
Sa ilalim ng mga ilaw ng Euphoria Island—isang paraisong puno ng kasalanan at lihim—may dalawang kaluluwang parehong sugatan: isang babaeng nawalan ng anak,at isang lalaking nabubuhay sa dilim ng kanyang pagkabulag at pagkakasala.Si Kalis Huangcho, dating biktima ni Daemir Corvinel, ay ngayo’y nagtuturo ng sayaw upang kalimutan ang nakaraan.Akala niya, tapos na ang bangungot—hanggang sa isang file na may pangalang “Kalila”ang muling gumising sa matagal nang pinipigilang pag-asa.Ang anak na akala niya’y patay na.Si Dark Corvinel, ang bulag at tahimik na kapatid ng halimaw na sumira sa kanya,ang tanging lalaking hindi niya kayang pagkatiwalaan—ngunit siya rin ang tanging tutulong sa kanya para hanapin ang katotohanan.Sa kanilang paglalakbay sa ilalim ng mga lihim ng Euphoria,unti-unting naglaho ang galit, at sa dilim ay nabuo ang isang pag-ibig na hindi nila inaasahan.Ngunit sa mundong ginawang laruan ng kasalanan at pagkukunwari,hanggang saan mo ipaglalaban ang pag-ibig kung ito rin ang tanging bawal?Dahil sa dulo,hindi lahat ng halik ay nagdadala ng liwanag—ang iba, nagmumula mismo sa dilim.
