M55: ANO ANG GINAWA

1505 Words

Tatanungin niya sana si Noraine kung may problema ba pero umiwas na agad sa kaniya ‘to at nauna nang lumabas. Pumiling na lang ang ulo ni Andrei habang tinitingnan si Noraine. ‘Ano’ng problema non?’ Tanong niya sa kaniyang isip pero umiling na lang siya at hindi pinansin ang kinikilos ng babae. Mabuti na lang at nakatulog siya nang maayos kanina, napakapayapa ng pagtulog niya sa k’warto ni Noraine parang gusto niyang doon na lang matulog palagi lalo na at punong-puno ang k’warto nang amoy ni Noraine. Para siyang naadik. Umiling muli si Andrei. ‘Ano ba ‘tong iniisip ko?’ Umiling na lang siya bago maglakad palapit sa sasakyan niya, nandoon na si Noraine at tahimik na nakaupo sa passenger seat. “Okay na ba ang mga kailangan mo?” tanong ni Andrei rito. Tumaas pa ang kaniyang mga kilay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD