Parang nalalasing si Noraine sa bawat dampi ng mga labi ni Andrei sa kaniyang balat. Napapaliyad na lang siya sa tuwing mararamdaman niya ang mainit na hininga ng binata na tumatama sa kaniyang leeg habang pangko-pangko siya nito papunta sa k’warto. Nakapikit lang ang mga mata ni Noraine habang dinadama ang mainit na palad ni Andrei na naglalakbay sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan. Masyado na siyang nadadala sa init ng kaniyang katawan at hindi na niya alam ang kanilang ginagawa. Ang alam lang ngayon ni Noraine ay nagugustuhan niya ang bawat paghaplos at halik na ginagawa ni Andrei sa kaniya. Naramdaman niya ang malamig na pader sa kaniyang likod. Nakapulupot ang kaniyang mga binti sa baywang ni Andrei habang ang binata ay abala sa paghalik sa kaniyang leeg. Nang maglapat muli a

