“What did you just say earlier?” kunot ang noo na tanong sa kaniya ng lalaking kaharap. Nanlamig ang buong katawan ni Noraine at nagtayuan ang kaniyang mga balahibo nang hawakan ni Andrei ang kaniyang baba at iangat ang kaniyang mukha paharap sa lalaki. “Aalis ka?” marahang tanong ng binata sa kaniya. Nahihipnotismo si Noraine habang nakatingin sa mga mata ni Andrei. Umawang ang mga labi niya at napalunok na lang siya nang bumaba ang mga mata niya sa mga labi ni Andrei. Nanunuyo ang kaniyang lalamunan, para siyang nauuhaw pero alam niyang hindi tubig ang makakapawi ng kaniyang uhaw. “I will never let you go… Noraine,” mahinang bulong ni Andrei sa mismong mga labi niya. Huli na niyang napagtanto na napakalapit na pala ng mukha ni Andrei. Naramdaman na lang niya ang maramahan at malalim n

