M72: TUGON SA HALIK

1401 Words

Buong gabing gising si Andrei. Nakatitig lang siya sa kisame at malalim ang iniisip. Nakahiga lang siya sa sofa at tahimik na nag-iisip. Naalala na naman niya ang kaniyang Ina. Kung nandito kaya ang Mommy niya, mangyayari kaya sa kanila ang lahat nang ‘to? Ipinikit ni Andrei ang kaniyang mga mata. Kung nandito ang Mommy niya, hindi mangyayari ang lahat nang ‘yon at hindi rin sila magkakakilala ni Noraine. Hindi alam ni Andrei kung dapat ba siyang magpasalamat sa mga nangyayari. Idinilat ni Andrei ang kaniyang mga mata at tiningnan si Noraine na nakadukmong muli sa gilid ng kama ni Mr. Edwards. Napabuntonghininga na lang siya bago tumayo upang lapitan ang babae. Nag-aquat siya upang mapantayan ang dalaga. “Noraine,” tawag niya rito. Hinawakan niya pa ang likod nito upang yugyugin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD