Chapter 14

2629 Words
Jacob Kaleb Ferell 3 years ago... "Daddy!" Sigaw ng isang batang babae na nananakbo papunta sa akin. "Hello my princess. Are you ready to see Mommy?" Sabi ko sa anak kong si Ayesha. Anak namin sya ni Aisha. My 2 years and 9 months old daughter. After ng shoot ko ay sinundo ko sila ng yaya niya sa bahay at dahil pupunta kami kay Aisha. After ilang minuto lang din nakadating na kami sa pupuntahan namin. "Ayesha. Say hi to Mommy." Sabi ko habang kalong kalong siya. "Hi Mommy!" Sabi ng anak ko habang kumakaway sa tapat ng puntod ni Aisha. Yes. Aisha died 2 years ago. She had stage 4 breast cancer at hindi na niya nalabanan pa. Today was her 2nd year death anniversary. Dinadala ko si Ayesha dito para makilala padin siya ng anak namin hanggang paglaki niya. Wala naman akong dapat ilihim sa anak ko. Karapatan niya pa din na malaman ang totoo in the first place. After namin dumaan sa sementeryo ay umuwi na din kami. Sinabi ko sa anak ko na bukas nalang kami mamamasyal sa mall dahil pagod na din ako. Yung bahay ko walang pinagbago. Lahat ng gamit na naiwan dito ni Theodore hindi ko tinanggal. Even his pictures. Nandito lang lahat ng alala niya. Until now mahal na mahal ko padin si Theodore. Hindi padin siya nalilimutan ng puso ko. Nakaukit na siya dito na kahit anong gawing bura hindi na maiaalis. Naalala ko pa kung gaano ako naging kamiserable nung iwan niya ko 3 years ago. Flashback Hinanap ko ng hinanap si Theodore. Pati sila Landon nag aalala na dahil pati sila hindi makontak si Theo. Ilang araw na. Halos mabaliw na ako. Hindi na ako nakakapasok sa trabaho. Nagagalit na din sa akin ang mga kasamahan ko pero pilit silang kinakausap ni Kuya Eliot about sa sitwasyon ko. Araw araw akong naghihintay sa pagbalik niya. Pero wala. Walang bumalik na Theodore. Palaisipan pa din saaming lahat kung ano bang rason niya at bigla nalang niya akong iniwan at wala manlang siyang pinagsabihan sa kahit na sino samin. Hindi lang din ako sigurado kung wala nga ba. Para na akong mababaliw kakaisip kung saan ko ba siya pwedeng hanapin. Wala na kaming kahit na anong trace sa kanya. He deleted all his social media accounts and even his email accounts. Nakablocked na din kami sa cellphone niya. Isang araw biglang may kumatok sa pintuan ng bahay ko. Halos madapa dapa ako sa pagtakbo dahil iniisip kong baka si Theodore na yung kumakatok at bumalik na siya. Pagbukas ko mali ako. Nawala yung pananabik ko at napalitan ng dismaya, tumambad sakin si Aisha. Malaki ang tiyan nya. "Jacob." Sabi niya na mangiyak ngiyak. "Anong ginagawa mo dito Aisha?" Galit na sabi ko sa kanya. "J-Jacob buntis ako. At ikaw ang ama." Napatingin ako sa kanya ng nagtataka. Ano bang pinagsasabi ng isang to? "Ginagago mo ba ko? Sinong tangang maniniwala sayo ha?! Wag mo kong pinagmumukang gago dito Aisha. Ipaako mo yan sa tatay nya huwag sakin." Galit kong sabi. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa ulo ko dahil sa sinabi ng babaeng ito. Ano siya baliw? Aalis siya tapos babalik at sasabihing buntis siya at ako ang ama? Nagpapatawa ata tong isang to. "Jacob totoo ang sinasabi ko! Ikaw ang ama ng dinadala ko! Anim na buwan na kong buntis at binilang ko sakto lang sa buwan! Yun yung araw na pinilit lang kitang may mangyare satin. W-Walang nangyare samin ni Sev noon dahil hindi ako umaalis sa tabi mo that time dahil iniisip ko na may babae ka." Sabi niya na umiiyak. Talagang pinipilit niya talaga yung kahibangan niya. "Humanap ka ng lolokohin mo." Sabi ko at akmang isasara na ang pintuan. "Nagpunta ako dito 4 days ago. Si Theodore ang naabutan ko." Napatigil ako sa sinabi niya. "A-Anong sinabi mo?" "Nakausap ko si Theodore. Sinabi ko sa kanyang buntis ako at ikaw ang ama." Deretchong sabi niya. Biglang nandilim ang paningin ko at nasampal ko siya ng malakas at napaupo siya sa sahig. "Walang hiya ka talaga! Anong ginawa mo kay Theodore ha?! Kasalanan mo kung bakit niya ako iniwan! Kasalanan mo kung bakit siya umalis! Anong sinabi mo kay Theodore?!" Sigaw ko sa kanya. Nakasalampak lang sya sa sahig habang umiiyak. "H-Hindi ko naman gustong sirain yung relasyon nyo. Pero karapatan ng batang to na makikilala ang tatay niya." Sabi niya habang umiiyak. "Hindi ko anak yan! Hindi akin yan!" Sigaw ko ulit. "Sayo to maniwala ka! Maniwala ka please." Iyak siya ng iyak. "Paano ako maniniwala sayo ha? Nasan ka sa loob ng anim na buwan na sinasabi mo?! Nasan ka ha?!" Naiiyak na ako sa galit. Tumayo siya habang hawak ang tiyan niya. "Noong nalaman kong buntis ako sayo hindi ko na sana balak pang sabihin pa sa inyo at hahayaan ko nalang na palakihin ko mag isa itong bata. Hindi ako makapag pakita sa inyo noon dahil sa hiya hindi dahil sa ayaw kong pirmahan yung divorce papers. Iniwan ako ni Sev nung malaman niyang buntis ako. At bukod doon nalaman ko din na.... Na... May cancer ako at stage 4 na." Sabi niya habang umiiyak. Bigla syang napakapit ng mahigpit sa tiyan niya at sumigaw siya na parang nasasaktan. Nanlaki yung mga mata ko ng makita kong may tumutulong dugo sa mga hita niya. Dali dali ko siyang inalalayan papunta sa kotse ko at pinaharurot ko ito papuntang ospital. Pagdating namin doon ay pinaasikaso ko kagad siya. Buti at hindi nalaglag yung bata. Kahit na galit ako hindi naman ako papayag na may batang mawalan ng buhay dahil lang sa galit ko. Hindi kaya ng konsensya ko yun. Hinayaan kong tumira ulit si Aisha sa bahay ko pero hindi ko siya pinapansin. Paglabas ng bata ipapa DNA test ko kaagad ito para malaman ko kung totoo ba yung sinasabi niya. Hindi ko pinabago ang bahay. Sa guest room natutulog si Aisha. Ako? Halos gabi gabing umiiyak at naglalasing para nakalimot sa sakit na nararamdaman ko. Miss na miss ko na si Theodore. Nangungulila na ako sa mga halik at yakap niya. Hinahanap hanap ko yung presensya niya. Halos mawalan na ako ng trabaho dahil sa ginagawa ko. At muntikan na din akong magkasakit dahil sa hindi ko pagkain ng tama sa oras at puro alak lang ang laman ng tiyan ko. "Jacob, sisirain mo ba talaga ng tuluyan yang buhay mo?! Kung hindi mo kayang ayusin yan heto oh kutsilyo at saksakin mo na yung sarili mo ng hindi ka na mahirapan." Sa tagal kong naging ganito ngayon ang kauna unahang narinig kong nagalit at napuno si Kuya Eliot dahil sa ginagawa ko. "Isipin mo nalang kung totoong anak mo yung dinadala ni Aisha maging masaya ka. Kahit para sa anak mo nalang Jacob." Hindi ko maiwasang maiyak nanaman. Ang bigat sa dibdib. Walang oras na hindi pumapasok sa isip ko ang imahe ng mukha ng taong pinaka mamahal ko. Sinugod din ako ni Landon ng makarating sa kanya yung totoong nangyari kung bakit umalis si Theodore. "Ang kapal ng mukha mo! Ipinagkatiwala namin sayo si Theodore dahil akala namin aalagaan mo siya at hindi mo sasaktan! Tapos ano? Parang ipinamukha mo sa kanya na hindi mo siya mabibigyan ng anak!" Hindi ko siya masisisi sa mga salitang sinabi niya sakin. Oo tama siya. Nagkaroon ako ng isang pagkakamali kay Theodore pero hindi ko yun ginusto. Kinausap sila ni Kuya Eliot tungkol sa totoong sitwasyon namin ni Aisha kaya naman mas nalinawan sila. At natanggap nalang din ang nangyari. Nagbago ang lahat ng lumabas na yung batang nasa sinapupunan ni Aisha. Pina DNA test ko kagad yung bata at lumabas na positive. Positive na anak ko nga sya. Lahat ng lungkot sa katawan ko napalitan ng galak at saya. Parang isang iglap nahipan ng hangin yung sakit at pangungulila na nararamdaman ko kay Theodore. Yung baby na kalong kalong ko ngayon napaka ganda. Halos kamukha ko lahat sa kanya. Mula sa mata na bilugin at itim. Button nose at maliit na labi. Maputi din ang balat niya. Nagkaroon ulit ako ng rason para ituloy ang buhay ko. Nagtrabaho ulit ako ng maayos para sa anak ko. Si Aisha? Hindi na niya tinuloy pa yung therapy para sa cancer niya. Kinulit ko siya para doon pero siya din ang nagsabi na ayaw niyang masayang yung pera ko sa kanya. Kahit papano may pinagsamahan pa din kaming dalawa noon bilang mag asawa. Nasasaktan ako at nalulungkot dahil gusto ko pa din na ituloy niya yung buhay niya para na din kay Ayesha. "Jacob, sinabi ko na sayo. Kung doon hahantong ang buhay ko wala na tayong magagawa. Okay lang ako." Nakangiti niyang sabi sakin sa tuwing kinukulit ko siya na magpagamot. Kumukunsulta pa din ako sa mga magagaling na doctor tungkol sa sakit niya pero wala na daw talagang pag asa. Hindi ako pinakikitaan ni Aisha ng pagiging mahina at pagdaramdam sa sakit niya. Nanatili pa din siyang nanay sa anak namin na sa abot ng makakaya niya ay inaalagaan niya to at pinupuno ng pagmamahal. Wala pang isang taon yung anak namin ng mamatay si Aisha. Pero bago siya mawala sa mundong ibabaw pinirmahan niya yung divorce paper namin. Naalala ko pa yung huling salitang lumabas sa bibig niya bago siya tuluyang nawalan ng hininga habang hawak ko yung kamay niya. "Hanapin mo si Theodore. Makikisabing sorry hindi ko ginusto ito. At makikisabi rin na mahalin niya ang anak ko na parang anak niya. Mahalin mo din siya ng higit sa pagmamahal na binigay mo sa akin. Masaya akong naging asawa kita at naging parte ka ng buhay ko. Maraming salamat sa lahat Jacob. Wag mong papabayaan si Ayesha." Pagkatapos niyang sabihin lahat yan yung natitirang galit ko sa kanya nawala. Napalitan ng sakit. Iyak ako ng iyak dahil hindi padin maiaalis sa akin na naging parte sya ng buhay ko at naging asawa ko siya. Kahit na hirap na ako sa pagsasalita dahil sa kakaiyak pinilit ko pa din na magpasalamat sa kanya. "Maraming salamat din sa lahat. Hinding hindi kita makakalimutan. Patawarin mo din ako sa nagawa ko sayo. Sana maging masaya ka ng buo sa lugar na pupuntahan mo." At hinalikan ko siya sa noo. Nagpasalamat din ako kay Aisha dahil binigyan niya ako ng isang magandang anak. At binigyan niya din ako ng pagmamahal. Ipinagdadasal ko sa araw araw na sana masaya na siya kung nasaan man siya ngayon. Palagi ko din kinakausap yung litrato niya. Paulit ulit akong nagpapasalamat at humihingi ng tawad sa kanya. "Gabayan mo palagi si Ayesha. Alam kong nanjan ka lang at nakamasid saming dalawa." Pinagpatuloy ko ang buhay ko kasama si Ayesha pati na din ang paghahanap kay Theodore pero wala padin akong napala. Ilang taon pa ang lumipas pero wala padin. Sa paglipas ng panahon ay pinapakilala ko si Theodore kay Ayesha bilang Mama niya. Pinakikita ko sa kanya lahat ng mga litrato namin ni Theodore. Pati na din si Aisha na Mommy niya. Natutuwa naman yung bata at dalawa daw ang Mommy niya pero may halo ding lungkot dahil hinahanap niya ang mga ito. End of Flashback Kinuha ko din na mga ninong at ninang sila Landon, Kuya Dwight, Kuya Eliot at Kuya Liam ni Ayesha. Madalas din nilang dalawin yung bata at malapit na din ang loob ng anak ko sa kanila. Lahat kami walang ideya kung nasaan na ba si Theodore. Hanggang ngayon hinahanap hanap ko padin ang amoy niya, ngiti niya, boses niya at tawa niya. Kinabukasan, nag off ako sa trabaho at hindi na muna ako pumunta sa shoot. Bibigyan ko muna ng time ang anak ko. "Ayesha! Tara na anak pupunta na tayo sa mall!" Sigaw ko sa anak kong inaayusan ng yaya niya sa kwarto niya. "Daddy! Weyt po, baba na Yesha." Rinig kong sigaw niya. Napangiti ako. Kahit na hindi pa ganoon kabuo ang pananalita niya, magalang pa din siyang bata. Nakakatuwa lang talaga at ang bibo bibo ng anak ko. Nakita ko siya na naka mini dress at nakapuyod ang mahaba at bagsak niyang itim na buhok. Napaka gandang bata. "Daddy tara na! Tara na! Usto ko na sakay sa chu chu!" Sabi niya habang hatak hatak ako. Chu chu yun yung tren na lumilibot sa mall na pwedeng sakyan ng mga bata. Hilig ni Ayesha na sumakay doon pagkadating namin. "Alam mo anak, mas masaya kung kumpleto tayo ng Mama mo na mamasyal sa mall." Medjo mahina lang yung pagkakasabi ko. Ayokong makaramdam din siya ng lungkot kagaya ko. Nakita ko namang busy siya sa panonood ng nursery rhymes sa tablet niya habang nakaupo siya sa baby seat niya sa backseat. Nakarating kami ng mall at madami dami rin ang mga tao. Dahil siguro weekends. Naalala kong wala nga pala akong cash at kailangan ko pang mag withdraw dahil hindi naman pwedeng credit card ang ipangbayad ko sa tren na gustong sakyan ni Ayesha. Habang napindot napansin kong nawala yung anak ko sa tabi ko. Binalot ako ng kaba at takot. "Ayesha?! Anak! Ayesha?!" Sigaw ko habang tinitignan ang mga nagkukumpulang tao. Halos mabaliw na ako kakatakbo at lakad sa loob ng mall kakahanap sa anak ko. Mukhang napansin ako nung guard na nakaduty. "Sir. Ano pong problema?" Lumapit siya sakin. "Nawawala kasi yung anak ko. Heto siya sir." Sabi ko sabay pakita ng cellphone ko na naka screen saver yung picture ni Ayesha. Kinuha kaagad ni Manong Guard yung radyo niya. Narinig ko namang niradyo niya sa mga kasamahan nya yung nangyayari. "Sir. Nasa office na daw po yung anak nyo. Samahan ko na po kayo." Pagkasabi niya noon dali dali kaming naglakad papunta sa office nila. Nakita ko yung anak ko na umiiyak habang nakaupo sa upuan at kasama ang isang lady guard. "Ayesha!" "Daddy!" "Anak bakit ka ba umalis sa tabi ko ha? Saan ka ba nagpunta?" "Daddy nakita ko si Mama. Dito si Mama." Sabi niya na tuwang tuwa pa. Kanina nung nakita ko siya umiiyak siya pero habang nagkukwento siya maganda ang ngiti niya. Bigla akong natigilan. Si Theodore? Nakita niya si Theodore? "N-Nak saan mo nakita si Mama mo?" Tanong ko sa kanya. "Sa jabili po Daddy. Tas bigla po sya nawala." Sabi niya na parang iiyak nanaman. "Sir. Dinala po siya nung isa kong kasamahan dito. Nakita po kasi siyang umiiyak sa tapat ng Jollibee." Sabi nung gwardya. "Maraming salamat po sa inyo. Pasensya na din sa abala." Sabi ko at nagbow. Binuhat ko na si Ayesha at lumabas na kame ng office. Kabog ng kabog yung dibdib ko. Iniisip ko sana masalubong ko si Theodore. Kaya naman naglibot muna kami ni Min So. Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang isang familiar na pigura ng isang tao sa tapat ng botique shop. Naka side view sya sa akin. Matangos ang ilong, maliit ang muka, hanggang balikat na ang buhok niyang kulay pink at mukha na syang babae. "T-Theodore?" Paglingon niya sa gawi namin otimatiko ding nanlaki ang mga mata nya. Sya nga... Si Theodore nga. Tatakbo sana ako papalapit sa kanya pero dali dali siyang umalis. Hinabol ko siya pero mabilis siyang nawala sa paningin ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yun. Hindi normal ang naging reaksyon niya ng makita niya ako. Kaya sigurado akong si Theodore nga siya. Alam ko sa sarili ko yun kahit na malaki ang pinagbago niya. Mukha na talaga siyang babae ngayon dahil ang ganda niya lalo at mahaba haba na ang buhok niya. Kumakabog ng malakas yung dibdib ko. Nagkaroon ako ng pag asa na nakabalik na siya. At kung nakabalik na nga siya, may pag asa na din akong maiayos ulit yung buhay naming dalawa ng magkasama. Welcome back Mahal. --- Thanks for reading! ❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD