Pumunta sina Andrei at Mrs. Amy sa pinakamalapit na coffee shop sa Hospital. Para na rin mahimasmasan si Andrei. “What do you want to have, Mrs. Amy?” tanong ni Andrei. Tiningnan niya ang kasama at tanging iling lang ang isinagot sa kaniya nito. “Okay lang ako, nakapag-breakfast na ako sa bahay. Talagang gusto ko lang sabihin sa ‘yo ang bagay na ‘to. Alam kong hindi na maganda ang nangyayari sa ‘yo ngayon---” “Wala akong pakialam kung ano pa ‘yan, Mrs. Amy. Just straight to the point,” seryosong wika ni Andrei na nakapagpahinto sa pagsasalita ni Mrs. Amy. Nakatingin lang siya sa babae. Nakita niyang nagbaba ito ng tingin sa kaniya. Hindi rin nakawala sa mga mata ni Andrei ang lihim na paglunok ni Mrs. Amy. Mukhang tensyonado ang ginang kaya mas lalo lang itinuon ni Andrei ang kaniyang

