Hapon na nang makauwi sina Noraine at Andrei dahil halos ayaw nang pauwiin ni Lorebel si Andrei– ang totoo ay gustong sumama ni Lorebel sa kanila sa pag-uwi sa mansion kaya naman nagtalo pa ang magkasintahan kaya nagtagal pa sila sa restaurant. “Noraine,” tawag sa kaniya ni Andrei nang maglalakad na siya papunta sa kaniyang k’warto. “Oh?” gulat niyang sagot. Nakahawak siya sa kaniyang batok dahil ang sakit na ng kaniyang ulo dahil sa sobrang pagod, idagdag pa ang naging pagtatalo ng dalawa. Napalabi ang lalaki at hindi makatingin nang maayos sa kaniya. Pinaglalaruan din nito ang mga susi sa kamay. Nangunot ang noo ni Noraine. “Uhm…” Tumikhim ang lalaki. Tumaas naman ang mga kilay niya. “Why?” muling tanong niya dahil kung wala namang mahalagang sasabihin si Andrei ay matutulog na siy

