Gusto niyang isama si Noraine sa pagpunta niya sa kompanya pero hindi p’wede dahil kailangang nasa Hospital si Noraine, at isa pa ay ayaw niya munang pahirapan ito. Alam niyang kapag isinama niya ang dalaga sa pagpunta niya sa kompanya, hindi rin ito makakapagtrabaho nang maayos dahil sa kalagayan ng kaniyang Ama. Nang makarating sa mansion ay agad na dumiretso si Andrei sa kaniyang silid. Hinubad niya ang lahat ng kaniyang saplot hanggang sa boxer na lang ng matirang takip ng kaniyang katawan. Ibinagsak niya ang kaniyang katawan sa kama at ipinikit ang mga mata, nasa gano’n siyang posisyon nang ilang minuto pero napadilat na lang siya nang hindi siya dalawin ng antok. “Fvck this life!” malutong niyang mura bago tumayo at maglakad na papunta sa closeth upang magbihis na at magpunta sa op

