Patuloy lang na nilalaro ni Andrei ang ballpen sa kaniyang mga daliri habang nakatitig sa mga papeles na kaniyang binabasa kahit na ang totoo niyan ay wala ro’n ang kaniyang atensyon. Nakatitig lang siya ro’n pero ang kaniyang isip ay inuukupa ng ibang bagay. Hindi niya makalimutan kung gaano kalambot ang mga labi ni Noraine nang maidampi niya rito ang kaniyang mga labi. Hindi niya makalimutan ang bulta-bultahe ng kuryente na dumaloy sa kaniyang katawan nang gawin niya ang bagay na ‘yon, at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maisip ang kaniyang dahilan kung bakit niya hinalikan si Noraine. Basta ang naaalala niya lang ay nakatitig siya sa babae habang nagsasalita ito hanggang sa bumaba ang kaniyang mga tingin sa labi nito at huli na niyang napagtanto ang kaniyang ginawa. Naramdaman na

