“I bet you’re his step-mom?” tanong agad ni Ron nang makaupo siya kaya tiningnan ito saglit at tumango. Napangiti na lang si Ron. Para bang may laman ang mga ngiti nitong ipinapakita sa kaniya. “He hates you so much, he doesn’t like you to be his step-mom either,” dagdag pa nito. Napalunok na lang si Noraine nang dahil sa kaniyang narinig. Alam naman niya ang bagay na ‘yon kaya hindi na siya masyadong nagulat, ang ikinagulat niya lang ay naikuk’wento pala siya ni Andrei sa kaibigan nito at mukhang hindi maganda ang imahe niya kay Ron dahil sa una pa lang na sinabi nito tungkol sa kaniya. “I know…” mahina niyang sagot at bahagyang napayuko dahil sa hiya. “Simula pa lang no’ng una.” “‘Buti naman kung gano’n, palagi niyang ikinuk’wento sa akin kung gaano ka niya hindi gusto bilang madrasta

