Theodore Hererra
3 years ago ...
"A-Aisha?"
Gulat kong sabi at ng tinignan ko sya malaki ang tyan niya.
"Theodore. H-Hindi ako nagpunta dito para manggulo. G-Gusto ko lang malaman ni Jacob na dinadala ko ang anak niya." Sabi niya.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. B-Buntis siya at si Jacob ang ama? Ano ito?
"Ano bang pinagsasasabi mo jan?" Mataray kong sabi. Hindi ako basta basta maniniwala sa drama niya. Kung noon oo pwede ko pang masabi na nagsasabi siya ng totoo. Pero ngayon? Lalo na at niloko niya rin si Jacob.
"Buntis ako at si Jacob ang ama." Sabi niya ulit.
"Oo narinig ko. Hindi ako bingi. Paano naman kita paniniwalaan jan sa mga sinasabi mo? Kung bumalik ka dito para manggulo pwes hindi kita hahayaan." Palaban kong sabi.
Aalis siya at hindi siya magpapakita tapos babalik siya at sasabihin niyang buntis siya at ike-claim na si Jacob ang ama? She must be nuts!
"Hindi naman talaga ako manggugulo Theodore." Sabi niya at nagsimula ng pumatak yung luha sa mga mata niya.
"Gusto ko lang malaman ni Jacob na.. Na.. May dinadala akong bata at sa kanya to. Wala naman talaga akong balak sabihin sa inyo kaso... Kaso ayokong lumaki yung bata na walang magulang." Sabi niya.
Para akong tinamaan ng sibat. Hindi ko alam kung anong iisipin ko sa mga oras na ito. Tama siya. Kung totoong si Jungkook ang tatay nung bata, hindi ko din naman maatim na lumaki yon ng walang tatay.
Ayokong may ibang tao na makaranas ng naranasan ko na lumaki na wala manlang kalinga ng magulang. Oo nga at nandyan sila Mom at Dad. Pero ni minsan hindi ko naramdaman yung pagmamahal nila bilang mga magulang ko.
"Wala si Jacob dito. Bumalik ka nalang sa susunod na araw." Sabi ko at isinara ang pinto.
Kung kinaya kong mang agaw ng asawa, eh hindi ko kayang umagaw ng ama.
Pumasok sa isip ko ang isang bagay. Aalis ako dito at hahayaan ko silang maging isang buong pamilya. Buhay nung bata ang pinag uusapan dito. At ramdam kong nagsasabi ng totoo si Aisha. At wala padin akong laban dahil kasal padin silang dalawa.
Isang hamak na home wrecker lang ako. Yung bagay na kayang ibigay ni Aisha sa kanya hindi kailanman maibibigay ng isang katulad ko.
Para akong sinampal ng reyalidad na kahit kelan di ko mabibigyan ng anak si Jacob. Ang sakit lanh.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at dinialed ang number ni Kuya Garreth.
[Hello?]
Tinry kong maigi na huwang niyang mahalatang may kakaibang nangyayari saakin ngayon pero mukhang malabo.
"Kuya. Susunod na ko sayo jan sa States."
[Ha? Bakit anong nangyari?] Rinig ko na nag aalala siya.
"Okay lang ba na pagkarating ko jan tsaka ko nalang ikukwento? Please Kuya."
Alam niyo yung pakiramdam na parang may bumabara sa lalamunan mo at masakit dahil sa pagpigil ng iyak?
[Okay okay. Just give me a second. Titignan ko kung makakakuha ka ba ng ticket agad agad ngayon.]
He ended up the call. Pagkatapos siguro ng ilang minuto siya naman ang tumawag sakin.
[Theo bunso I'm sorry pero walang available flight ngayon. Mahihirapan ka pag nag cutting trip ka.]
Shit. Wrong timing.
"Kuya. Wala na bang ibang paraan?"
Pangungulit ko sa kanya.
[Theodore, tell what's wrong? Why are you suddenly want to come here?]
Heto na nga ba. Alam kong kukulitin niya ako. Pero ayoko talagang magkwento ngayon.
"Sabihin nalang natin na wala ata talaga akong future dito." Gusto kong umiyak. Ngayon palang nakikita ko na yung imahe na kasama ni Jacob ang anak niya pati si Aisha at masaya sila at buong pamilya.
[Okay. Hindi kita pipilitin magkwento. Mag check in ka nalang muna sa hotel, tapos bukas agad agad ikukuha kita ng ticket kapag may available na okay?]
"Thanks Kuya. And can I request one more thing? Please huwag na huwag mo muna sasabihin kahit kanino. Kahit kay Kuya Liam o Kuya Eliot." Pagmamakaawa kong sabi.
Narinig ko siyang bumuntong hininga.
[I don't know what really happened to you pero sige, I promised.]
"Thanks Kuya."
Pagkatapos namin mag usap kinuha ko at inimpake na agad lahat ng gamit ko.
Habang nag aayos ng mga gamit ko, inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Umiiyak ako sa sobrang sakit.
Ayaw ko man pero kailangan. Kailangan kong umalis.
Nag iwan ako ng note sa ibabaw ng kitchen counter.
Mabigat ang loob kong lumabas ng bahay. Sa huling pagkakataon tinignan ko ang bahay namin ni Jacob at inalala ko lahat ng masasayang bagay na kasama ko siya.
"Paalam Mr. Jacob."
Katulad ng sabi ni Kuya Garreth, nagcheck in ako sa pinaka malapit na hotel sa airport. Buti nalang talaga at one call away siya kahit na may tampuhan kami. Nahihiya ako sa kanya. Nung umalis siya masama ang loob ko sa kanya. Pero ngayong kailangan ko siya nandyan agad si Kuya.
Inalis ko na lahat ng pwedeng maging koneksyon sakin ni Jacob. Miski na nila Landon. Sa ngayon ayoko munang may ibang mga tao na makaalam sa nangyayari sakin.
Gusto ko munang takasan lahat ng nangyayari ngayon. Heto kasi talaga yung alam kong paraan para hindi ako masaktan ng sobra. Takbuhan ang problema.
Ilang oras lang tumawag na ulit si Kuya Garreth at sinabing nakagawa siya ng paraan para makapag pabook ng flight papuntang States.
Kinabukasan maaga akong gumising at nag ayos para pumuntang airport. Thru email pinasa sa akin ni Kuya yung ticket ko.
Bago pa man ako tuluyan na sumakay sa eroplano at lisanin ang lugar na to huminga muna ako ng malalim. Sana mas magandang buhay ang nag aabang saakin sa States at hindi na puro sakit.
Nakarating ako ng States at sinalubong ako ni Kuya Garreth sa airport.
"Kuya." Sabi ko sa kanya habang umiiyak at niyakap ko sya.
"Sssh. Umuwi muna tayo." Inalalayan ako ni Kuya papunta sa kotse niya.
Tahimik lang kaming dalawa sa buong byahe. Nakamasid lang ako sa labas ng bintana. Kahit na anong ganda ng nakikita ko sa paligid ko hindi ko maappreciate dahil sakit at lungkot yung nararamdaman ko.
Ilang minuto pa, nakarating kami sa isang magandang bahay. Ewan ko pero manghang mangha ako. Grabe ang laki at ang ganda.
"Sayong bahay to Kuya?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi. Satin to Theodore. Nakapangalan to sa ating dalawa." Nagulat ako sa sinabi ni Kuya. Napalingon ako ng mabilis dahil sa sinabi niya.
Nakangiti siya habang nakatingin sa bahay o mansyon na nakatayo sa harap naming dalawa.
"Katas yan ng trabaho ko wag kang mag alala. Walang kinalaman sila Mom and Dad dyan. Tsaka wala na sila dito sa States. Sa New Zealand naman sila magkakalat ng sama ng ugali nila." Sabi ulit ni Kuya.
Wow grabe. Wala talaga akong kaalam alam na may ganito na palang naipundar si Kuya dito sa States. Buti pa siya sa lahat ng hardwork niya may naipundar siya. Samantalang ako wala pa din.
"Alam ko na yang iniisip mo. Huwag ka ngang praning. Matagal ko ng pilano lahat to."
Sabay gulo niya sa buhok ko.
"Tara na sa loob. Magpahinga kana muna at tsaka tayo magkukwentuhan."
Katulad nga ng sabi ni Kuya sakin, pumunta na ako sa kwarto ko. Super cozy! Lahat ng mga gusto kong kagamitan naandito. Not so feminine pero sapat na para sa taste ko.
Mukhang magiging komportable ang pag stay ko dito.
Ilang oras din ako nakatulog at kumatok siya dahil kakain na kami ng hapunan.
Nang makababa sa dining area, grabe talaga may pa-chandilier pa siya. Umupo na ako sa katapat niya. Hindi naman ganoon kalakihan yung lamesa.
"Ano bang nangyari at biglaan ka naman napapunta dito sakin?"
Ayan nag uumpisa na siyang magtanong. Naalala ko nanaman bigla yung nangyari. Napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kanya at nakita ko siyang nakatingin sakin at nakaabang sa isasagot ko.
"S-Si Aisha kasi nagpunta sa bahay nung isang araw. At.. At buntis siya Kuya." This time hindi ko na talaga naiwasang pumatak ang mga luha sa mga mata ko.
"H-Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Jacob dahil sa nalaman ko kaya mas ginusto kong takbuhan nalang. Kuya, kung kinaya kong agawin siya kay Aisha hindi ko naman kayang agawin siya bilang ama." Napahagulgol na ako dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko.
Tumayo si Kuya at tsaka lumapit saakin at niyakap ako.
"It's okay bunso. Maybe he's not the right guy for you after all. Sa ngayon, you need to face the truth na kung hindi talaga kayo yung para sa isa't isa wala kang ibang gagawin kung hindi tanggapin. Pero sana kinausap mo manlang siya bago ka umalis ng walang paalam."
May point si Kuya. Pero wala na. Nandito na ako ngayon kasama siya. Ang kailangan ko nalang gawin ngayon tanggapin yung nangyari. Papanindigan ko yung pag alis ko.
Hiniling ko sa kanya na walang makakaalam kahit kanino sa mga kaibigan namin o kahit si Kuya Eliot kung nasaan ako at umu-o naman sya.
Nagtrabaho ako sa company ni Kuya at ginawa niya akong CEO dahil siya ang president ng Hererra's Corp. Wala kaming magagawa dahil yan yung last name na dinadala naming dalawa.
Naging maganda ang takbo ng buhay ko dito. Pero hindi ako naging masaya. Namimiss ko na Jacob. Gabi gabi padin akong umiiyak at nagsisisi kung bakit ko siya iniwan ng hindi ko manlang inalam ang plano niya.
Naiinis ako sa sarili ko. Ngayon nagsisisi ako pero nung nagdesisyon ako basta basta hindi muna ako nag isip.
Nagdesisyon ako mag isa para sa samin.
"Theodore, bumalik ka na doon. Hindi ka dapat sumuko agad. Misirable ka tuloy ngayon." Sabi ni Kuya.
Lagi niya yan sinasabi sakin.
Humaharang lang sakin yung mga palaisipan na baka pag bumalik ako hindi na ako tanggapin ni Jacob. O kaya masaya na sila at magulo ko pa ulit yung pamilya nila.
Hindi ko binago ang kulay ng buhok ko. Pero pinahaba ko ito. Hindi naman kahabaan. Sabi din ng Kuya ko na nagmumuka na akong babae.
Dumating pa nga sa punto na biglang sumakit ng sobra yung puson ko. Halos hindi na ako makatayo at naiiyak nalang ako sa sobrang sakit.
Dinala ako ni Kuya sa doctor na kaibigan niya na pinoy din at may mga bagay kaming nadiskubre sa katawan ko. Isang bagay na akala ko sa iba lang nangyayari pero may tendency din pala na pwede sakin.
"Mr. Theodore, I don't think if this is a bad news or good newa for you. But we found out and we saw a part of female organ inside your body. Maaari kang mabuntis at may kakayanan ka ng magkaroon ng anak." Nakangiting sabi ni Doc. Feliciano saakin.
Para akong nabingi. Ano?
Hindi ko alam kung anong irereak ko. Kung iiyak ba ako? O matutuwa?
"Huwag kang mag alala. Alam kong super rare ng kaso ng ganito. We need to do some test para mas makasiguro. Pwede din naman na magpa check up ka once a month. Uulitin ko huwag kang mag alala dahil hindi naman ito makakaapekto sa katawan mo. Siguro yung hormonal balance meron."
Lutang ako ng makauwi kami. Si Kuya Garreth parang ang saya saya niya. Kasi kahit na ganito daw ako hindi niya masasabing abnormal ang kalagayan ko. Kung tutuusin nga daw maswerte ako at may kakayanan na akong magdalang tao.
Kailangan ko bang matuwa?
Wala din akong naging karelasyon dito. Madaming nag try pero ni isa sa kanila walang nakapantay kay Jacob. Walang makakapalit kay Jacob sa puso ko. Kahit na pakitaan nila ako ng yaman o kabaitan.
Lumilipas ang mga taon pero si Jacob lang lagi kong iniisip. Kung kumusta na ba sya? Kung masaya na ba syang kasama si Aisha at ang anak nila? Masakit man pero, pero kelangan kong tanggapin. Minsan nga napapangiti ako habang iniisip na may kalong siyang bata tapos kamukhang kamuka niya pa. Pero bigla nalang din akong maiiyak dahil marerealize ko na kahit kailan hindi na mangyayari samin na makakabuo kami ng pamilya ka nalaman ko na may kakayanan pala akong mabuntis.
Nag uumpisa ng may magbago sa katawan ko. Nagiging mas mukha na akong babae. Nagbigay ng advice si Kuya Garreth kung gusto ko ba na gawin ng totoong babae ang katawan ko. Pero parang ayoko.
Nagbago din agad yung isip ko. Nagbago na sige, magpapakababae na ako ng tuluyan kaya naman nag undergo ako ng surgery at tuluyan na akong naging babae.
"Are you really sure you want to come back?" Tanong ni Kuya Garreth sakin habang pinapanood akong mag empake ng gamit.
"I told you Kuya gusto kong bumalik sa pag aartista." Nakangiti kong sabi.
"Eh yan ba?" Habang nakanguso sa may dibdib ko. "Ready na ba?" Sabay ngisi.
Ewan ko sa isang to. Ang kulit!
"Oo nga. Ready na ako. Ano bang kelangan kong ipaghanda Kuya? Ikaw ba hindi ka pa ba uuwi?" Pag change topic ko.
"Tatapusin ko nalang muna lahat ng kailangan tapusin dito. Alam mo naman na plano ko. Don't worry uuwi din ako kaagad doon okay?" Sabay yakap niya sakin.
Ang sarap sa pakiramdam na nandito yung Kuya ko. Siya ang nakakita sa lahat ng luha na ibinuhos ko. Lahat ng sakit at pangungulila na tiniis ko. Lahat lahat. Nandyan lang siya para alalayan akong makabangon ulit.
Naka move on na ako. Handa na akong bumalik doon. Kung magko-cross man ang landas namin ni Jacob sisiguraduhin kong hindi na ulit mauulit yung pagkakamaling nagawa namin noon.
Present Time
Napagdesisyunan ko ng umuwi ng Pilipinas. Namimiss ko na din mga kaibigan ko doon. At.... at gusto ko din makita si Jacob. Don't get me wrong. Wala, gusto ko lang masiguro na naging tama yung desisyon kong lumayo.
Pagdating ng bansa hindi na muna ako nagpakita kahit kanino. Nakabili na din kami ni Kuya Garreth ng sariling bahay namin dito sa Pilipinas. This time ako naman ang nag invest. Sa loob ba naman ng tatlong taon ng pagiging CEO ko sa company namin, never naging mababa ang sales ng kumpanya.
Inaaya ko na din nga si Kuya na umuwi dahil alam kong namimiss na siya ni Kuya Eliot. Nakakainggit sila. Nagwork yung relationship nila kahit LDR lang.
Actually, si Kuya Eliot bumisita doon siguro mga 3 times na. Kaya nalaman niyang doon ako nagtago. Sinabi ko naman sa kanya yung rason ko. At hindi na din ako nagtanong tungkol sa kung ano ba ang nangyari ng umalis ako.
Hay. Ano ba yan nakakabagot mag isa dito sa bahay.
Sa sobrang bored ko nagpunta muna ako ng mall.
Nakatayo ako sa tapat ng Jollibee ng may narinig akong boses ng batang babae na sumisigaw ng 'Mama'. Pero hindi ko pinansin kaya umalis na ako.
Naglibot pa ako ng naglibot sa mall hanggang sa mapatigil ako sa tapat ng isang botuiqe. Ang ganda naman nung damit na nakadisplay. Bagay naman siguro sakin yun.
Parang naramdaman ko na may nakatingin sakin. Hindi ba may ganung instinct talaga? Yung alam mong may nakatingin sayo. Kaya lumingon ako. Nanlaki yung mata ko ng makita si Jacob.
At may kalong syang bata...
Dali dali na akong umalis kahit naririnig kong tinatawag niya ako. Nagbibingi bingihan ako kahit rinig na rinig ko yung boses niya.
Theodore hindi ka marupok! Huwag na huwag kang lilingon at bilisan mo ang lakad.
Nawalan na ako ng gana mag mall lalo na at nalaman kong nandito si Jacob sa loob ng mall.
Umuwi nalang ako at nagpahinga. Pagulong gulong sa higaan o kaya naman bubuksan ang TV pag nabored sa palabas papatayin ulit. Ayokong pumasok sa isip ko yung nangyari kanina. Para kasing pag inalala ko yon may humahatak sakin na puntahan o makipag kita kay Jacob. Pero pinangako ko sa sarili ko na tama na. Tama na!
Yung batang kalong niya kamukhang kamukha niya. Maganda. Siguro namamasyal silang buong mag anak sa mall. Family day?
Para nanamang pinunit yung puso ko. Heto nanaman yung mga luha ko. Sunod sunod na pumatak.
Sinungaling ka Theodore. Hindi mo pa talaga tanggap at hindi ka pa talaga nakaka moved on.
Mapag panggap ka.
Nakatulog nalang ako dahil sa kakaiyak..
---
Thanks for reading! ❤️