“Damn this headache,” bulong ni Andrei nang magising siya isang umaga dahil sa sobrang sakit ng kaniyang ulo. Siguro ay ito na ang parusa sa kaniya dahil sa pang-aabuso niya sa katawan niya nitong mga nakakaraang araw. Hindi siya nakakapagpahinga nang maayos at over worked pa siya. Nagsisisi siya kung bakit inabuso niya ang kaniyang katawan at hindi inalagaan ang sarili. Kahit na halos mahilam na ang kaniyang mga mata dahil sa maliwanag na ilaw ay pinilit niya pa ring imulat ang kaniyang mga mata. Naniningkit ang mga matang hinanap niya agad ang dalaga. Nang hindi niya makita ito sa kaniyang tabi ay agad siyang tumayo at inilibot ang paningin sa loob ng silid. Nakahinga na lang siya nang maluwag nang makitang natutulog si Noraine sa gilid ng kama kung saan natutulog din nang mahimbing

