CHAPTER 6

2004 Words
LIYANA’S POV SINIPAT niya ang kaniyang sarili sa salamin na pinto. Hindi na niya nabilang kung ilang beses na niyang sinipat ang sarili, aminado siya na kinakabahan siya kahit papaano. Hinihintay niya lang na tawagin at papasukin siya ng kaniyang Lolo Leon, napapikit pa siya ng banggitin sa kaniyang isip ang pangalan nito, bigla niyang naalala ang kaniyang yumaong na ama.. Halos kanina pa siya hindi mapakali. Sino ba naman ang hindi kakabahan kung ipatawag ng kaniyang lolo? He's Leon Carlos Uy Lim! Lahat takot dito. Mahahalintulad sa isang dragon ang kaniyang Lolo Leon, hindi pa naman sila close nito at medyo mainit ang dugo nito sa kaniya. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kanang kamay ng kaniyang lolo na si Cesar, sa tantiya niya kasing-edad nito ang kaniyang ama, napailing siya nang bahagya. Yumukod pa ito sa kaniya tanda ng paggalang o respeto, medyo naiilang Talaga siya tuwing may yumuyukod sa kaniya. "Pumasok ka na raw sa loob, Miss Liyana." Tumango siya sa lalaki. Inihanda na niya ang kaniyang sarili alam niyang masesermunan na naman siya nito ngayon. Pinapatawag lang naman siya at kinakausap tuwing may nakikita itong ginawa niya na hindi nito nagustuhan. Ofcourse alam niyang bawat galaw niya ay alam nito, minsan indi rin niya maintindihan ang tinatakbo ng isip n kaniyang lolo. Muntik na siyang nabangga sa kumikinang na malaking flower vase. Minsan sumasagi sa isip niya paano kaya kung mabasag niya ang isa sa mga mamahaling vase, buti na lang hindi nanalo ang kaniyang intrusive thoughts kung hindi baka mas lalong uminit sa kaniya ang dugo ng lolo niya. Mukhang pinabago na naman ng lolo niya ang dekorasyon nito sa pribadong tanggapan. Last time na pumunta siya iba ang pintura at desinyo ngayon naman iba na naman. Napatigil siya sa paglalakad nang napatingin sa kaliwang bahagi ng dingding, wala na roon ang malaking frame na may picture nilang mag-anak. Napailing na lamang siya, wala naman siyang Karapatan na magreklamo hindi naman siya welcome sa pamilya. Ang tanging natira na lamang ay ang malaking painting ng kaniyang Lolo Leon, nakaupo ito sa isang magarang upuan na parang hari ang dating, napangisi siya. “Buti na lang bagay ka dyan”. Pinagpatuloy niya ang kaniyang paglalakad, kakaiba itong desinyo ng opisina ng kaniyang lolo, noong unang punta niya rito akala niya pagpasok niya sa pinto ay madadatnan niya nakaupo na parang hari ang kaniyang lolo sa upuan nito ngunit hindi. Ika-nga expect the unexpected Kung ano-ano tuloy ang naiisip niya ngayon, marami yatang siyang napapansin ngayon sa lugar na ito, dati wala naman siyang pakialam. Pagkapasok niya mga naglalakihang flower vase ang kaniyang makikita, kakaliwa siya at madadaanan niya ang tila isang painting exhibit, sa pinakadulo makikita rin ang Family Picture's ng Pamilyang Lim pero ngayon tanging ang painting lang ng kaniyang lolo ang nakalagay roon. Itinapat niya ang kaniyang mga mata sa puting scanner sa gilid ng pinto. Kung kasama niya siguro ang mga kaibigan niya na mga loko-loko baka manakawan pa itong opisina ng lolo niya. "Please state your name." Napaismid siya. Para naman may attendance check tuwing pupunta siya rito. "Liyana Mondragon Lim." Napakamot pa siya sa kaniyang kilay. Grabeng kaartehan nitong matanda ito! Ayaw na ayaw niya rin naman na banggitin ang totoong pangalan niya tuwing pupunta rito sa teretoryo ng kaniynag lolo, mainit pa naman ang dugo nito at ayaw nitong ipinanggaladakan na isa siyang Lim. Wala naman siyang pakialam sa estado ng buhay at kayaman ng lolo niya, she has her own furtune o kayamanan. Ang yabang niya yata sa parting ito ngayon. "Liyana Mondragon Lim, confirmed!" At bumukas ang gintong pinto. Napayakap siya sa sarili, langhap na langhap niya ang preskong bangong ng lavender air freshener. "Wow!" Maingat na isinara niya ang pinto. "Mukhang tunay na ginto itong pinto magkano kaya ito kapag isinangla sa Palawan Express Pera Padala?" Parang gusto niyang kutusan ang sarili nakuha pa niyang mag-isip ng kalokohan sa ganitong kritikal na situwasyon! Bilid na talaga siya sa lolo niya. Every year ay pinabago talaga nito ang dekorasyon sa opisina. Nanlaki ang mga mata niya nang napatingin sa malaking painting sa kanang bahagi nang malawak na silid isang dragon at ahas nakapulupot ang katawan ng ahas sa dragon habang ang dragon naman ay parang akmang bubugahan nito ng apoy ang ahas. She feels something strange while looking at the painting, parang pamilyar sa kaniya ang painting. Nagkibi-balikat na lang siya. "Amazing!" Itinutuloy niya ang naudlot na paghakbang. "Mabaho ba ako?" aniya, naamoy niya kasi ang sinindihang insenso ng kaniyang lolo. Isa itong ritwal ng mga Chinese at iba pang bansa. The aroma of the incense stick has a healing power and soothing effect on the mind. The calming effect relaxes the mind and helps in performing rituals with better concentration. Prayer offered with a calm mind acts like a meditation process. "Naks! Napa-English ako bigla dahil sa sinindihang insenso." Kahit alikabok yata rito sa opisina ng lolo niya ay hirap na hirap makapuslit. Kilang na lang halikan niya ang sahig at mga figurins dito ang kikintab! Muntik na siyang atakihin sa puso ng biglang may tumikhim sa likuran niya. "Sit down, Mondragon." Natatarantang umupo siya sa pinakamalapit na upuan na kaniyang nakita. Iba talaga ang epekto ng presensiya ng kaniyang lolo. Kailangan niya pang pakalmahin ang sarili para hindi mangatog sa kaba. Buti na lang talaga hindi ito makikita ng mga kaibigan niya ang ganitong pangyayari at reaksyon niya tuwing kaharap at kausap niya si Leon Carlos. Pati isip niya naiilang na tawagin itong lolo. "Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo, Mondragon, ikaw wala nagawa tama!" Napapikit siya. Pakiramdam niya sa kaniya na talaga tatama ang baston nito. Minsan gusto niyang kutusan ang kaniyang sarili sa mga naiisip at nagiging reaksyon niya. Pinigil niya ang kaniyang sarili. "Ako hindi natutuwa! Puro kahihiyan na lang ba ang kayang mong gawin at karatantaduhan?" Napadilat siya. Talaga namang wala nang nakikitang maganda si Leon Carlos. "Paano kita lubusang tatanggapin sa pamilya ko?" Medyo nasaktan siya sa narinig. Minsan gusto na niya talagang pagtaasan din ng boses ang kaharap, sumusubra na ng tabas ng dila nito. "Dahil ba, babae ako Mr. Lim? Dahil ipinanganak akong babae kaya hindi mo ako kayang tanggapin bilang apo ninyo?" Tumayo siya. Wala na siyang balak pang tumagal dito sa teritoryo ng lolo niya. Minsan pa naman totoong napipikon siya at iyon ang kinakatakutan niya sa lahat at baka mandilim ang kaniyang paningin dito. "Upo!" Napaupo siya bigla. "Manang-mana ka sa ama mo!" Ngumisi siya rito.Gasgas na ang linyang ito. "Kaya ba mainit ang dugo ninyo sa akin?" sagot niya rito. Minsan ang sarap ding asarin ito. Umupo ito. Hinilot-hilot pa ang batok. "Pinatawag kita hindi para sagot-sagutin ako, Mondragon!" Napangisi siya lalo. Parang gustong pumalakpak ang tainga niya sa sinabi nito. Kahit pasigaw ang pagtawag nito sa kaniya pumalakpak ang tainga niya, kahit kailan talaga ayaw nitong magkapareho sila ng apelyido which is magkaapelyido naman talaga, ang laki ng problema nito sa kaniya. Dominante ang lolo niya at isang diktador akala yata nito siya si Dating Presidente Marcus. "Philip will arrive here in the Philippines next week," ani nito. Naikuyom niya ang kanjyang palad. Duda talaga siya sa dahilan nito kung bakit siya pinatawag ng kalbong ito. Nawawalan talaga siya ng respeto rito minsan, usto niys rin itong pagtaasan ng boses, akala yata nito sa kaniya ay bingi siya. "Philippine is a Democratic Country, walang pumipigil sa kaniya na pupunta rito." Inikot-ikot niya ang kaniyang ulo. mabanatan nga niya ito, mas malala pa ito kausap kaysa kay Kanor, mas bagay yatang tawaging lolo ni Kanor ito kaysa sa kaniya. "Ano naman kaya ang kinalaman ng pagkademokrasya ng Pilipinas sa pagdating ni Philip? "Self umayos ka! Huwag kang English nang English!" kastigo niya sa sarili. mababaliw yata siya kapag tumagal pa siya rito, mabuti na lang pala at hindi sila magkasundo baka pagnagkataon. "Sa ayaw at sa gusto mo, ang gusto ko pa rin ang masusunod!" maotoridad na pahayag nito. Nanlaki pa ang singkit na mata nito, mukhang may ilalaki pa talaga. Nagpanting ang tainga niya sa sinabi nito. " Hindi mo nga ako matanggap tapos, gusto mong pakasalan ko ang apo ng kaibigan mo?" Hindi niya napigilan ang sarili at sinipa ang upuan na nasa harapan niya. Nawalan na dala siya ng modo sa pagsagot rito. Kahit papaano naman sa lolo niya medyo tuwid na itong magsalita ng Tagalog ngayon. "Wow! Na wow! Mr. Lim." Nakipagtitigan siya rito. "Oo, pangarap kong i-recognize mo akong apo mo at ituring na isang Lim, pero hindi ko pinangarap na maging, sunod-sunudran na lang pagdating sa personal kung buhay, huwag na po ninyong ipilit ang gusto ninyong mangyari at mga binabalak pa." Tinalikuran na niya ang matanda at baka atakihin pa ito kung hindi siya aalis. Baka pati siya tumaas pa ang presyon nila pareho, iniisip niya baka mawala na lang siya sa mundo hinding-hindi sila nito magkakasundo. Tang Orange naman, oo! Ayaw niyang maging Liyana Lim-Sy ang pangalan niya. Mas nangingibabaw pa rin ang dugong Pilipino niya. Hindi niya talaga maatim na pakasalan ang sariling kamag-anak, kahit na sabihin nang malayong kamag-anak naman ito. Minsan naisip niya sa lolo niya yata siya nagmana nang kakapalan ng mukha. Kahit noon pa man ay ayaw na ayaw nito sa kaniya. Nasa kultura na ng mga Tsino na mas gusto ng mga ito na lalaki ang magiging panganay ng anak o apo nila. Kapag babae ito, para itong malas sa negosyo ng mga ito lalo na kung first born. Mabuti pa rito sa Pilipinas at sa mga Pinoy, may karapatan kang mamili o pipili sa gusto nilang gawin sa buhay. Hindi tulad ng sa pamilya niya may batas na dapat sundin. Kaya nga Mondragon talaga ang dalang niyang apelyido. Konti lang ang nakakaalam na isa siyang Lim. Ang kaisa-isang apong babae ng tinaguriang pinakamakapangyarihan na negosyante sa Pilipinas. Pagkalabas niya ng pinto sinalubong siya ng kanang kamay ng lolo niya, yumukod lang ito at walang sinabi. Mukhang inasahan na rin nito ang mainit nilang pagtatalo ng Lolo Leon niya. Agad din itong pumasok sa loob pagkalampas niya rito, baka e check nito kung na highblood na naman ang magaling niyang lolo. talagang anak nga siya ng ama niya. Her father disobey her grandfather as well sa gustong nitong fix marriage, akala niya nangyayari lang ito noong 40's or 50's pati ba naman ngayon. Hindi rin naman siya nito mapipilit lalo na hindi pa siya nito ipinakilala sa mga tao. May ideya na rin naman ang mga kapwa negosyante nila na ang apo ng lolo niya ay babae pero hindi lahat. Mukhang may alam na siya sa palabas na gustong mangyari ng Lolo Leon niya at iyon ang hindi niya mapapayagan na mangyari. Muntik na niyang nabangga ang isang vase. "mamalasin pa sana naku naman." Dinukot niya ang kaniyang cellphone na nakalagay sa bulsa ng suot niyang six pockets pants. Kanina niya pa nararamdaman na nagba-vibrate ito. Tama nga ang hinala niya kung sino ang tumatawag. Hindi na niya pinagkaabalahan na sagutin ito, wala siya sa mood ngayon at baka magkandaletse-letse pa ang plano niya, ngayong wala siya huwisyo at badtrip na badtrip siya. Kumunot ang noo niya nang napansin na may nakasandal sa kaniyang sasakyan agad siyang naging alerto, matirik ang sikat ng Araw kaya hindi niya masyadong nakikita nnag malinaw kung sino ang nakasandal sa kaniyang sasakyan. Wala sana siyang balak na sasakyan ang dadalhin niya ngayon mas sanay siyang naka-motorsiklo. Nnag medyo malapit na siya bigla na lang umalis ang lalaki, kung tatanga-tanga siya, baka hinabaol na niya ito. napahinto siya bigla iba ang kutob niya. She dialled Xerxes number isang ring lang agad naman na sinagot nito ang tawag. "Mukhang may nagmamanman nga talaga sa atin." Hindi na niya hinintay na makasagot man lang si Xerxes at ibinaba ang tawag nag-text siya rito na ito na ang kukuha ng sasakyan niya. Iba na ang nag-iingat, mabilis na isinuot niya ang bonnet na nasa bulsa niya at mabilis na lumiko sa may kaliwa taliwas sa deriksyon ng lalaki kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD