CHAPTER 8

2111 Words
LIYANA’S POV "Talian nang maigi iyan at baka makawala pa." Kinaladkad siya at pabalyang pinaupo sa upuan. Nanakit ang buong niyang katawan sa pagod at pambubugbog sa kaniya kanina. Napaigik siya nang walang ingat na initali ang dalawa niyang kamay sa sandalan ng upuan. Tinalian din ang kaniyang mga binti. Sa lagay niyang ito ano sa tingin ng mga abnormal na ito sa kaniya? Makakatakas siya? Gustuhin niya mang idilat ang mga mata pero— hindi niya magawa. Natuyo na rin ang dugong umagos kanina sa buong mukha niya. "Makawala lang ako rito yari kayo sa akin." "Bantayan ninyo maigi ang bihag!" Napa-angat siya ng ulo dahil sa narinig. Nakikita niya ang nangyayari sa labas ng silid dahil ang isang parte ng dingding ay glass. May iilang mga babae na nakatali sa bawat isa nakagapos ang mga paa. Napapikit siya at huminga nnag malalim dahil sa Nakita niya. "Kayo na ang bahala rito, kapag may problema tawagan lang ninyo ako." Narinig niyang sumara ang pinto. Hindi pa nga masyadong gumaling ang mga galos niya noong nakaraang linggo ngayon ito na naman? Ang suwerte niya naman yata ngayon! Halos panawan na siya nang ulirat dahil sa pagod at pananankit ng buo niyang katawan. Tinamaan nga naman siya ng suwerte yata ngayon. Lumipas ng halos kalahating oras ay bumalik ang lalaki kanina, hindi maipinta ang mukha nito. Walang sabi-sabi na binigwasan siya ng suntok nito at sipa. Napaigik siya sa ginawa nito. Hindi siya makaganti gawa ng nakatali siya. Hindi rin naman siya makasigaw gawa ng may tela ang knaiyang bibig. “Akala mo makakalabas ka ng buhay rito?” Sabay sipa ulit sa kaniya. Pilit niyang kinakalas ang nakatali niya kamay pero walang nangyayari sobrang higpit ang pagkatali sa kaniya, mahapdi na rin ang palapulsuhan niya. Hinihingal na bumangon siya, binangungot na naman siya ng nakaraan, kung saan muntikan na talaga niyang makaharap si San Pedro. Pagtingin niya sa oras sa kaniyang cell phone ay alas-tres pa lang ng madaling-araw. Minsan kahit anon’n g pilit niyang kalimutan ang masalimuot na nangyari ay binabalik-balikan pa rin siya nito sa panaginip. Mukhang naalog yata ang utak niya. At napaniginipan niya ang masamang nangyari noon. At simula nang makaligtas siya roon nagsimulang nagbago ang kaniyang buhay. At sa mga oras na naghihingalo siya, roon niya napagtanto ang lahat-lahat kung sino at ano talaga ang buo niyang pagkatao. Hindi na siya nakatulog pa ulit. "Nagpuyat ka ba, Yna? Nangangalumata ka," ani ni Aling Carmen, habang inaayos ang nilutong pagkain sa mesa. Halos tlaga lahat napapansin ni Aling Carmen. “Inataki lang ng insomnia.” "Si Uncle Ferry po?" tanong niya rito imbis at kumuha ng pagkain na luto nito. "Maagang umalis, pupuntahan daw ang pabrika sa Cavite, medyo nagkaproblema raw ito noong nakaraan.” Inilpag nito ang isang malamig na tubig na nakalagay sa transparent na pitcher. Bigla siyang kinabahan, parang may mali! Gusto niya pa sanang kumain nang marami dahil ang sarap ng longganisang ginawa mismo ni Aling Carmen. Hindi na siya naligo at mabilis na umalis ng bahay. Tinawagan niya ang numero ng kaniyang tiyuhin pero out of coverage area ito. Halos hindi siya mapakali sa pag-aalala. Bakit ito umali ng mag-isa? Tinawagan niya si Chen. "Hello!" seryosong sagot nito. "Chen umalis si Uncle Ferry ng mag-isa pumunta diyan sa pabrika sa Cavite," aniya sa kaibigan. Nadala na talaga siya sa nangyari noon. Kapag kinutuban siya nang hindi maganda ay may nangyayaring hindi maganda! Mabuti na lang at nasa malapit lang si Chen. Kahit papaano ay naging panatag siya. Tinawagan niya na rin si Kanor at Drei. Iba talaga ang kutob niya. Nagkanya-kanya na sila ng pagpunta sa Cavite. Nasa Dasmariñas lamang ang pabrika ng kaniyang tiyuhin. Huwag lang sanang matrapik. Hindi pa man siya nakarating sa Roxas boulevard ay biglang sumimplang ang minamaneho niyang motorsiklo. Mabuti na lang at nakasuot siya ng protective gear dahil kung hindi sa hospital ang bagsak niya. Marami na ring mga nag-uusyuso kung ano ang nangyari sa kaniya. Wala naman siyang tinamong malalang galos. Habang sinusubukang niyang patayuin ang kaniyang motor ay may nahagip ang kaniyang paningin. Nagpalinga-linga siya at hinanap sa nagkukumpulang mga tao ang pamilyar na bulto ng lalaki. Alam niyang hindi naman multo iyon, dahil buhay pa naman ang lalaking iyon. Bakit hindi siya nito nilalapitan? Bakit tuwing may kakaibang nangyayari sa kaniya ay nahahaganip niya ito. Hindi ito nagkataon lamang parang sinadya talaga. Dinala niya sa gilid ng kalsada ang kaniyang motor. Gustuhin niya mang magwala ay ayaw niya namang magmukhang katawa-tawa sa maraming tao. Nasa kahabaan siya ng Buendia Station maraming tao rito dahil nandito ang mga estasyon ng bus. Dinukot niya ang kaniyang cell phone na kanina pa tumutunog. Si Chen ang tumatawag. Bigla siyang kinabahan. "Hello!" malakas na sambit niya. "He's safe right now ... muntikan na kaming nahuli." Naikuyom niya ang kaniyang palad. Tama nga talaga ang hinala niya. Mabuti na lang daw at naabutan ng grupo ni Chen ang akmang pagbukas ng sasakyan ni Uncle Ferry. Dahil kung nahuli lamang ang mga ito ng ilang minuto. Baka naging sunog na giniling ang kaniyang Uncle Ferry. Mukhang may ideya na siya kung sino ang may pakana nito. Noong nakaraang buwan ang huling sagupaan nila at ang feeling immortal na uhugin na iyon! Luminga-linga siya sa paligid. Nanlaki ang mga mata niya ang namataan ang V-Fresh malamig sa bibig na tinda ng isang may edad na babae, iniwan niya muna ang kaniyang motor at paika-ikang lumapit sa puwesto ng babae. "Magkano ang V-Fresh na green?" Dumukot siya ng limang piso sa kaniyang bulsa. "Tatlo, limang piso," sagot nito sa kaniya. Grabe! Ang mahal! Mabuti pa itong V-Fresh kahit mahal may bumibili, e, siya? Palaging minumura ng lolo niyang masarap itapon sa Ilog Pasig! "Salamat po." Ngumiti siya sa babae. Tatawad pa sana siya pero--- naisip niyang nagbibilad ito sa init para maibenta nang matiwasay ang paborito niyang chewing gum tapos buburautin niya pa? Bumalik siya sa kinaroroonan ng kaniyang motor. Napansin niyang may nakaipit na puting papel dito. "Sana all." Nilamukos niya ang papel. Sana all? Kung lagyan niya kaya ng siling labuyo ang mata nitong naglagay ng sulat dito sa motor niya? Tingnan niya lang kung makapag-sana all pa ito! Nakipag-usap na rin siya kanina sa naka-duty na trafic enforcer hindi naman nagkaroon ng aberya sa mga pampasaherong jeep ang maliit na simplang eksena niya. Hinihintay na lamang niyang dumating sina Berto at Bugart. "Boss!" Napalingon siya. Nakita niyang may bitbit na, flash light, isang bote ang Isopropyl alcohol si Berto. "Ano ang mga iyan? tanong niya kay Berto. "SOS, boss." At iniabot nito sa kaniya. Habang si Bugart nilapitan ang kaniyang motor. Nagsalpukan ang kaniyang mga kilay. "SOS?" ulit niya. "Ah, eh, kasi boss sabi mo sa text, SOS, Buendia Station, kaya ito inutang ko pa kay Aling Betchay ang alcohol at nanghiram ako ng flash light kay Ariel," pagpapaliwanag nito. Parang gusto niyang ibitin patiwarik ito! Ito ang resulta nito sa kapapanood ng Eat Bulaga. Ayos na sana, e, sumablay pa. "Sana, Red horse extra strong beer ang inutang mo at dinala rito natuwa pa ako sa iyo Berto, e, kung ipalaklak ko sa iyo iyang alcohol? Ang mahal- mahal niyan!" Para gustong niyang pektusan ito, kaso kawawa naman napakainosente pa ng mukha sarap ibalibag. “Pasensya na, boss.” Pakamot-kamot pa ng ulo niya si Berto. Mabuti na lang at nasa malapit lang ito, Si Bogart na ang kumuha ng motorsiklo niya. Nasa may kaliitang hide out sila ngayon isa ito sa tinatambayan nina Berto at Bogart. Mukha lang tatanga-tanga at mga wala itong alam pero huwag itong e underestimate at mapapalaban ang sino mang bumangga sa mga ito. Pumasok siya sa loob at hinubad ang leather jacket na suot siya. “Mas humigpit yata ang pagmamatyag ni Gregorio Mulawin sa mga galaw Ninyo, Boss,” sabi ni Berto at inilapag ang dal anito. Halos hindi pa nga gumagaling ang iilang galos niya noong nakaraan nadagdagan na naman ngayon. Imbes na sagutin niya si Berto at sinenyasan niya itong huwag na magsalita, tumalima naman ito. Gusto niyang makapag-isip ng tama. Pakiramdam niya sasabog siya ngayon dahil sa sobrang inis. Hindi niya alam kung ano ang magagawa niya oaras na malagay sa peligro ang buhay ng Uncle Ferry niya, mahalaga ito sa kaniya. Naging matatag siya sa buhay dahil din dito kahit minsan naririndi siya sa tiyuhin. Umupo si Berto sa katapat na upuan, nanatiling tahimik ito. Natatawa talaga siya sa mga ito, nagaya na yata siya ng mga ito dahil minsan may pagkasintu-sinto ang mga ito minsan nakapaseryoso naman. Naitanong nga ni Kanor ang mga ito kung bakit nanatiling loyal ang mga ito sa kanoiya na hindi naman deretsahang sinagot ng mga ito ang tanong ni Kanor. Lumipas ang kalahating oras biglang dumating si kanor kasama si Xerxes. Kumut ang mga noo ng mga ito nang Nakita sila ni Berto. “Boss ang daya nyo naman lanya!” reklamo ni Berto habang binabalasa ang baraha. Nakapatong pa nag mga paa niya sa isang upuan. “Nandito na pala kayo.” Inalis niya ang pagkakapatong ng mga paa niya ang ngumuso na maupo ang mga ito. Binati rin ito ni Berto at iniligpit ang baraha at lumabas. “Naks! Nakuha pang maglaro ng baraha,” turan ni Kanor habang umuupo sa upuan. “Ano’ng balita?” usisa niya sa dalawa. Kalamado na siya ngayon at nakapag-isip nang maayos hindi katulad kanina na gusto niya na lang sugurin nang harapan si Gregorio Mulawin. Walang dud ana ito nga ang may pakana sa nangyari sa kaniyang tiyuhin na si Uncle Ferry. Hindi talaga ito marunong maglaro nang malinis at talagang pinapainit nito ang kaniyang ulo. “Nasa safe house ni Chen si Uncle Ferry, mukhang na-trauma at na shock sa nnagyari sa kaniya kanina,” may pag-aalala na sagot ni Xerxes sa kaniya. Naikuyom ni Yna ang mga kamao niya. “Mabuti na lang at pumayag si Uncle Ferry na manatili na lang muna doon,” aniya sa mga ito. May kinuhang papel si Kanor sa bulsa ng itim na jacket nito at inabot sa kaniya. Kumunot ang noo niya habang binabasa ang nakasulat sa papel. “Hmmm… interesting,” aniya at tinupi ang papel at inilagay sa bulsa ng pantalon niya. Kahit sumasakit pa ang gasgas niya sa kamay at tuhod ay tumayo si Yna at nag-unat ng kamay. “Mukhang mapapalaban na naman tayo nito,” si Kanor at tumayo na rin ito. “Nakahnada na ba sila?” tanong niya kay Kanor. Naunang naglakad palabas si Xerxes sumunod siya dito nasa likuran niya si Kanor. “They are all set,” sagot ni Xerxes sa kaniya. Pinagbuksan pa siya ng pinto ni Xerxes bago ito sumakay sa may driver seat. Nang nakapasok si Kanor sa loob ng sasakyan may inabot ito sa kaniya na headset at ilang papeles. Hindi na siya kinausap pa ng dalawa nang simulant na niyang basahin ang mga papeles. Inabot din ng dalawang oras ang biyahe nila at natapos niyang basahin ang mga papeles. Inabot niya ito kay Kanor pabalik bago pa sila huminto sa tapat ng safe house ni Chen. Malayo pa lang Nakita na nila si Chen na may kausap sa cell phone at hindi maiguhit ang mukha nito. “Sunugin mo ang mga iyon mamaya, Kanor,” utos niya kay Kanor. Bago pa siya bumaba may ibinigay na usb si Xerxes sa kaniya. “Pinabibigay ni Drei.” Tinanggap niya ito at inilagay sa bulsa ng jacket niya. Nauna siyang bumaba hindi na niya hinintay ang dalawa at nauna nang naglakad papalapit kay Chen. Nang Nakita siya ni Chen sumenyas lang ito sa kaniya na maupo. Hinintay niyang matapos itong makipag-usap sa kausap nito sa cell phone. “Iligpit ang dapat iligpit,” dinig niyang utos ni Chen sa kausap nito sa kabilang linya. Nang nakalapit sina Kanor at Xerxes senenyasan niya rin ang mga ito na maupo. Nakalipas ang isang minute tinapos ni Chen ang pakikipag-usap nito sa cell phone. “Things might get worst,” panimula ni Chen at umupo na rin ito. “Talagang ginigigil talaga tayo ng mga kalaban,” aniya kay Chen. “At iyan ang gusto nila ang mangigil tayo,” Segunda ni Kanor. “Drei will be right here later, may dinaanan lang siya,” si Xerxes. “Lumalakas ang loob ng mga kalaban lalo na ‘yang si Gregorio Mulawin,” aniya sa mga ito. “I’d check everything at mukha tama nga ang hinala mo Yna.” May inabot na papel si Chen sa kaniya na nakapatong sa round table. Naningkit ang mga mata niya sa nabasa. “Nalintikan na.” Naikuyom niya ang mga palad at napamura pa ng malutong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD