Ngayon pa lang ay nagsisisi na siya sa inakto niya sa harap nito nang magkaharap-harap sila sa dinner date nila ni Noraine. Hindi magagawang kumalma ni Andrei sa ganitong sitwasyon hanggang hindi niya nakikita ang kalagayan ng kaniyang Ama, kung may masama mang mangyari rito, siguro ay ‘yon na ang magiging dahilan para maligaw siya ng daan, hindi niya na alam ang kaniyang gagawin. “Ron---” “I know, Andrei. Tumahimik ka lang d’yan kung ayaw mong tayo ang sunod na dalhin sa Hospital, kapag nawala ako sa focus sa pagmamaneho, sigurado akong impyerno na ang patutunguhan natin,” seryosong saad nito na hindi nakatingin sa kaniya. Nakatutok lang ito sa kalsada. Huminga na lang nang malalim si Andrei at tumango bago tumingin sa labas. Halos hindi na niya makita ang kanilang dinaraanan dahil sa

