Ramdam ni Andrei ang pagpintig ng ugat sa kaniyang ulo habang naglalakad siya papasok sa gusali. Hindi naman siya magtatagal doon. Kukuhanin niya lang ang kaniyang laptop at kukumustahin niya lang si Mrs. Amy kung ano na ang balita sa kanilang kompanya saka siya uuwi ng mansion para makapagpahinga nang maayos. Kapag nasa Hospital siya ay hindi siya makatulog nang maayos. Ayaw niya talaga sa Hospital. Napapatingin sa kaniya ang mga empleyado na nadaraanan niya habang naglalakad siya papalapit sa kaniyang opisina pero hindi na pinag-akasayahan pa ng oras ni Andrei ang mga ‘yon dahil gusto na niyang makauwi sa mansion. Umaasa na nandoon na si Noraine para hindi na siya mapagod pang magsundo sa babae sa Hospital kung sakali mang hindi pa ito nakakauwi. Napahawak sa kaniyang batok si Andrei

