“Come in!” sigaw ni Andrei nang may kumatok sa kaniyang opisina. Nanatiling nakatutok ang kaniyang mga mata sa pinipirmahan na mga papeles. Narinig niyang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina pero hindi na siya nag-abalang tingnan kung sino ang tao dahil isa lang naman ang kaniyang inaasahan. “Mrs. Amy, may problema ba?” tanong niya na hindi nag-aangat ng tingin. “Do I look like Mrs. Amy?” tanong ng isang maarteng boses ng babae. Natigilan si Andrei bago tuluyang mag-angat ng tingin sa tao sa kaniyang harap. Dinilaan ng binata ang kaniyang pang-ibabang labi bago bitawan ang ballpen upang bigyan atensyon si Lorebel na nasa kaniyang harap. “What are you doing here? Busy ako ngayon,” matabang na wika niya. Umikot ang mga mata ni Lorebel nang marinig ang kaniyang sinabi. “You’re always

