“Noraine, sumunod ka na lang sa labas, ha? Nandoon na ang lahat ng gamit na dadalhin natin sa Hospital,” bilin ni Manang Celia sa kaniya habang nag-aayos siya sa kaniyang k’warto. “Opo,” tipid niyang sagot dahil hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin siya. Hindi niya alam kung sasama ba talaga siya papunta sa Hospital o ‘wag muna para walang mangyaring gulo. Hahayaan niya munang makapagpahinga si Andrei dahil alam niyang sa mga oras na ‘to ay magulo pa ang isip ng binata. Baka pag-initan na naman siya nito. Tiningnan niya ang kaniyang sarili sa harap ng salamin. Nakasuot ulit siya ng longsleeve para itago ang sugat niyang muling nanariwa dahil sa pagkakapiga ni Andrei rito no’ng magpang-abot sila sa Hospital. Parang naiwan nga rito ang kamay ng binata dahil sa sobrang higpit nang pagkaka

