Idinilat ni Noraine ang kaniyang mga mata. Napatingin agad siya sa bintana, doon niya napagtantong umaga na. Hindi siya nakatulog nang maayos. Nang makauwi siya ay nakahiga lang siya at nakapikit pero alam niyang gising ang buong diwa niya. Muling ipiniki ni Noraine ang kaniyang mga mata at huminga nang malalim at inalala ang nangyari sa Hospital. Hanggang ngayon, sa tuwing maaalala niya ‘yon… ‘yong mga mata ni Andrei na galit na galit habang nakatingin sa kaniya. Ang mahigpit na paghawak ni Andrei sa kaniyang braso… natatakot si Noraine. Ang akala niya ay nakita na niya ang totoong si Andrei pero mukhang nagkamali siya, talagang hindi niya pa kilala ang lalaki. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata ni Andrei at pakiramdam ni Noraine, hindi na niya kaya pang magpakita rito. Muling ku

