Wala sa sariling kinuha ni Andrei ang kaniyang telepono at pumindot ng numero ro’n. Tinapat niya ito sa kaniyang tenga habang hinihintay na sagutin ng tao sa kabilang linya ang tawag niya. Hindi niya alam kung sino ba ang tinatawagan niya pero nang marinig niya ang boses ng tao sa kabilang linya ay napailing na lang siya. Mukhang wrong number siya. “Zup, man? Ano’ng balita riyan?” anang boses ng kaniyang kaibigan. Napabuntonghininga si Andrei. Bakit ba ito pa ang natawagan niya? “‘Nak ng tokwa, tatawag ka tapos ‘yan ang ibubungad mo sa akin?” Muling napabuntonghininga si Andrei. “Wrong number.” “Putcha, natutulog ‘yong tao tapos tatawag para sabihin ‘yan?” Mababakas ang inis sa boses ni Ron sa kabilang linya at hindi maiwasan ni Andrei na mapangiti. Trip na trip niya talaga na inisin

