Huminga nang malalim si Noraine bago buksan ang pinto ng k’warto ni Mr. Edwards pero bago pa man siya tuluyang makapasok ay narinig niyang muli ang pagbahing ni Andrei kaya nilingon niya ito at napailing. “Oh, nandito na pala kayo, dapat ay bukas na kayo bumalik nang makabawi-bawi kayo nang pahinga,” bungad sa kanila ni Ron nang makita sila. Sinulyapan niya agad si Mr. Edwards pero ‘tulad nang dati ay wala pa rin itong kahit na anong senyales na magigising na ito. Huminga nang malalim si Noraine bago tumingin kay Ron. “Okay lang, Ron, may iba ka ring gagawin,” sagot niya. Lumagpas ang tingin sa kaniya ni Ron kasabay ng pagsara ng pinto sa kaniyang likod. Nakita niyang nangunot ang noo ni Ron nang makita ang kaibigan. “The hell, man, what happened to you?” tanong nito sa kaibigan nang

