CHAPTER 9

2038 Words
LIYANA’S POV NADATNAN ni Yna na may hawak na tasa si Uncle Fery niya, nang Nakita siya nito na papalapit dito inilapag nito ang tasa na kulay put isa center table. “Mabuti at nandito ka na Yna, ikaw talagang bata ka kung ano-ano na naman ang pinaggagawa mo,” sermon agad nito sa kaniya. Napakamot na lang siya sa kaniyang batok at umupo sa katapat na upuan. Nakauwi na rin ito galing sa safe house ni Chen, nauna lang ito sa kaniya ng ilang oras. “Ako halos atakihin sa puso sap ag-aalala sa’yong bata ka.” Napahawak pa ito sa tapat ng dibdib nito. Mahaba-habang usapan na naman ito ngayon. “Kumusta ang pakiramdam ninyo, Uncle Ferry?” senserong tanong niya rito, nag-aalala talaga siya rito, paano kung hindi nito kakayanin ang shock o trauma? Hindi pa nga ito nakapag-asawa at wala ring sariling pamilya. Umiikot lang ang buhay nito sa negosyo. “Don’t worry about me, Uncle Ferry, I can handle myself,” assurance niya sa tiyuhin. Bumuntong-hininga ito at dinampot ang tasa na may lamang kape, inilapag nito muli sa center table. “Manang-mana ka talaga sa nanay mo ang kukulit ninyo,” anito na bahagyang ngumiti nang malungkot. “Nagkausap na ba kayo ng lolo mo?” tanong ni Uncle Ferry sa kaniya. Hindi pa rin nawawala ang pagkabulol nito kung magsalita. “Ikaw dapat makinig sa lolo mo siya hindi na bumabata,” dagdag pa nito sa kaniya. “Nagkausap na kami pero iba ang pakay niya Uncle Ferry, at huwag na natin siyang pag-usapan. Ang pag-usapan natin ay ikaw, huwag ka ng tumanggi na magkaroon ng bodyguard hindi natin alam kung ano ang tinatakbo ng isip ng mga kalaban,” mahabang paliwanag ni Yna kay Uncle Ferry. May ideya naman talaga ito sa pinaggagawa niya hindi lang ito nangingialam sa kaniya. “Sige-sige na ako payag na sa gusto mo,” pagpayag nito sa suhestyon niya. Nakahinga naman siya nnag maluwag, ang akala niya mag-iinarte pa ito sa suhestyon niya, noon pa man ay kinausap na niya ito tungkol sa pagkakaroon ng body guard. Pinag-usapan nila ang ilang detalye at set up nila. “Kumain na muna kayo,” si Aling Carmen na lumabas galing sa kusina. Pasado alas tres na ng hapon. “Nagluto ako ng meryenda, turon na saging na may langka at ginataang malagkit.” Iidlip pa sana siya kahit sandal dahil sa paborito niya ang niluto ni Aling Carmen ay sumabay na siya sa pagkain sa mga ito. Silang tatlo lang talaga ang nakatira sa malaking bahay ng tiyuhin niya at anak ng dating kasama sa bahay ng pamilya ni Uncle Ferry niya si Aling Carmen, hindi na rin iba ang turing nila kay Aling Carmen. Pasado alas singko na ng hapon at nag-ayos siya mamaya may lakad siya, kailangan niyang ibaling muna sa iba ang kaniyang atensyon para makapag-isip nang Mabuti para sa susunod na hakbang nila. Gaya ng dati, suot na naman niya nag itim na sombrero papunta siya ngayon sa Luneta park at magtitinda ng iba’t ibang klase ng mani at balut. Napahinto siya nnag may naalala, bakit ng aba nakalimutan niya si Knife Man? Nagbabakasakali siyang makita ito ngayong gabi. Isa pa ito sa iniisip ni Yna nitong nakaraang araw. Ipinagpatuloy niya ang naudlot na paglalakad, nai-text na niya kanina si Kanor at Chen. Wala siyang kariton ngayon, hindi siya nakapagpagawa o nakahiram dahil sa biglaan naman talaga ang pagtitinda niya ngayon, isang basket na may kalakihan ang dala niya ngayon. Hindi na siya pumuwesto sa dati niyang puwesto. May ilang tindera at tindero na binati siya, tanging tango lang ang sagot ni Yna sa mga ito. Sa tantiya niya kapag maubos ang kaniyang paninda medyo malaki-laki rin ang kikitain niya. Minsan napag-usapan nil ani Chen ang ginagawa niya at pati siya napapatawa sa mga ginagawa niya at kalokohan. Paubosn a rin ang panina niya pero wala pa rin ang hinahanap niya wal rin siyang napapansin na kakaiba ngayon. “Nagsasayang lang yata ako ng oras ngayon,” aniya sa kaniyang sarili. Kinuha niya ang kaniyang cell phone at nag-text kay Kanor. Nang nai-sent na niya ang mensahe binalik niya sa bulsa ng kaniyang pantalon ang cell phone. Hanggang sa naubos ang paninda niya wala pa rin ang kaniyang pakay. Mukhang tama ang hinala niya, ngumisi siya. Nang tingnan niya ang oras sa suot na relo, alas otso na ng gabi, medyo maaga pa bago umuwi. "Nalintikan na!" Halos hindi magkamayaw sa paghingi ng tawad kay Yna, ang apat na lalaki. “Talaga naming---” Hindi na niya itinulog ang sasabihin, biglang kumirot ang gilid ng labi ni Yna. Masakit pa ang bibig niya at buong katawan. Enjoy na enjoy ba naman ang apat na itong bugbugin siya. Bibilib sana siya sa mga ito kung kalaban talaga ang nabugbog ng apat at hindi siya. "Luhod!" Napangiwi siya. Nangangati pa naman ang mga kamao niyang manuntok ngayon at wala siya sa huwesyo dahil sa nangyari kanina, naalala na naman niya. Napamura siya sa kaniyang isipan nang malutong. Nakalimutan niyang masakit at kumikirot pa ang kaniyang sugat sa bibig. Tumalima naman ang apat sa kaniyang utos. Sinenyasan siya ni Kanor na lumapit dito, pinanlakihan niya ito ng mata kaya lumapit ito sa kaniya at may ibinulong. Mas uminit ang ulo niya dahil sa sinabi nito. Tiningnan niya ito nnag masama, hindi naman ito makatingin sa kaniya at baka pati ito mabigwasan niya ng suntok. "Chen ikaw na ang bahala sa mga iyan." Tinalikuran na niya ang mga ito at lumabas ng silid. Baka mapatay pa niya ang mga abnormal na iyon kapag mananatili pa siya roon mas maigi nang si Chen na ang bahala sa mga ito. "Sandali Yna!" tawag sa kaniya ni Chen, sumunod pala ito sa kaniya. Hinarap niya ito. "Rule number 37, huwag na huwag kang aalis ng wala ito." Mabuti na lang at nasalo niya agad ang hinagis nito. Napakunot ang noo niya nang makita kung ano ang inihagis nito. "Sky flakes?" nakangusong sambit niya. "Pampatibay ng sikmura, Yna," paliwanag ni Chen. "Another abnormal added to the group." Paunti-unti na yatang nahahawaan si Chen sa kalokohan nila. "Sandali!" muling sigaw ni Chen, nang talikuran niya ito. Patakbong lumapit ito sa kaniya at iniabot ang Heckler & Koch P30L pistols. Napakunot-noo siya. "What the siomai with chili sauce, Chen!" bulalas niya, "this is my dream gun's." Tumalon-talon pa siya. Natigilan siya sa pagtalon-talon nnag na-realise ang ginagawa niya. Inayos niya ang sarili at pumunta sa kaniyang motor. Akmang sasakay siya sa kaniyang motorsiklo ng biglang may bumisinang sasakyan. Bumukas ang pinto sa driver sit at iniluwa nito si Drei. “kapag minamalas ka nga naman,” mahinang reklamo niya. "Ihahatid na kita." Lumapit ito sa kaniya at hinila siya sa nakaparadang itim na SUV nito. Nanadya pa yata ang sitwasyon ngayon. Ayaw na niyang kumuntra pa rito at baka magkainitan lang silang dalawa. Tahimik lamang siya sa loob ng sasakyan nito. Pakiramdam niya ang tagal-tagal ng oras at ang layo ng pupuntahan niya. Nakailang mura na rin siya sa kaniyang isip. "I'm sorry," biglang sambit nito. Napatingin siya rito. "Kalimutan na natin iyon," aniya at tumingin sa labas ng bintana. Ayaw na niyang pag-uusapan ang nangyari noong nakaraang linggo. Hindi na rin ito nagsalita pa. Ito na nga ba ang sinasabi niya noon pa man. Kung kaibigan, kaibigan lang huwag nang lumagpas pa roon. Drei kissed her last week. At nasampal niya ito. Alam naman niyang may gusto ito sa kaniya pero hindi niya aakalain na ... halikan siya nito ayos lang sana kung sa noo o pisngi, muntik nang maubos ang nguso niya rito. Ilang araw niya ring hindi pinansin ito. Noong biyernes birthday ni Chen, may munting selebrasyon sila sa hide out nila. Pupunta sana siya ng banyo nang bigla na lang siyang hinila ni Drei at ayon na naman nilapa na naman ang kaniyang kawawang nguso. Sa inis niya nag-walk out siya lumabas siya ng kanilang hide out at ewan niya ba kung ano ang pumasok sa utak niya at naisipan niyang magsuot ng itim na bonnet. Umikot siya sa kabilang side ng hide out nila at inakyat ang lagpas taong pader. At ayon nga akala ng apat ay kalaban siya at pinagtulungan siyang bugbugin, dahil nakainum na rin siya hindi niya nadespensahan ang mga atake nina, Berto, Bugart, Baldo at Buyong. Kung hindi pa niya tinanggal ang suot na bonnet nagkandalasog-lasog na siguro ang katawan niya. Buti na lang hindi nandilim ang kaniyang paningin at baka napatay niya ang apat na tauhan. Kaya ayon binigyan niya ng leksyon ang apat. Kung tutuusin wala namang kasalan ang mga ito at ginawa lang nila ang kanilang trabaho siya lang talaga ang may saltik. Minsan balak na niyang ipakonsulta ang kaniyang sarili sa isang espisyalista. "Salamat sa paghatid." Agad na binuksan niya ang pinto, hindi na rin niya hinintay na sumagot ito at mabilis na bumaba sa sasakyan ni Drei. Hinintay niya munang makaalis ito bago inilapit ang mukha niya sa maliit na scanner sa mataas na gate. Mukhang lumang mansion lang ang bahay pero hig-tech ang nasa loob nito hindi lang talaga halata. Nagpaalam na rin siya kay Uncle Ferry na hindi siya makakauwi sa bahay nito, buti na lang at pumayag ito, minsan kasi hindi ito pumapayag na hindi siya umuwi. "State your name and code." Parang gusto niya na talagang basagin itong electronic security scanner. Sa matigas na boses sinabi niya ang hinihingi nito. "Liyana Mondragon Lim, Yishèn." "Liyana Mondragon Lim, Yishèn, confirmed." At bumukas ang gate. Hindi na siya nagulat na may naka-uniform na mga lalaking nakayuko nang pumasok siya. Black and white ang kulay ng suot ng mga ito. May baril din sa baywang ng mga ito. Nakapatay ang mga ilaw sa ikaapat na palapag ng mansyon. Napapailing siya habang naglalakd papasok sa loob. Minsan lang sa isang buwan siya umuwi rito. Hindi pa man siya nakarating sa main door ay sinalubong na siya ng dalawang babaeng naka-business suit. Pormal na pormal ang mga ito. "Good evening, Miss Lim." Yumuko pa ang mga ito at iniabot sa kaniya ang puting roba. Tinangal niya ang suot na itim na jacket at ibinigay ito sa may kaliitang babae. Isinuot niya ang puting roba at nagpatuloy sa paglalakad papasok ng mansyon. Kung wala sigurong mga tauhan ang lolo niya baka nagmumulto ito sa napakalaking bahay. Hindi siya lumaki sa luho. Lahat nang naipundar niya pinaghirapan at pinagtrabahuhan niya nang mabuti. Sino ang nagsabi na kapag maraming pera ay masaya ang buhay? Kung siya lang ang papipiliin mas gusto niyang mamuhay nang simpleng buhay sa probinsya. Owtomatikong bumukas ang malaking pinto nang makalapit siya rito. Mga nakaputing kasambahay ang bumungad sa kaniya. "Good evening, Miss Lim," sabay-sabay na bati ng mga ito sa kaniya. Seryosong nagpatuloy siya sa paglalakad. Napatigil siya bigla nang maramdaman na sumusunod ang dalawang babae sa kaniya, hinarap niya ang mga ito. "Stop following me!" malamig na wika niya sa dalawa. Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mga mukha nito. "Give me my jacket and you can leave now," mahinahon na sabi niya at hinablot ang kaniyang jacket mukhang wala pa yatang balak na sundin siya kung hindi niya pa ito pinanlakihan ng mga mata. "Ito na yata ang epekto sa kapapanood niya ng Peppa Pig, naging English speaking na siya." Inayos niya ang pagkakatali ng kaniyang roba. Tahimik na umalis ang mga ito. Minsan may magandang naidulot din ang panggagaya niya sa aura at gawi ng kaniyang lolo. "Uno Lim Mondragon," sambit ni Yna at biglang bumukas ang pinto. Ang cute talaga ang code name niya. Itinapon niya ang hawak na jacket pagkasara ng pinto. May pinindot siya ulit saka nagpatuloy sa paglalakad. "Simulan na natin ang laro, Gregorio Mulawin ang binansagang parang si Totoy Golem ng Tondo." Kahit ayaw ng lolo niya na kilalanin siya binigyan pa rin siya nito ng pagkakataon na umuwi rito sa lumang bahay nito kung saan nakatira noon ang kaniyang yumaong na ama. Mahilig makipaglaro si Gregorio tingnan niya lang ngayon kung magagamit pa nito ang gasgas nitong taktika o maruming galaw. Umupo siya sa harap ng nakabukas na computer. Kinuha niya ang salamin na nakapatong sa knang bahagi ng lamesa at isinuot ito. Hinilot-hilot pa niya ang kaniynag batok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD