No’ng una ay nagtataka pa si Noraine sa sinasabi ng kaniyang kaharap pero nang magsalita ulit ‘to ay tuluyan na siyang natigilan. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na no’ng araw rin palang ‘yon ay nagpunta sa opisina si Lorebel at sinaktan ka? Nagpapakabayani ka masyado! Hindi ka robot, tao ka rin at nasasaktan– damn it!” Tinalikuran siya ng lalaki na napapasuklay na sa buhok. “Andrei,” tawag ni Noraine sa lalaki. “Sa labas tayo mag-usap, hindi maganda kung maririnig ng Daddy mo ang pag-uusap natin.” Hinihingal siyang nilingon ng lalaki bago bumaba ang mga mata nito sa matandang natutulog sa kaniyang likod. Walang salita na lumabas ng k’warto si Andrei kaya muling tiningnan ni Noraine ang kanilang pasyente. Alam naman ni Noraine na hindi p’wedeng hindi malaman ni Andrei ang tungkol dito per

