gwardya sa tapat ng Jollibee umiiyak." Kwento ko. Nakikinig naman sila. "Talagang pinapunta mo pa kami dito para ikwento yan?" Sabat bigla ni Kuya Eliot.. "Teka kasi hindi pa naman ako tapos." Bigla siyang tumahimik. "Nung tinanong ko si Ayesha kung saan sya nagpunta. Sabi niya nakita nya daw yung Mama niya. He's back." Sabi ko. Nakita ko yung gulat na ekpresyon sa muka nilang lahat. Maliban kay Kuya Eliot. "S-Si bes?" Sabi ni Landon na parang di naniniwala. "Oo. Kaya dali dali akong naglibot sa mall. Tapos nakita ko syang nakatayo sa isang botuiqe. Nung nakita niya ako bigla syang umalis at naglakad ng mabilis tas nawala na sya. Kaya ko kayo pinapunta dito baka kasi may kinontak na siya sa isa sa inyo.." Sabi ko na naiinis. Lalo lang ako nafrustrate. Napahilamos ako sa mukha ko ng kamay ko. Lalo ata akong mababaliw. Lalo na ngayong alam kong nandito na ulit sa bansa si Theodore at nasa malapit lang sya. "Hindi ka niya kinausap?" Tanong ni Kuya Liam. Umiling lang ako. "Iba na itchura niya. Mukha na syang babae. Yung buhok niya hanggang balikat na pero pink padin." Sabi ko sa kanila. "Baka naman hindi si pinsan yon pre?" Tanong naman sakin ni Kuya Dwight. "Hindi ako magkakamali. Si Theodore yung nakita namin ni Ayesha. Nakita ko siya ng malapitan.." Sabi ko. Napansin namin na kanina pa tahimik si Kuya Eliot. "Kuya? Bakit ang tahimik mo?" Tanong ni Landon sa kanya. Napatingin siya samin. "Naalala ko na tumawag sakin si Babe at sabi niya uuwi na sya dito sa Pinas. And mag papa-party siya sa bagong bahay niya dito. N-Naisip ko baka nandoon din si Theo?" Sabi niya na parang nag iisip. "For sure nandon yon. Hindi yon mawawala sa ganyang paganap ni Bes. Tsaka feeling ko din magkasama sila tinago lang satin ni Bes eh." Sabat naman ni Kuya Liam. Oo nga. Bakit ngayon lang namin naisip yon sa loob ng tatlong taon. Sa lahat ng pwede niyang malapitang shempre Kuya Garreth niya ang kauna unahan. Wala naman kasi akong kontak sa kanya. Si Kuya Eliot naman, alam ko namang hindi siya mahilig makisawsaw sa mga issues ng ibang tao. Kaya hindi na ako naglakas ng loob magtanong sa kanya. "So anong plano? Pupunta tayo lahat sa party ni Kuya Garreth?" Tanong ni Landon. Tumango lang si Kuya Eliot. "Nice idea. So dapat magready na din tayo." Sabi naman ni Kuya Dwight. "Kailan ba yan?" Tanong naman ni Kuya Liam. "Sa isang linggo na. Bukas ko siya susunduin sa airport. Babalitaan ko kayo lahat sa details. Basta magready na kayo." Sagot at mahabang sabi ni Kuya Eliot. Natanguan lang kaming lahat. Mukhang magandang plano to. Sana naman huwag niya akong iwasan. "Sya sige mauna na kami. Balitaan nalang." Tumayo na sila at kanya kanyang nag uwian. Theodore mahal ko. Magkikita na ulit tayo. Gusto kong malinawan sa nangyare satin. Miss na miss na kita. Nag aya ang tropa na magsama sama nalang kaming mamili ng susuotin para sa party. Isinama ko din shempre ang anak ko na mas excited pa sakin. Nalaman kasi niya na pupunta kami sa bahay ng Mama Theo niya. Ngayon ko nalang ulit siya nakita na sobrang galak at sobrang saya. "Men. Ano bagay ba?" Naagaw yung atensyon ko ng magtanong sakin si Kuya Dwight na gwapong gwapo sa suot niyang blue coat. Ngumiti naman ako. "Oo, lahat naman bagay sayo." "Ang cringe." Sabay suplado look at iniwan ako sa pwesto namin. Aba't siraulo. Narinig kong may tumawa sa likod ko. "That's why I don't want him to ask me." Si Kuya Liam pala. "Ano Jacob? May napili ka na ba? Si Ayesha she's enjoying every dress na sinusukat niya."  Tumingin ako sa anak ko na tuwang tuwa sa mga dress na hawak ng saleslady. "Maganda naman siya kahit alin dyan magustuhan niya." "Your so lucky Jacob. You had a gorgeous daughter." Sabay tapik sa balikat ko. He's right. Pagkatapos naming mamili, kumain lang kami ng dinner at kanya kanya ng nag uwian. Theodore Hererra That was close. Akala ko maaabutan ako nila Jacob. Hindi ko din alam bakit ba ako umalis at iniwasan sya. Akala ko handa na akong makita siya. Pero hindi pa pala. Dahil ba naguilty ako sa pag iwan ko sa kanya? O dahil nakita kong kalong niya yung anak nila ni Ayesha? Napabuntong hininga ako. Nandito na ko sa kwarto ko. I received a message from Kuya Garreth na uuwi na sya bukas and he's planning to make a party para na din sa pablessing ng bahay naming dalawa. Ngayon alam ko ng ii-invite niya ang tropa. At paniguradong magugulat sila na nandito na ulit ako at baka masabon pa ko ng mga yun. Kasi nga hindi ba at si Kuya Eliot lang ang nakakaalam kung nasan ako? I'm ready to face them. But Jacob? Wala pa akong lakas ng loob. Baka pag nakita ko siya at hindi ko mapigilan sarili ko at magkasala ulit ako. Nasabi din ni Kuya Garreth na si Kuya Eliot na ang susundo sa kanya at wala padin siyang idea na nakauwi na ko dito sa Pinas. God. Ano kayang mangyayare? Paano kaya magiging reaksyon nila Landon? Lalo na ni Jacob? Diyos ko. Kinabukasan, narinig ko nalang yung boses ni Kuya Garrerh na kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. I checked my phone and ang dami niya na palang missed calls and messages. Pagbukas ko ng pinto bumungad saakin ang mukha niya na magkasalubong ang mga kilay. "Jusko naman Thodore! I've been calling you a hundred times! Ano at tulog ka pa? Tanghali na ah." Sabi niya. "Wow. Welcome back Kuya." Sarcastic kong sabi. "Kelangan bunganga talaga agad ang bungad? And where's Kuya Eliot? I thought susunduin ka niya?" Dagdag ko. Change topic nalang din. "Oo hinatid niya lang ako tas umalis na din siya. May gagawin pa daw siya sa company. Nakabili ka na ba ng susuotin mo para sa next week?" He asked. "Need ba na bongga? Madami ka bang bisita?" Tanong ko pabalik sa kanya. "No need naman na bongga but be presentable. Dadating din yung mga business partners and share holders natin sa company. Pati ang tropa." Sabi niya habang nakapamewang at nakatingin sa salamin.. "Oh okay. Nakapamili na ko kahapon. Nagpunta ako sa mall. And..." Tumingin siya sa akin na nakataas ang kilay at naghihintay na ituloy yung sasabihin ko. "And Jacob saw me." Nanlaki bigla yung mata niya. "What?! Then anong nangyare?!" Sabi niya sabay naupo sa tabi ko. Chismoso ang peg teh? "Wala. Umiwas ako. I run again." Medjo frustrated kong sabi. "Ay nako Theodore. You can't escape love kahit gaano mo pa yan katagal na kinalimutan." Sabi niya. May point naman tong si Kuya. Kasi sila nga ni Kuya Eliot eh. 3 years din bago sya bumalik dito sa Pinas pero nag work ang LDR relationship nila. Hayy. How I wish ganyan nalang din kami ni Jacob. Pero hindi naman na mangyayari yun saamin. I shake my thoughts. Tapos na samin ang lahat. May pamilya na sya. And I think masaya na din siya. It's time for me to be happy too. "Princess, pahinga na ako ah? I want some rest bago manlang. You know mag aasikaso pa ako for the party next week." He said at lumabas na ng kwarto ko. Magpapahinga nalang din ako. Dalawang araw puro tulog lang ginawa ko. Samantalang si Kuya busy sa pag aasikaso ng party na pinaplano niya. Huwag na daw ako mag abala pa dahil kaya niya naman na daw lahat. Heto tuloy ako, nakatunganga nanaman sa kwarto. Naghanap nalang ako ng pwedeng paglibangan. Kinuha ko yung laptop ko tsaka binuksan yung mga bagong account na ginawa ko. Well, this account is private. Ayoko kasing matrace nila ako. Nag scroll scroll lang ako habang nagbabasa basa ng mga bali-balita sa f*******:. Bigla nalang ako nakakita ng article about Jacob Kaleb Ferell. 'Actor Jacob Ferell talk about how his life goes on when his daughter came to his life. And how his baby change it.' Looks interesting. Pero hindi ko siya binasa. Baka masaktan lang ako kapag nabasa ko kung gaano siya kasaya sa piling ni Aisha. Hindi naman ako nag iinarte kung may anak na siya. Wala namang kaso saakin yun dahil karapatan niyang magkaanak. Ang nakakalungkot lang hindi ako yung nakapagbigay noon sa kanya. Hay nako bakla! Aalis alis ka ng walang paalam tapos ngayon mag iinarte ka? Tsk! Sinara ko nalang yung laptop ko at kung ano ano nanaman kasi napasok sa isip ko. Haaay. As the day goes by, ganun at ganun pa din ang life routine ko. Hindi ako nalabas ng bahay kasi nga ayoko. Nakakaloka diba? Tapos more emote sa kwarto. Tsk. The day has come. Ang pinaka hihintay ni Kuya Garreth na araw. Kung saan ipapa blessed na din namin itong bahay na naipundar naming dalawa. Madami ng tao dito sa bahay mga nag aasikaso para sa party mamaya. Mga cook, party organizers, waiters and MC. Bumaba na ako dahil hinahanap ko si Kuya Garreth then suddenly I bumped into someone. Matangkad to at parang kilala ko siya. "Theodore?" "Kuya Eliot?" Sabay naming sabi. "Kumusta? Para nung huli kitang nakita lalaki ka pa ah? Hahaha." "Siraulo ka talaga." At nagtawanan ulit kaming dalawa. "Ang ganda mo na lalo bunso ah. Naku. Lagot ka kay Landon. Miss na miss kana nung isa na yon." Sabi niya. "Um pupunta ba sila?" Tanong ko. "Oo naman. Sila paba? Siya sige hahanapin ko pa Kuya mo eh. Mamaya na tayo magkwentuhan ulit." Sabi niya at nagpaalam na. At tsaka ko lang naalala na hahanapin ko din nga pala si Kuya. Pero wag na nga lang. Bumalik na ko sa kwarto ko. May 3 hours pa ko para mag ayos. Naligo na ako at nag ayos na. Nag make up ako ng light lang. Ayoko ng masyadong makapal na make up naaaduwa ako. Kapag kasi magme-make up ka ibabagay mo din sa awra ng mukha mo. Ako kasi angelic face kaya hindi bagay saakin yung mga matataray look na make up. I curled my hair na pawavy. After ko mag ayos ng mukha kinuha ko yung silver fitted dress ko na bukas ang likod. Pasando ang style and hanggang hita ang haba. I wear my silver high heels at kinuha ko yung sling bag ko na ang kasya lang ay phone, wallet and carkeys ko. After I prepared myself, niready ko na din yung sarili ko para sa mga tanong nila Landon. At pati na din sa pagalit nila. Lumabas ako ng kwarto at bumaba na sa salas at lumabas sa garden kung saan nandoon lahat ng bisita. I could hear the sounds booming. Nakita ko si Kuya Garreth na kasama si Kuya Eliot. "Wow. You look so stunning princess." Puri sakin ni Kuya Garreth na nakangiting malawak pa sa kalye. "Thank you Kuya." Sabi ko naman. "Batiin mo na muna yung mga bisita naten. Dadating na din sila Landon, Dwight at Liam." Sabi naman ni Kuya. Tumango ako at umalis muna tsaka nagpunta sa mga bisita. Kilala ko naman halos lahat ng bisita dahil nakasama ko na din sila sa company sa States. Yung iba kasi sa kanila pinauwi nalang dito sa Pinas para mag asikaso sa pinatatayo naming company dito sa bansa. Bigla ko nalang narinig yung boses ni Landon na tinatawag yung pangalan ko. "Theodore? Bes? I-Ikaw ba yan?" Sabi niya. Lumapit ako sa kanila at mukhang mga gulat na gulat silang lahat. "Bes." Sabi ko na teary eyed pa. "I miss you." Dagdag ko at niyakap sya ng mahigpit. "Gago ka. Animal! San ka galing ha?! Impakta ka nang iwan ka nalang bigla." Sabi niya habang nakayakap pa rin sakin. Naiiyak na din ako. Namiss ko tong si gaga. "Wag na kayo mag emote dalawa. Masasayang make up nyo." Biglang entra ni Kuya Dwight. Tumingin ako sa kanya. "Ako ba hindi mo yayakapin?" Dagdag niya kaya naman niyakap ko sya. "I miss you Kuya." Sabi ko. "Namiss ka din namen Theo." Bumitaw ako sa yakap sa kanya at napatingin ako kay Kuya Liam na napatak ang luha. "Shempre, ikaw pa ba malimutan ko? Mas namiss kita Kuya Liam." Sabay lapit ko sa kanya at niyakap ko siya. "Namiss kita Theodore sobra." After namin mag emote apat ay shempre nagtanong na si Landon sa nangyare. Sinabi naman ni Kuya Dwight na hindi ito yung tamang oras pag usapan yon at ipagpaliban muna. Nagkukwentuhan lang kami ng may pumasok na familiar na tao. May kasama syang batang babae na ang cute cute at ang ganda din ng suot at ayos. Naka mini dress sya at naka silver shoes din at nakakulot din ang buhok nyang mahaba. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. S-Si Jacob at anak niya? Anong ginagawa nila dito? "Mama!" Sigaw nung bata at patakbong lumapit sakin. "Mama. Ako po si Ayesha. Sabi po ni Daddy kayo daw po Mama ko." Sabi nung batang babae. Napatingin ako sa tropa na nagtataka. Mga nakangiti lang sila sakin. Huh? Anong Mama? Tumungo ako at tumingin sa kanya. "Hi baby. H-Hindi ako ang Mama mo." Sabi ko sa kanya ng nakangiti. Nagulat naman siya sa sinabi ko at parang iiyak na siya. "Pewo sabi po ni Daddy kayo daw po Mama ko." Nakapout sya at nagstart ng mamuo yung mga luha sa mata nya. Napaupo ako ng pantay sa height nya tsaka ko pinunasan yung luhang papatak palang sa mata niya. "Don't cry baby. A-Ako nga ang Mama mo. Pasensya kana medjo pagod kasi si Mama. Wag ka ng umiyak." Lambing ko sa kanya. Wala din naman akong balak na sirain yung mood nung bata. Ang saya saya nya nung dumating dito tas iiyak lang sya. "Yehey. Mama ko!" Sabi niya sabay niyakap ako. I hugged her back. Nakita ko naman si Jacob na papalapit. "Ayesha come here baby. Wag mo na muna istorbohin ang Mama mo." Sabi niya at tumakbo naman papunta sa kanya yung bata. Naguguluhan padin ako. Anong Mama? Nasan si Aisha? Anong nangyayare? Sa sobrang gulo nag excuse muna ako sa kanila. "Um. Excuse me punta lang ako sa restroom." Sabi ko. Hindi ko na sila hinintay pang magsalita. Dere-deretcho akong pumasok sa loob nh bahay papunta sa restroom. Ano bang nangyayari? Anong sinasabi nung bata? At bakit wala manlang bahid na pagtataka sa mga tropa namin? Naguguluhan ako. Bakit niya ako tinatawa na Mama? Wala na akong magagawa. Naandito na sila at kailangan ko silang harapin. Bawal akong maging bastos dahil bisita pa din sila. I took a deep breath tsaka nagpasya ng lumabas. Pagbukas ko ng pintuan ng restroom nagulat ako ng nasa labas ng pinto si Jacob. Lalagpasan ko sana siya pero hinarang nya yung kamay niya sa dadaanan ko sabay hinila ako papasok ulit sa loob ng restroom. What the f**k?! --- Thanks for reading! ❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD