M54: TOTOO BA?

1215 Words

Nagising si Noraine na ang gaan sa pakiramdam. Parang nakapagpahinga na siya nang maayos. Nilingon niya ang bintana at nakita niyang madilim ang labas kaya naman saglit siyang natulala at napaisip. Hindi niya alam kung anong oras na pero nang mapagtanto niyang hapon na siya nakatulog ay muli niyang ipinikit ang kaniyang mata. Napabuntonghininga siya. Mabuti na lang at maganda na ang kaniyang pakiramdam, hindi ‘tulad kanina. Nanigas siya sa kaniyang kinahihigaan nang may mapagtantong isang bagay. Napalunok siya at dahan-dahan na umayos ng higa, nang makatihaya siya ay kinakabahan siyang tumingin sa gilid niya. Napasinghap siya nang walang makitang tao mula ro’n. Nakahinga siya nang maluwag nang hindi niya makita si Andrei ro’n. Nakakatakot ang kaniyang panaginip. Niyakap niya raw si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD