Chapter 4

995 Words
LIYANA'S POV Hello!" Pabagsak na umupo siya sa kaniyang kama. Kakarating niya lang at parang pagod na lagod siya. "Gusto kang makausap ni Boss Drei." Nailayo niya sa kaniyang tainga ang hawak na cell phone at tiningnan kung si"no ang tumatawag. "so kasi self tingnin sa caller bago sagutin," aniya sa isip. "Agila!" Napatayo siya bigla. Nasa Pilipinas na pala ang grupo ni Drei. Akala niya next year pa ang mga ito uuwi rito? Ano na naman kaya ang problema? Sa pagkakaalam niya may importanteng bagay itong dapat asikasuhin? "Walastik! Naman! Ginulat mo ako, Agila!" bulalas niya nang mahimasmasan sa pagkabigla. " Halata ngang nagulat ka, Dragon." Ngumisi siya, pilosopo rin ito kung minsan, e, hindi na lang sakyan ang trip niya. "Hanep! Ang sarap pa rin pakinggan sa tainga kapag tinatawag mo akong dragon, Agila." Namulsa siya at lumapit sa malaking salamin, yabang niya talaga minsan sarap na talagang pektusan ang sarili niya. "Alas-kuwatro ng hapon sa dating tagpuan," anito at nagpaalam na, para namang may lakad kung makaakto itong si Agila. Nakipagtitigan siya sa sariling repleksyon sa salamin. "Pumayat ka yata self," aniya sa sarili. Inalis niya ang pagkakatali ng kaniyang mahabang kulay brown na buhok. Naaamoy niya pa ang shampung ginamit. Nakakapagtaka naman ang biglaang pag-uwi ng grupo ni Drei sa Pilipinas. Ano na naman kaya ang dahilan? Lumapit siya sa kaniyang kabinet. Binuksan niya ito at hinagilap ang mahalagang bagay na matagal na niyang iniingatan. "Magagamit na ba kita ngayon?" Hinimas-himas niya pa ito. Isinara niya muli ang pinto ng kaniyang damitan. Kailangan na niya talagang mag-ingat sa ngayon. Hindi nita alam kung sino ang mga taong panay sunod sa kaniya. Isa pa ang nangyari sa may Luneta. Natigil tuloy siya sa pagbebenta ng balut. Naligo siya at umidlip saglit, tutal mamayang alas-kuwatro pa naman siya makikipagkita sa grupo ni Drei. May kinalaman kaya ito sa napag-usapan niya at ang mga tao sa lihim na silid sa underground basement ng simbahan. Noonh una ay halos hindi siya makapinawala na may sekretong basement doon. At kapag nalaman din ng kaniyang lolo ang pinaggagawa niya ay baka mas lalong uminit ang dugo nito sa kaniya. Nagbago ang lahat noong... namatay ang papa niya. Gustuhin niya mang panghinaan ng loob ay hindi puwede, nasa kamay niya nakasalalay ang buhay ng nakararami. "Naks namam! Para naman akong isang magiting na tagapagtanggol ng mga naapi." Ipinagpatuloy niya ang pagsusuklay sa kaniyang buhok. Marami pa siyang dapat asikasuhin. Dinampot niya ang kaniyang mahiwagang cell phone at tinawagan si Kanor, tatlong ring pa lang ay sinagot na nito ang tawag, "Alas-kuwatro ng hapon sa dating tagpuan," pagbibigay-alam niya sa lalaki. "Dumating na sila?" Bakas sa boses ng lalaki ang tuwa. Nga naman, tropa rin nito ang kanang kamay ni Drei. "Be ready, mukhang mapapasabak tayo sa walwalan nito mamaya." Pinatay na niya ang tawag, hindi na niya hinintay na makapagtanong o makapagsalita pa si Kanor, hahaba lang ang magiging usapan nila. Iidlipmuna siya kahit isang oras lamang, alas-dos pa lang naman ng hapon. Naalimpungatan siya nang makarinig ng malakas na pagkatok sa kaniyang pinto. Para namang may balak pang gibain ang pinto niya. "Yna! May bisita ka sa ibaba! Hoy! Yna!" malakas na sigaw ni Aling Carmen may kasamang pang pagbalya. Hanep talaga itong kasama niya sa bahay! "Ito na po, lalabas na!" ganting sigaw niya. Pagtingin niya sa relo niya ay alas-tred na pala ng hapon. Dinampot niya ang maliit na bag na inihanda niya kanina at lumabas na ng kaniyang kuwarto. Nasa hagdanan pa lang siya ay dinig na dinig niya ang paghalakhak ng kaniyang Uncle Ferry. "Sino na naman kaya ang bisita nila?" Naudlot ang akmang paghakbang niya pababa ng makita ang nakatayog lalaki sa dulo ng hagdan. Mukhang inaantay talaga siya nito. "Hi!" Kumaway pa ito sa kaniya. Itinuloy niya ang pagbaba. Ayaw niyang ipahalata abg excitement sa kaniyang galaw pero hindi niya talaga mapigilang ma-excite. Nang malapit na siya rito patalon na yumakap siya sa lalaki. "Na miss kita!" At hinigpitan ang pagkakayakap dito. "Na miss din kita sobra." Gumanti ito sa pagyakap sa kaniya nang mahigpit. "Tama na iyan!" Napabitiw siya sa lalaki. "Tara na!" Hinawakan siya nito sa kaliwang kamay niya. Gusto niyang magpapadyak sa tuwa at kilig! "Hoy! Ano iyan may pahawak-hawak pa kayo sa kamay!" Bumitiw siya sa lalaki at hinabol si Kanor at ng maabutan niya ito ay piniktukasan niya ang lalaki. "Sadista ka talaga Yna." Tumakbo ito. "Ang kulit ninyo pa rin ni Kanor, Yna." Inakbayan siya ni Xerex pinsan ni Kanor na kababata niya rin. Galing itong Negros. Akala niya sa makalawa pa ito darating sa Maynila. Sumakay na sila sa mga motor nila. Wala pang 20 minutes ay nakarating na sila sa dating tagpuan ng grupo niya at grupo ni Drei. Naunahan niya pa si Kanor. Hindi mjna siya pumasok sa loob. Dinukot niya sa bulsa ng kaniyang maong na jacket ang baong Malboro Black kanina pa siya parang nasusuka. Akmang sisindihan na niya ito nang biglang may humablot nito sa kaniyang kamay. "Smoking is dangerous to your health." Napabaling siya sa nagsalita. "Drei!" bulalas niya, yayakap sana siya rito ng may humila sa kaniyang jacket. "Tsk! Bawal magkayapan!" Napanguso naman siya, abnoy talaga itong si Xerex at ayon nakipag-fist bump at manly hug ang dalawa. Narinig niya ang malakas na halakhak ni Kanor na tila nang-aasar. "Tara na sa loob," rinig niyang sabi ni Drei. Inayos niya muna ang kaniyang jacket at napulsang sumunod sa mga ito. Magkasabay na naglalakad ang tatlong lalaki siya naman ay sa likod ng mga ito. "Mas masaya sana kung nandito siya." Hinabol niya ang mga ito, hindi niya namalayan na huminto pala siya. Parang kailan lang noong buo pa silang magkaibigan pero ngayon kulang na sila at minsan hinihiling niya sana buo pa rin sila. Minsan talaga ang buhay ay nakapa-unpredictable, may aalis may darating. Hanggang kailan niya rin itago ang totoong nararamdaman niya? Nakakapagod din palang magkunwari na masaya pero ang totoo, para kang patay na buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD