“Oh my God… oh my…” paulit-ulit niyang bulong habang nakatingin sa matanda. “Mr. Edwards– tatawag ako ng Doctor!” Umiling si Noraine at mabilis na lumabas sa k’warto upang pumunta sa information para tumawag ng Doctor. Habol ang kaniyang hininga na huminto siya sa harap ng information. Nanginginig pa ang kaniyang mga kamay nang tawagin niya ang nurse na nandito. “Nurse, nurse, nurse!” natatarantang tawag niya sa babae. Agad naman itong napatingin sa kaniya. “Yes po, Ma’am?” Hindi alam ni Noraine ang kaniyang sasabihin dahil sa halo-halong emosyon na kaniyang nararamdaman. Buong katawan niya ang nanlalamig. Pati ang kaniyang mga labi ay nanginginig. “S-si Mr. Edwards, g-gising na siya,” wika ni Noraine bago manggilid ang kaniyang luha sa mga mata dahil sa labis na kagalakan na nararamd

