NAGISING ang diwa ni Noraine nang maramdaman niyang tila may yumuyugyog sa kaniya kaya nagmulat siya ng mga mata at nagulat siya nang makita kung sino ang kaniyang nasa harapan. Napabalikwas siya ng bangon at agad na inilibot ang paningin sa loob ng silid. Hindi niya alam na nakatulog pala siya. Agad niyang hinanap ang lalaki pero hindi na niya ito makita sa loob ng k’warto kaya tumingin siya kay Lorebel. “Nasaan si Andrei?” mabilis niyang tanong. Hindi pa maayos ang pakiramdam ni Andrei dahil nang tingnan niya ang temperature nito kanina bago siya makatulog, nakita niyang mataas pa ang lagnat ni Andrei kaya nag-aalala siya nang maabutan niyang wala ang lalaki sa k’warto. Nakibit-balikat ang babae sa kaniyang harap. “Umalis siya, pumunta ng company.” Nagulat si Noraine sa kaniyang nari

