LIYANA'S POV
Nakatatlong Marlboro Black na siya pero hindi pa rin dumarating ang kaniyang hinihintay. "Masyado naman yatang pa-importante ang taong iyon." Kumuha ulit siya ng isang stick at hinablot ang hawak-hawak na posporo ni Kanor.
Badtrip pa naman siya ngayon dahil palpak din ang transaksyon niya noong nakaraang gabi sa Pasig River. At ayaw niyang madungisan ang mga kamay niya sa walang kuwentang bagay.
"Baka magkasakit ka na niyan sa baga, Uno." Nangalumbaba ito at tumingin sa paligid.
"Limang minuto kapag hindi pa sila dumating sibat na tayo, nag-aaksaya lang tayo ng oras dito!" Humithit ulit siya at nagpausok.
Nakita niyang may pinulot na papel si Kanor, nakatupi ito.
"Nalintikan na!" At iniabot nito sa kaniya ang papel.
"Uto-uto ka pa rin, Uno." Nilamukos niya ang papel. "Tara na!" Kung hindi pa siya hinila ni Kanor hindi pa siya matauhan. Hindi niya lubos akalain na naisahan na naman siya sa pangalawang pagkakataon ng lintik na Gregorio na iyon! Mabilis na sumakay siya sa kaniyang motorsiklo. Nagngingitngit sa inis ang kaniyang kalooban.
"May araw ka rin sa akin Gregorio Mulawin! May araw ka rin!" At bilisan niya ang pagpapatakbo sa kaniyang BMW F800 GS.
"Boss!" Sabay-sabay pang napalingon sa kaniya ang apat na lalaki. Hinagis niya sa pinakamalapit sa kaniya ang susi ng kaniyang motor.
"Puntahan mo si Buloy sabihin mo maglalaro kami ng pusoy-dos," aniya. Mabilis naman itong tumalima.
"Kumusta ang mga alaga natin?" tanong niya sa tatlo. Nagtinginan pa ang mga ito.
"A-ayos naman, Boss Uno." Binigyan siya ni Baldo ng upuan. Bilib din siya sa mga kasama niya. Tanghaling-tapat tumutuma na kaagad.
Inabutan din siya ng baso na may lamang Emperador light. Agad naman niya itong tinungga.
" Isa pa, boss." At binigyan siya ulit ni Berto.
"Ayos na ako, drink moderately mga bata," paalala niya sa mga ito. Iniligpit naman ni Berto ang natirang alak. Napalingon siya nang marinig ang pamilyar na tunog ng motor ni Kanor. Kahit kailan ang bagal talagang magmaneho ng lalaking ito!
"Boss Kanor!" sigaw ni Baldo habang si Berto at Bugart ay pumasok sa loob ng kanilang hide out. Inihanda na niya ang kaniyang sarili. Sigurado siyang sasabunin na naman siya ni Kanor. Noong nakaraang linggo katakot-takot na sermon ang inabot siya sa mga ito. Bawat tao may tinatagong sekreto at isa na siya roon. Ang akala niya mabibingi siya sa sermon ni Kanor pero nagkamali siya. Tuloy-tuloy lang itong pumasok sa loob. Hindi nga ito gumanti sa pagbati ng mga bata nila. Yes, may mga bata sila, tauhan kumbaga. High school pa lamang sila ay nakabuo sila ng grupo at noong nagkolehiyo na sila ay bumuo sila ng kanya-kanyang grupo.
Si Xerex may sampung tauhan, si Drei ang pinakamaraming tauhan. Si Chen iilan lang ang ipinakilala nito sa Cavite kasi ito nakatira, kami naman ang magkasama ni Kanor marami rin kaming hawak pero patago. Buhay na buhay ang mga kreminal dito sa Luzon lalo na sa Maynila. Minsan magulo dahil may ibang grupo na tuso at gahaman sa koneksyon at kapangyarihan.
"Boss!" Napatayo siya nang makitang dumating ang inutusan niyang puntahan ni Buloy.
"Ano ang sabi?" tanong niya sa bagong dating.
"Umalis daw si Buloy," pagbibigay-alam nito. Tumayo siya at nilapitan ang lalaki.
"Gagamitin ko si Jaguar." Inilahad niya ang kaniyang kanang palad dito. Mabilis naman nitong ibinigay sa kaniya ang susi ng paborito niyang motorsiklo. Pinagmasdan niya muna ang kabuuan ng kanilang hide out bago pumunta sa nakaparadang BMW S100RR. Mahirap na ang panahon ngayon kung kukupad-kupad ka mauunahan ka ng kalaban. Dumagdag pa sa iisipin niya si Gregorio Mulawin lider ito ng Mulawin Gang isa sa kinatatakutang gang sa Luzon. Marumi makipaglaro si Gregorio isa rin ito sa dahilan kung bakit napaaga ang pagbalik ng grupo ni Drei sa Pilipinas.
"Naks! Hindi ba self ito ang gusto mo? Ang ma-aksyon at magulong mundo?" Pinarada niya ang kaniyang motor sa parking area ng Chowking sa harap ng Santo Niño Chruch. Sumabay siya sa daloy nang nagsisiksikang mga tao. Linggo ngayon at marami ang dumarayo sa pagpunta rito sa simbahan. Maraming maliliit na bangketa ang nakapuwesto sa gilid ng daanan. May kariton ng iba't ibang prutas, gamit sa bahay, at marami pang
iba. Bumili siya ng dalawang pirasong puting kandila. Humalo siya sa mga taong papasok sa naturang simbahan. Pagkatapos niyang magdasal ay pumunta siya sa kanang bahagi ng simbahan kung saan naroon ang mga sumisindi ng kandila para ipagdasal ang sarili kalusuga, kaligtasan o kahilingan. Taimtim siyang nagdasal at humingi ng kapatawaran sa kaniyang mga kasalan. Saktong pagdilat niya... nahagip ng kaniyang paningin ang pamilyar na bulto ng isang lalaki. Hindi siya maaaring magkamali. Sinundan niya ng tingin ito at mabilis na humakbang patungo kung saan ito naroroon. Nakipagtulakan na rin para makalabas nang mabilis. Napamura na lang siya sa kaniyang isipan nang hindi na niya naabutan at nakita ang lalaki.
"Imposibleng siya iyon!" Agad na dinukot niya ang cell phone na nasa bulsa ng kaniyang pantalon. Wala oang dalawang ring agad na sinagot naman ni Drei ang kaniyang tawag. Hindi pa nakapag-hello ito ay inunahan na niya. "I think I saw, Cuatro!" diretsang sabi niya rito.
"F*ck! For real? Baka namalikmata ka lang, Yna?" ani nito.
Hindi rin siya sigurado kung si Cuatro nga ang nakita niya? Kailangan niya yatang uminom ng pampalinaw ng mata o kumain ng kalabasa.
Nag-usap muna sila ni Drei saglit. May kailangan pa palang silang ayusin na problema. Kailangan niya ring pumunta sa opisina ng kaniyang lolo.
Mukhang may alam na ito sa mga pinaggagawa niya sa buhay. Mabuti pa si Uncle Ferry niya. Kayang iparamdam sa kaniyang ang may tinatawag na pamilya. "Self! Huwag madrama, isipin mo na lang nagme-menopause lang ang lolo mo."
"May lalaki bang nagme-menopause?" parang tangang tanong niya sa sarili. Luminga-linga muna siya sa paligid at mabilis na tinungo ang nakaparadang motor.