Hindi niya rin binibitawan ang braso ni Andrei dahil baka kapag binitawan niya ang lalaki ay baka sugurin nga nito si Mr. Holmes. “Okay lang ako, Andrei. Okay na ako.” kumbinsi niya sa lalaki. Tiningnan siya ng lalaki at tila isang mahika na nawala ang galit nito sa mga mata nang magtagpo ang kanilang mga paningin. “Okay lang kung kakalma ka na, Andrei, mas makakabuti para sa lahat.” mahinahong saad ni Noraine. Nakatingin lang sila sa isa’t isa kaya rinig na rinig ni Noraine ang paglagabog ng kaniyang puso sa hindi malamang dahilan. Nagwawala ito na para bang gusto nitong lumabas at pumunta kay Andrei. Hindi man niya alam kung bakit pero sigurado siya, iyon ay dahil sa posibleng gawin at kayang gawin ng binata nang lingid sa kaalaman niya. Naiintindihan niya si Andrei. Babae ng kanyan

