LIYANA’S POV
"Ayos ka lang,Yna?" Napalingon naman siya kay Drei. Muntik na talaga siya roon kanina.
Iba ang kutob niya ngayon, masyadong malinis ang mga panyayari, pakiramdam niya embes na sila ‘yong mang-a-ambush sa kuta ni Gregorgio bakit parang sila ‘yong na-ambush. Nalintikan ‘yon ang nasa isip niya ngayon.
"Ayos na ayos," mahinang sagot niya rito. Hindi pa rin talaga kumukupas itong tropa niya. Malupit pa rin sa bakbakan. Kaya malaki ang tiwala niya sa mga ito kahit minsan mga loko-loko ang mga ito, lalo na si Kanor at Drei.
"Mukhang nakatunog ang mga tauhan ni Gregorio." Mabilis na umikot siya sa kanan ni Drei. Hinihingal na napasandal siya sa drum ng tubig na pinagtataguan nila. Sinilip niya pa ang drum kanina kung may laman o wala baka may kalaban sa loob na nagtatago.
Hindi nila akalain na maraming tauhan pala si Gregorio saan naman kaya nito na-recruit. At pawang may matataas na kalibre ng baril na hawak, marami yatang pondo ang naturang leader ng isa sa pinakamahirap hulihin na kreminal sa bansa.
. Ano ang laban niya sa mga ito? Tanging sila ni Drei at Kanor lang ang nag-espiya sa hide out ni Gregorio pero ito sila ngayon nakipagbahulan silang tatlo na para bang sumali sila sa marathon. Muntik na siyang tamaan kanina, mabuti na lang at alerto si Drei baka kung minalas siya, paglalamay siya panigurado ng kaniyang grupo at mga kaibigan. Wala pa naming patawad ang mga ito pagdating sa mga kalaban. Minaliit niya ang kakayahan ni Gregorio at mga tauhan nito, buti na lang Talaga at may baon pa siyang suwerte ngayon.
"Saan na si Kanor?" tanong niya kay Drei. Nagkandahiwa-hiwalay silang tatlo kanina. Sila lang yata ang may lakas nang loob na sumabak sa gulo ng walang plano. Iyong tipong nag-let’s go lang at agad sumabak ni hindi nila masyadong pinag-aralan ang naturang hide out at nag-imbestiga nnag maigi, sobrang bored na ba siya sa buhay ngayon. Ito an hirap sa aniya kapag badtrip siya, padalosdalos ang desisyon niya sa buhay.
At ito sila ngayon nganga at ubos na rin ang bala ng kaniyang baril. Nasa liblib na lugar sila ng Batangas medyo bundok na parte na ito. Nakita niyang dinukot ni Drei ang cell phone nito sa bulsa ng itim na jacket. Mabilis na hinawakan niya ang kanang braso ng lalaki.Napatingin naman ito na may kakaibang kahulugan, parang gusto niya itong kutusan, nakikita niya nang maayos ang mukha nito kahit medyo madilim. Sumenyas siyang huwag gumawa ng kahit na anong ingay. Tanging ang liwanag ng Buwan ang nagsisilbing liwanag sa madilim na paligid.
"Hanapin ninyo maigi! Hindi puwedeng makatakas ang mga iyon!" Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ni Drei. Kahit minalas sila nagkaroon ng buay ang katawang lupa niya ngayon. Pinaglihi yata siya ng mama niya sa mala-action na pelikula. Mabuti na lang at naka-all black ang outfit nila mas mahirap aninagin sa dilim.
Makalipas ang ilang minuto ay tanging malakas na pag-ihip ng hangin ang nangingibabaw sa madilim na gabi. Pakiramdam niya ang lakas-lakas ng t***k ng puso niya. Pumikit sya at pinakalma ang sarili kailangn niyang makapag-isip nang Mabuti at maging kalmado. Minsan pa naman lumalabas ang kayabangan niya at baka pumalpak na naman sila.
"We need to go now," mahinang bulong ni Drei, hinila pa siya nito palapit dito. Pinakiramdaman muna nila ang buong paligid. Nasa likod na bahagi sila ng malaking compound. Halos gusto niyang sumigaw sa sobrang sakit na nararamdaman sa kaniyang balakang. Na-dislocate pa yata ang mga buto-buto niya sa katawan.
Ang taas ba naman nang pader at na out balanced pa siya kanina nang tumalon siya. Suwerte lang siya at patag pa ang kinabagsakan niya dahil kung hindi baka gumulong-gulong na siya sa bangin at isa ng malamig na bangkay ngayon. Hindi niya ma-imagine ang sarili niya kung nagkataon na nahulog siya sa bangin, baka maging isang drum na gumulong siya paibaba.
Hindi niya alintana ang matutulis na sanga mabilis na sumunod siya kay Drei na gumagapang sa masukal na bahagi nitong hide out ni Gregorio. Para silang militar na nasa isang misyon.
Nilagyan pa ng gumagapang na damu ni Drei ang kaniyang ulo.Pang-disguise raw, napapanood niya lang ito sa TV, napailing na naman siya, nasa seryoso at delikadong sitwasyon sila pero nakuha niya pang mag-isip ng kalokohan ngayon.. Hindi naman siya nag-aalala sa kalagayan ni Kanor. Alam niyang nakatakas ito.
Nang makalayo na sila sa hide out ni Gregorio Mulawin saka pa lang siya nakahinga nang maluwag. Nakailang mura na siya sa kaniyang isip bawat dahoon na sumasabit sa braso niya ay hindi niya pinapalampas napagbubuntungan niya ito ng inis.
Tinatahak nila ang matataas na uri ng punong kahoy. Bawat paghakbang niya kumikirot ang kaniyang balakang. Pero ang mas importante ay ang makalayo sila rito. Parang walang katapusan naman ang paglalakad nila, hindi niya Talaga pinag-aralan ang nasabing lugar at ito ang unnag pagkkataon na napadpad siya rito.
Makalipas ang kalahating oras. Nakarating na rin sila sa wakas ni Drei sa kanilang napag-usapan na lugar kung saan sila magkikita-kita kung magkahihiwalay silang tatlo. Gusto sana niyang magreklamo pero naudlot ito.
"Ang tagal ninyo!" Muntik na niyang maputukan si Kanor. Bigla ba namang lumabas sa likod ng malaking puno. Bilog na bilog ang Buwan kaya maliwanag ang buong paligid. Ilang oras din silang naglakad ni Drei kanina hindi pa masyadong maliwanag ang Buwan. Nasa bundok sila ng Lipa, Batangas hindi niya lubos akalain na mayroon hide out dito ang lider ng Mulawin Gang. Kung siya ang tatanungin, Maganda ang Napili na hide out ni Gregorio, talagang mahihirapan ang kahit na sino na salakayin ang hide out nito.
"Kailangan nating makaalis dito, at sigurado akong may mga tauhan pa si Gregorio sa bayan na naghihintay sa atin." Mabilis na kumilos si Drei at kinuha ang iniwan nilang gamit dito kanina.
Pilit niyang huwag indahin ang sumasakit na balakang niya. Ilang araw paniguradong sasakit ito.
"Call Chen for back up, Kanor!" aniya sa kaibigan at kinuha ang maliit na bag niya. Kinuha niya ang nakatagong itim na Nokia 3310. Binuhay ito at mabilis na nagpadala ng mensahe. "Bulilyaso." Matapos niyang pindutin ang send button ay niyaya na niya ang dalawa na umalis. Mas mainam ang de-keypad na cell phone sa ganitong lugar kahit papano ay nakakasagap ito ng signal.
"Sandali nga!" biglan bulalas ni Kanor nang napansin nitong ngumingiwi siya. Napahinto at nilingon niya ito.
"May tama ka ba, Yna?" anito at lumapit sa kaniya.
Nakakahiya minsan aminin sa mga ito na tatanga-tanga siya kung minsan.
"Wala! Namali lang ng bagsak nang tumalon ako pababa kanina," paliwanag niya rito. Humalakhak naman bigla si Drei. Kung hindi lang sumsakit ang balakang niya baka nabugbog na niya ito.
Abnoy rin kasi bigla nitong hinawakan ang paa niya habang tumatawid siya sa pader akala niya ahas kaya namali siya nang bagsak at may mabuti naman itong naidulot, dahil kung hindi siya nito ginulat at hindi siya napatalon bigla baka may bala nang bumaon sa katawan niya.
Pilit naming tinatago ni Kanor ang ngisi nitong parang mangangantiyaw na naman sa kanila.
“Kaya pala,” makahulugang turan ni Kanor.
Alam na niya ang tumatakbo sa isip nito, bago pa man makahirit ito muli, pinandilatan niya ito ng mga mata. “ Not now, masakit ang balakang ko baka tatamaan ka sa akin, Kanor.”
Nauna na itong naglakad natakot yata na mababatukan niya na talaga ito.
Ang bilis din ng back up ni Chen, nakaabang na sa kanila sa b****a ang mga tauhan nito at mga sasakyan. Nakahinga rin siya nang maluwag nang nakapsok na sila sa loob ng van.
"A-aray ko! Aling Maring! Dahan-dahan lang po." Halos maihi siya sa sobrang sakit.
Kanina niya pang gusting sipain ang mga ito, ito siya namimilipit sa sakit samantalang ang mga abnornamal niyang kaibigan ay pinagtatawanan siya.
"Ano ba ang pinaggagawa mong bata ka at marami kang galos sa katawan?" biglang tanong ni Aling Maring, chikadora din itong si Aling Maring. Kusinera ito ng pamilya ni Kanor. Dito sila tumuloy pagkagaling sa Batangas at ang paalam niya sa Uncle Ferry niya ay may overnight swimming silang magtropa sa Batangas, mabuti na lang at naniwala ito.
Pumalpak man sila sa pakay nila ang mahalaga nakalabas sila roon nang buhay, kung nagkataon baka pinaglalamayan na sila ngayon. Nang medyo maayos na ang kaniyang pakiramdam pinuntahan niya ang mga kaibigan na kanina pa tila nag-e-enjoy sa night swimming ‘kuno’ nila. Talagang nakiuha pa ng mga ito na mag-videoke kanina.
May kalakihang kubo sa likod na bahagi ng bahay nila ni Kanor. Mabuti na lang at hindi busy si Chen at nakapunta rin ito ngayon dito. Wala naman itong balak na pumunta napilitan lang dahil sa kaniya.
"Wala na bang pag-asa na maging kayo ulit?" rinig niyang tanong ni Xerxes.
Wala talagang hindi chismosa sa kanilang magkaibigan. Kompleto nay ta ang grupo nila, may tatanga-tanga, abnormal, lokoloko, pikon at manhid. Napangisi siya.
Alam na niya kung sino ang tinutukoy nito. Wala talagang naglalakas-loob na pikonin si Chen at asarin, daig pa nito ang temperature sa Baguio, ang lamig masyado.
"Tigilan mo ako, Tris tatamaan ka sa akin!" seryosong babala ni Chen. Tama nga ang hinala niya. Napangiti siya, kahit kailan talaga napaka-killjoy ni Chen, ayaw na ayaw nitong pinag-uusapan ang buhay pag-ibig nito. Pero kung minsan malakas din makisali sa asaran ng may mga sawing pag-ibig.
Bigla naman natahimik si Xerxes, saka naman niya tinulak nang malakas ang pinto. Nakakatakot mapikon iyang si Chen. Nakita niyang nilalaruan ni Chen ang paborito nitong Balisong, kaya naman pala natahimik itong si Xerxes. Nakahilata sa mahabang sofa si Drei, si Kanor at Xerxes naman nakaupo sa katapat na upuan ni Chen, nakalimutan niyang medyo masakit pa ang balakang niya, napatakbo siya sa kinaroroonan ni Agila ang kanang kamay ni Drei. Katabi ito ni Chen.
"Long time no see, Agila!" At niyakap niya ito.
"Stop hugging him, Yna!" Napabitiw siya rito. Nakangusong tiningnan niya si Drei na ngayon ay isinusuot ang puting sando.
"Nakakaakit ang katawan!"
Kung hindi pa sumipol si Xerxes baka hanggang ngayon nakatulala pa siya sa pandesal no Drei. "Kung hindi lang kita kaibigan baka jinowa na kitang guwapings ka!" At may biglang bumatok sa kaniya. Kung nakakamatay lang ang irap niya baka pinaglamayan na nila si Kanor, epal talaga ito kahit kailan.
”Boss, akala ko ba masakit ang balakang mo.” Nakangisi pa si Kanor.
Inilihis niya ang kaniyang tingin, kunwari inaayos niya ang suot na relo.”Magaling manghilot si Aling Maring, Kanor huwag kang epal dyan.”
Umupo siya sa bakanteng puwesto sa tabi ni Chen, susulitin na nila ang oras na ito dahil bukas makalawa busy na naman sila sa kanilang mission.
Tahimik na nakikinig lamang siya sa usapan nina Chen, Drei at Xerxes, si Kanor naman kunwari busy sa isang sulok kakakulikot ng cell phone nito.
Naramdaman niyang nag-vibrate ang kaniyang cell phone, tiningnan niya kung sinop ang nag-text. “Kumukupas ka na yata o baka naman distracted ka Uno.”
Private number ang nakalagay. Hindi na siya nag-abala na sagutin ang text, ibinalik niya ang cell phone sa bulsa ng suot niyang cargo gray pants.
Napasandal siya sa sandalan ng upuan, medyo bumuti na rin ang pakiramdam niya at hindi na ganoon kasakit ang kaniyang likod at balakang. Baka masermunan na naman siya ng Uncle Ferry niya nito bukas.
“Masyadong ginalingan yata ngayon ni Gregorio.” Binalingan siya ni Chen nak an ina busy sa cell phone nito.
“Iba na yata ang strategy niya ngayon, masyadong lumakas ang pang-amoy,” dagdag pa niya.
“Tayo itong nag-espiya pero nabaliktad yata tayo na pala ang iniespiya.” Tumayo si Kanor at kumuha ng pulutan at agad na bumalik sa kinauupuan nito.
Nalaman nila na may tracker ang sasakyan na ginamit nila sa misyon kaya nagpasundo sila sa tauhan ni Chen at iniwan sa Batangas ang ginamit nilang sasakyan.
Pina-check niya na rin lahat ng ginagamit niyang sasakyan at baka nasalisihan sila mahirap na.
“Masyado tayong nagging kampante nitong nakaraan,” sabi ni Chen.
Mabuti na lang talaga at hindi ito tinutupak nawawala na lang kasi ito bigla na parang bula at ang hirap hagilapin.
“Walang challenge kung hindi tayo mahihirapan,” segunda niya kay Chen.
“At talagang gusto mo pa kaming idamay,” singit ni Kanor, at doon nagsimula ang asaran at lokohan nila.