Nakatitig lang si Andrei sa babae na natutulog sa kaniyang harapan, magdamag na nakadilat ang kaniyang mga mata kaya naman hindi niya maiwasan na titigan sa magandang mukha ni Noraine, ang himbing ng tulog nito marahil ay dala ng pagod. Puputok na ang umaga pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok, siguro dahil sa nakikita niya ngayon? Napabuntonghininga si Andrei saka napailing at napaiwas ng tingin. Lihim niya ring tinakpan ang pagitan ng kaniyang mga hita nang bigla na lang iyong bumukol. ‘Fvck!’ Napamura na lang si Andrei sa kaniyang isipan dahil sa nangyayari sa kaniya. Isang beses lang naman silang nagkatabi ni Noraine sa higaan at halos hindi nga magdikit ang kanilang mga katawan habang natutulog silang dalawa pero pinapahirapan si Andrei dahil doon, palagi na lang nag-iinit

